Cinemalaya Organizing Committee clears director Gil Portes on "plagiarism" issue

The organizing committee of Cinemalaya film festival has issued a statement clearing director Gil Portes on the plagiarism issue raised by an indie filmmaker against the veteran director about the film Two Funerals.


Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, July 29, ng ipinadalang statement ni Direk Gil Portes bilang huling paglilinaw sa isyu tungkol sa "plagiarism" ng ideyang-pampelikula na diumano'y ibinibintang sa kanya at sa kanyang scriptwriter na si Eric Ramos.

Ito ay kaugnay ng pelikula nilang Two Funerals, na nagkamit ng mga parangal sa nakaraang 6th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition. (CLICK HERE to read related story.)

Narito ang pahayag ni Direk Gil at ang kaukulang Cinemalaya statement on the issue, mula naman sa Cinemalaya Organizing Committee:

"During the week of Cinemalaya Film Festival in the CCP, the undersigned (director Gil Portes) and Eric Ramos, the team behind the award-winning Two Funerals, were accused of a crime called plagiarism by a certain Bong Ramos, who claims to be an independent filmmaker, and someone who is the line producer of another Cinemalaya film (he is too insignificant to be mentioned).

"They were supported by some press people and the duo ignited a senseless controversy. Why? Only God knows. The two of us spoke to Cinemalaya for clarification.

"Below is their (Organizing Committee) Statement, signed by Ms. Laurice Guillen, Chair-Cinemalaya Competitions, and Mr. Nestor O. Jardin, Festival Director:

"In response to the clarification sought by Mr. Gil Portes and Mr. Eric Ramos, director and scriptwriter of the Cinemalaya film, Two Funerals, respectively, the Cinemalaya Organizing Committee wishes to announce that, upon careful deliberation, it found no plagiarism or copyright infringement involved in the script of said film.

"The Cinemalaya Organizing Committee hopes that this statement will put to rest any issue related to this matter."

REST IN "PEACE." With that, inaasahang matatapos na nga ang isyu tungkol sa "plagiarism" allegation laban sa direktor at scriptwriter ng Two Funerals. Bagamat sinusubukan ngayon ng PEP na kunan ng reaksiyon si Bong Ramos tungkol sa statement na ito ni Direk Gil at ng Cinemalaya Organizing Committee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tamang-tama ang pormal na pag-iisyu ng naturang statement mula sa Cinemalaya Organizing Committee sa pagtatapos din ng nine-day Cinemalaya Filmfest extended screenings sa Cine Adarna ng UP Film Institute, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Sa kabila ng naging kontrobersiya at iba pang usapin, naging matagumpay ang pagsasagawa ng Cinemalaya 6 Goes UP noong Hulyo 20-24 at mula Hulyo 26-29. Ngayong araw, Hulyo 30, ang pinakahuling pagpapalabas, sa UP-Cine Adarna, ang dalawang pelikulang nagtamo ng pinakamataas na karangalan (Best Picture) sa Cinemalaya, 2010: ang Halaw, ni Sheron Dayoc (New Breed), at 5 p.m.; at Donor, ni Mark Meilly (Directors' Showcase), at 7:30 p.m.

Ang Cinemalaya 2011, ayon kay Ed delos Santos Cabagnot, Festival Programmer, ay gaganapin mula Hulyo 15-24, 2011, sa Cultural Center of the Philippines (CCP).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN