Carl Guevara reunites with Jennica Garcia in Pilyang Kerubin and Jejemom

"Ang dami rin nagko-comment sa love team namin. Kumbaga, nakakatuwa raw. Masaya ako sa team-up naming dalawa ni Jennica. 'Tsaka ngayon, mas nararamdaman ko rin na mas nakakapag-usap na kami, mas nakakapag-bonding na rin kahit sa taping," says Carl Guevara (in photo) about his love team with Jennica Garcia.


Hindi nagsimula at nagtapos sa "My Stalking Heart" episode ng Dear Friend ang team-up nina Carl Guevara at Jennica Garcia. Bukod sa upcoming sitcom na Jejemom with Eugene Domingo, sina Carl at Jennica ang guest artists this week sa primetime series ng GMA-7 na Pilyang Kerubin.

Masaya si Carl na muli silang magkakasama ni Jennica.

"Masaya ako kasi nakatrabaho ko na siya sa Dear Friend. Magaan na yung working relationship namin. Kumbaga, meron nang experience. Alam na namin kung paano saluhin ang isa't isa."

Dugtong pa niya, "Ang dami rin nagko-comment sa love team namin. Kumbaga, nakakatuwa raw. Masaya ako sa team-up naming dalawa ni Jenica. 'Tsaka ngayon, mas nararamdaman ko rin na mas nakakapag-usap na kami, mas nakakapag-bonding na rin kahit sa taping."

Kahit sila ang magka-love team, sa iba naman nali-link ngayon si Jennica—sa rumored boyfriend nito na si Alwyn Uytingco. Okey lang ba ito kay Carl?

"Oo, okey lang. Walang problema sa akin yun," sagot ng model turned actor. "Kumbaga, personal na buhay na yun. Kumbaga sa akin, screen partner ko siya. Sa trabaho, masaya ako na ka-partner ko siya. Pero sa personal na buhay, hindi ko na pinakikialaman ang personal na buhay niya."

Siya naman daw ay nananatili pa ring single after his breakup with Daiana Menezes.

"Wala pang makita, e," nakangiti niyang sabi. "Wala pang dumarating. Trabaho muna. Kumbaga, mag-focus muna sa trabaho. Pero yung manager ko, si Perry Lansigan, hindi naman niya ako pinagbabawalan na mag-girlfriend. Kumbaga, ako na rin mismo sa sarili ko, gusto ko rin na mag-focus lang muna sa trabaho. Siguro, nagkataon din kasi na wala pa talagang nakikita, wala pa talagang dumarating."

COSMO HUNK. Nag-pictorial na rin si Carl para sa Cosmo Bachelor Bash 2010, kung saan isa siya sa celebrity bachelors na rarampa sa Cosmo event on September 9.

Dahil rumampa rin siya last July 2 sa Bench Uncut fashion show na naka-underwear, anong paghahanda naman ang ginagawa niya ngayon for the Cosmo event?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So far, hindi pa talaga ako nagpi-prepare nang todo for the Cosmo event," sabi ni Carl. "Siguro kapag mga two weeks before ng event, do'n ako magpi-prepare talaga. Masyado rin kasing mahirap kapag matagal ang preparation mo, e. Ang sabi lang sa amin, yung concept daw kasi, parang born to be wild. Yung pictorial namin, may mga kasama rin kaming hayop."

May pressure pa ba siyang nararamdaman sa pagrampa for Cosmo gaya ng naramdaman niyang pressure noon sa Bench?

"Sa Cosmo? Hindi na, siguro dahil nakarampa na ako sa Bench. Pero siyempre, kailangan mo pa rin paghandaan. Kailangan mo pa rin mag-workout. Pero, hindi na ako napi-pressure. Kung ano ang maipapakita mo, yun na yun, e," sabi ni Carl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN