Dina Bonnevie admits ex-husband Vic Sotto still has soft spot in her heart

"Ang sa akin lang, I consider myself who can be a good catch. Marunong akong magluto. Marunong ako sa bahay. Matalino naman ako. Negosyante ako. Hindi naman ako pangit. I'm in shape and healthy. Ano pa ba ang hihilingin mo? It's a very hard act to follow," says Dina Bonnevie.


Ang magaling na aktres at kilala sa pagiging prangka na si Dina Bonnevie ang special guest ni Boy Abunda sa kanyang segment na "The Abunda Challenge" sa The Buzz kahapon, July 25.

Unang kinumusta ni Boy kay Dina ang mga panahong tila nawala siya sa sirkulasyon at kung ano ang mga pinagkaabalahan ng aktres.

"Siguro mga nine months akong nawala," banggit niya. "Kasi, I got out of the soap [May Bukas Pa], siguro mga October last year. So, November-December, pumasok na ako sa Wellness and Aesthetic Center ng Medical City. Doon, ginamot na nila ako because I was in and out of the hospital when I was taping May Bukas Pa, talagang sobrang lumaki ako na manas. Because I was also taking steroid, because I was allergic to the lahar and hindi ko alam na ang steroid pala, lack of sleep and bad diet, dahil siyempre, alam mo naman shooting, ang daming pagkain. Lalo na Pampanga pa, ang sasarap ng foods. It can trigger pala, you know, high blood. Siyempre, kapag nag-high blood ka, you can have a mild stroke.

"So, yun ang nangyari sa akin. Luckily, Medical City helped me. They were able to bring me back to health. They managed my diet. They changed my eating habit. Pati yung exercise ko, pinakialaman nila. So, no more gym-gym or anything."

During those times na hindi aktibo ang aktres sa paggawa ng pelikula at TV shows, what did she miss the most?

"Kapag wala ako sa pelikula, I missed taping, I missed filming movies, I missed talking to people like you. It's not every day that you get interviewed by smart people. Minsan, kapag may nag-i-interview, gusto mong sabihin, 'Can I be the one to make the question?'" diretsong sabi ni Dina.

NOT TERMINALLY ILL. Kumbaga sa main course, appetizer pa lang ang unang palitan ng tanong at sagot na yun nina Boy at Dina. For the "Abunda Challenge," the first question Boy threw to Dina was kung totoo ba na nagkaroon siya ng malubhang karamdaman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman, Boy. Yung bukol ko rito sa likod, it was operated, so nothing really serious. It was just really getting back to health which I mentioned earlier na because of the wellness and aesthetic center ang nagtulong sa akin na bumalik sa wellness form," paglilinaw ng aktres.

Is she okay now?

"I'm healthy now," sagot ni Dina.

VIC SOTTO. Bakit hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang single?

"I haven't found the right one," sagot ni Dina.

May mga pagkakataon pa rin ba sa buhay na naiisip niyang, sa pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa isip niya, sa dulo nito, sila pa rin ng una niyang asawa na si Vic Sotto ang magkakatuluyan?

Biglang napatayo si Ms. D sa tanong ni Boy.

"Ano ba ito, ninerbiyos daw ako sa question!" natatawa niyang sabi. "I think naman, you know, normal lang na isipin ko yun paminsan-minsan. Lalo na kapag nakikita ko yung mga nagkahiwalay na for a long time and then nagkabalikan, na at the end of the road, sila pa rin pala. Minsan nga, di ba, sinasabi na sa pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang uwi?

"Minsan, kapag nakakasama ko ang mga churchmates ko sa Victory [Fellowship], sinasabi nila, 'Naku, Dina, dapat magkabalikan na lang kayo ni Vic. After all, you know, God put you together'. Pero nandoon na yung bahala na ang Diyos. At siyempre, hindi mo naman madidiktahan ang tadhana at, siyempre, hindi mo matuturuan ang puso."

May puwang pa ba sa puso niya si Vic?

"Yes," pag-amin ni Dina. "Hindi naman mawawala yun, e. Why naman, he's the father of my children. Hindi mawawala yun at ang maipupuri ko naman kay Vic, kahit na nagkahiwalay kami, through all time, he always remained respecting me. I have a problem, he's there, he helps. Sobrang bait niya. Kahit nagkahiwalay na kami, talagang he really respects me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GROWING OLD. Talking about family, ang panganay nina Dina at Vic na si Danica ay meron nang sailing pamilya. Si Oyo naman ay magpapakasal na next year sa girlfriend niyang si Kristine Hermosa.

Hindi ba natatakot si Dina na tumandang mag-isa?

"Actually, that's my greatest fear," pag-amin ni Dina. "Nakakatakot of course to grow old alone. Like now, my dad's with me. Parang kapag nakikita ko yung dad ko na nasa akin, I say, 'Buti na lang I'm with my dad or my dad has me'.

"What kung pagtanda ko, gano'n, wala akong kasama? What if Danica and Marc [Pingris] migrate to France? Or, what if my kids go somewhere else? Paano na ako? That's why I'm very thankful to my friends, they are always there... Kahit na sobrang sama ng loob ko, umiiyak ako, they tirelessly help me."

Balitang pagkatapos ng kasal nina Oyo at Kristine sa January 2011 ay magma-migrate na raw sila sa Canada. Is this true?

"Hindi ko alam kung meron silang plano na mag-migrate," sabi ni Dina. "Pero si Oyo, nag-aaral, e. And I think, it will take him two more years to finish. Si Kristine naman, marami rin naman siyang projects. Siguro, mas mabuti kung sila na lang dalawa ang tanungin."

ONE AND ONLY BIDA-KONTRABIDA. Sinabi ni Boy na isa si Dina sa masasabing well-respected, brilliant, and beautiful actresses in the industry. At one point in her life, may nangahas na ba na nagsabi sa kanyang, 'Dina Bonnevie, laos ka na!'?

"Ganito ba ang hitsura ng laos?" sagot naman ni Ms. D. "Wala pa naman. At sa awa ng Diyos, wala pang naglakas ng loob na magsabi sa akin. And I feel, they have no reasons to do so. Dahil kung totoo yun, bakit naman nangangahas pa ang mga tao na interbyuhin ako, pag-aksayahan ako ng panahon, ng air time, why do they offer me projects?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung laos na ako, e, di sana wala nang nag-o-offer sa akin ng projects. Wala nang nag-i-interview sa akin na katulad mo. At isa pa, wala pang nakakagawa ng style na bida-kontrabida na katulad ng paggawa ko. Wala pang lume-level, sa totoo lang. Palagay ko, iisa pa rin ako ro'n."

RELATIONSHIPS. Sa mga nakarelasyon ng anak niyang si Oyo, sino ang pinaka-ayaw niya?

Napabuntong-hininga si Dina sa tanong at sabay sabing, "I don't want to answer that question. Let's just say that I'm happy na wala na sila. I'm happy na wala na sila."

Sa lahat ng naging karelasyon ni Vic, meron na bang masasabi niyang karapat-dapat tawaging Mrs. Vic Sotto?

"Ibabato ko 'yang tanong na 'yan sa 'yo. Meron na bang i-level?" balik-tanong ni Dina kay Boy.

"Wala pa," sagot naman ni Boy.

"Nasagot niya!" natatawang sabi naman ni Dina.

Ibinalik ni Boy ang tanong kay Dina.

"Wala pa," sabi nito. "Kasi sa tingin ko, lahat naman tayo, we're all unique. We cannot compare people to one another. Iba naman ang talents nila, iba ang skills nila. Iba rin ang beauty nila. Iba rin ang tayo nila.

"Ang sa akin lang, I consider myself who can be a good catch. Marunong akong magluto. Marunong ako sa bahay. Matalino naman ako. Negosyante ako. Hindi naman ako pangit. I'm in shape and healthy. Ano pa ba ang hihilingin mo? It's a very hard act to follow."

AFFAIR WITH A GAY. Sa huling challenging question ni Boy, sinabi nito kay Dina na puwede siyang tumayo at mag-walk away kung ayaw niyang sagutin at puwede rin nitong sagutin ang tanong kung gusto niya. Kung ano man ang magiging desisyon niya ay irerespeto raw nila.

The question: Sa lahat ng lalakeng nakarelasyon niya, may nakarelasyon ba siyang bakla?

"Can I answer it with another question? What if being a bisexual is equivalent to gay? And what if you didn't know? Baka noong kami, hindi pa, pero pagtalikod ko pala o baka naman hindi pa niya tanggap na bakla siya!" natatawang sagot ni Dina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So Boy asked, would she rather stay or walk away?

"I would rather not answer that question kasi baka..." at saka siya lumakad palabas ng studio habang nakangiti.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN