Sheena Halili admits copying Rufa Mae Quinto's style of comedy

"Sa pagpapatawa naman, inaamin ko na yung style ni Ate P-chi [Rufa Mae Quinto] ang ginagaya ko. Lalo na noong Marimar na ang role ko ay si Monica, yung booba acting ni Ate P-chi ang ginagaya ko. Bumagay naman daw kasi sa akin. Kaya yun na ang naging peg sa mga roles ko," says Sheena Halili.


First sitcom ni Sheena Halili sa GMA-7 ang Kaya ng Powers na nag-pilot telecast last Saturday, July 24. Gumaganap si Sheena rito bilang si Shalani Powers na may kapangyarihan na mag-create ng fire and water kapag nagiging emotional siya.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, sinabi ni Sheena na natuwa siya nang isama siya sa Kaya ng Powers dahil never pa niyang naransan na maging part ng isang sitcom. Puro mga teleserye at telefantasya raw kasi ang kanyang ginagawa.

"Nakakatawa nga kasi kahit na drama ang mga shows ko, tulad ng Marimar, Rosalinda, Ako Si Kim Samsoon, Zorro, Full House, La Lola, at ngayon sa Langit Sa Piling Mo, hindi ako pinagdadrama kasi nagpapatawa pa rin ako. Kaya bakit nga naman hindi pa nila ako ilagay sa sitcom, di ba?

"Noong sinabi nga sa akin na kasama ako sa Kaya ng Powers, talagang heaven ang feeling ko kasi matagal ko na rin itong gustong gawin. Tapos makakasama ko pa si Ate P-chi [Rufa Mae Quinto] at Joey Marquez na gaganap na parents namin nila Rhian [Ramos] at Elmo [Magalona]. Kaya ang saya-saya nung first taping day namin na magkakasama kami. May rapport na kami kaagad lahat," saad ni Sheena.

THE NEXT RUFA MAE? Marami ang nagsasabi na puwedeng sumunod sa yapak ni Rufa Mae si Sheena dahil pareho ang style ng kanilang pagpapatawa at magkahawig pa raw sila. Ano ang masasabi ni Sheena rito?

"Pareho kasi kaming maputi at chinita. Tapos mahahaba ang legs namin. Kaso si Ate P-chi, mas matangkad sa akin. Ako kasi, ang legs ko lang ang humaba at hindi ang katawan!" tawa niya.

Dagdag ni Sheena, "Sa pagpapatawa naman, inaamin ko na yung style ni Ate P-chi ang ginagaya ko. Lalo na noong Marimar na ang role ko ay si Monica, yung booba acting ni Ate P-chi ang ginagaya ko. Bumagay naman daw kasi sa akin. Kaya yun na ang naging peg sa mga roles ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang sa maging mag-ina na nga kami dito sa Kaya ng Powers. Natatawa nga ang staff ng show kasi kapag mag-usap daw kami ni Ate P-chi, parehong-pareho. Kahit na yung pa-English-English naming dalawa, nagsuswak. Kaya bagay talaga kaming mag-ina."

RAINIER CASTILLO. Tinanong din ng PEP si Sheena tungkol sa ex-boyfriend niyang si Rainier Castillo, na nasa bakuran na ng TV5. Inamin ni Sheena na nalungkot siya noong malaman niyang wala na si Rainier sa GMA-7. Huli silang nagkatrabaho sa series na Full House at bago 'yon ay nagkasama sila sa Dear Friend at SRO Cinemaserye.

"Nagulat ako kasi wala naman siyang nababanggit na lilipat siya sa ibang network," sabi ni Sheena. "Kasi nga, nagkasama pa kami sa Full House. Parati naman kaming nagkakausap, pero wala naman siyang naikukuwento na may problema pala siya with GMA-7.

"Nalaman ko na lang na nasa ibang network na siya noong mag-text siya. Parang nagsabi lang siya na baka matagal kami ulit hindi magkakatrabaho. Akala ko nagdyu-joke, yun pala, pumirma na siya sa TV5.

"Siyempre, sad naman ako dahil nagkaayos na kami, di ba? After ng mahabang panahon, nagawa naming mag-usap ulit at magkabati. Akala ko nga tuluy-tuloy na ang team-up namin kasi nga nakagawa na kami ng three projects sa TV na okey naman ang pagtanggap ng fans.

"Pero kung yun nga ang desisyon ni Buboy [nickname ni Rainier], wala naman tayong magagawa. Kung sa ibang network siya mas maraming trabaho at masaya, e, di magiging masaya ako for him. Nabanggit nga niya na gusto lang niyang magkaroon ng work at siguro naman okey ang lagay niya sa ibang network."

Nakikipag-communicate pa rin naman daw si Rainier sa kanya. Madalas daw ay through text message lang.

"Naku, kuripot 'yon, 'no!" malakas na tawa ni Sheena. Hindi tatawag 'yon. Nagtitipid yata sa load. Panay text lang siya talaga sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aniya, "Nangungumusta naman siya. Tine-text nga niya na may taping siya or may raket siya. Happy naman ako dahil busy na rin siya ngayon. Alam ko naman ang kalagayan ng family ni Buboy kaya hindi ko naman siya masisisi kung sa ibang lugar siya maghanap ng work.

"Basta ako, bilang kaibigan niya, nandito ako kung gusto niya ng kakuwentuhan, ka-textmate, ka-Twitter or ka-chat sa Facebook. Makakaasa si Buboy na ang friendship namin ay hindi mawawala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN