PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jean Garcia asks daughter Jennica: "Akala ko ba, di ka muna magpapaligaw?"

Jean Garcia counts her blessings one year after typhoon Ondoy destroyed her home.
by Mell T. Navarro
Published Aug 1, 2010
Jennica Garcia and Alwyn Uytingco (insets) are said to be an item already. Jean (main photo) gives them some leeway, but says, "Kung ako ang tatanungin, mag-enjoy na muna si Jennica, have fun lang at huwag muna mag-commit. Yun ang sinasabi ko palagi sa kanya. She's 20 years old, bata pa siya. Twenty ako nung I had her."

Sa nakaraang FHM's 100 Sexiest Women event na ginanap sa World Trade Center noong July 15, nakasama sa pagrampa ang magaling na aktres na si Jean Garcia, patunay na kahit na nasa 40s na siya ay malakas pa rin ang kanyang sex appeal sa mga kalalakihan.

"Ang haba ng rampa na yun, 82 feet yata!" bulalas ni Jean, nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa presscon ng bagong fantaserye ng GMA-7, ang Ilumina.

"Nakakakaba, as in! Kami ni Eula [Valdez]... matagal nang request 'yan na kami ang mag-opening, as in mga two years ago... ngayon lang natuloy.

"Hindi naman sa hindi ako comfortable before, kaya lang, parang, 'Ibigay na natin sa mga bata ito!' Di ba? E, request, request, request... 'Tapos, siyempre, may mga advice ng mga managers, 'Sige na, gawin n'yo na, kesa hindi n'yo gawin! Para matapos na! Last na 'yan. Next year, 'wag niyo na gawin, yun na 'yon!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang anak niyang si Jennica Garcia ay "nililigawan" nga raw ng magazine na maging cover nila, pero ayon kay Jean, "Tinanong ko siya, ayaw niya. Desisyon niya 'yan, hindi ko papakialaman 'yan...

"Pero para sa akin, okey lang yun. Kasi, hindi naman siya magbo-bold. Hindi naman yung sobrang daring. At saka, napaka-prestigious ng FHM. Hindi naman sila baboy, e, hindi naman... Maganda yung mga concept nila sa mga artista, e... Actually, lahat naman ng mga na-cover sa FHM na mga baguhang artista, mga sikat ngayon."

Kailan lang ay inamin ng aktres na mukhang malaki ang pag-asa ng isang nanliligaw sa kanya ngayon. Anong masasabi ni Jennica tungkol dito?

"Yun ang wish niya, yun ang sinasabi niya," sagot ni Jean. "Sabi niya, 'Alam mo, Ma, gusto ko talaga, magkaroon ka na ng partner. Sana makita mo na siya, you deserve naman to be happy...'

"Open ako, e. Kapag kinikilig ako, sinasabi ko. 'Pag meron akong crush, 'Crush ko yun, oh, cute, oh, honey!' Para lang kaming magkabarkada, magkapatid, mag-ina, minsan nga mag-lola!... Yung strict-strict na ganyan, pero barkada pa rin. Pero minsan naman, siya ang nanay ko at ako ang anak, 'Ma, umayos ka!'" kuwento ni Jean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON JENNICA AND ALWYN. Aware ba siyang mag-on na sina Jennica at ang ABS-CBN young actor na si Alwyn Uytingco? Si Alwyn ay nasa dalawang Cinemalaya 2010 films, ang The Leaving at Rekrut.

"Ano ba ang sabi niya?" tanong muna ni Jean.

"Ayoko kasing pangunahan, e, pero oo, nagpupunta si Alwyn sa bahay. Ayoko kasing ako ang magsalita about it, e, pero kung tatanungin mo ako about Alwyn, oo, nakikita ko siya, dumadalaw siya sa house.

"Kasi, open naman kami, e. Ang sa akin lang, lagi kong sinasabi kay Jennica, 'Jennica, 'pag meron lang ako nakitang hindi maganda, 'saka ako magre-react. Pag wala akong nakikitang ikasasama mo, wala kang maririnig sa akin.' She deserves to be happy also. Bata siya. Dalaga siya."

Ilang taon ring magkarelasyon sina Jennica at si Mart Escudero, noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz about three or four years ago. May nakita ba siyang hindi maganda kay Mart kaya hindi nagtagal ang relasyon nila ni Jennica?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yung kay Mart, meron ba? Yung sa kanya, more on puro advice. 'Ingat, honey, 'wag masyadong ano...' Mga gano'n. Kasi, nung nag-break naman yung dalawa, hindi grabe, e...

"Medyo nagtagal naman sila, pero parang naglalaro, e, mga bata kasi, yung gano'n. Hindi gano'n ka-serious. 'Tapos, nung naghiwalay, okey lang, hindi masyado nasaktan si Jennica."

DOES ALWYN HAVE HER VOTE? So, sa palagay ba niya, this time with Alwyn, seryoso na si Jennica?

"Hindi ko pa rin nakikitaan," sagot ni Jean. "Kasi, si Jennica, parang naglalaro lang. Kasi, gusto lang niya, barkadang lalaki. Kasi, marami siyang barkadang babae. Sabi ko nga sa kanya, 'Sabi mo, nag-promise ka sa akin, di ka muna tsitsika or whatever, ha! 'Kala ko ba, di ka muna magpapaligaw, babarkada ka lang?'

"Nakikita ko, nagdi-date. Sabi niya, 'Hindi, having fun lang.' Sabi ko naman, 'E, di sige, okey.' Kasi, kung ako ang tatanungin, mag-enjoy na muna siya, have fun lang at huwag muna mag-commit. Yun ang sinasabi ko palagi sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"She's 20 years old, bata pa siya. Sabi ko, i-prioritize niya ang career. Pero sinabi ko, hindi naman puro career-career lang siya. Twenty ako nung I had her."

Boto ba siya kay Alwyn?

Nag-isip muna si Jean. "Kailangan ko bang sagutin 'yan? Parang pangit, e... Hindi naman sa hindi boto, ha. Kasi, parang, alam mo, standard answer na, 'No!', di ba? Hindi naman sa hindi boto kay Alwyn. It's just that sa akin, ang gusto ko, si Jennica mag-enjoy muna.

"Kahit na sino yun, kahit hindi si Alwyn... Ang gusto ko lang ngayon for Jennica, mag-enjoy siya at maging open siya sa mga courtships. Yun ang masarap, di ba?"

Ipinaalam namin kay Jean na sa interview ng PEP kay Alwyn noong promo period ng movie nitong Pendong, nabanggit ng young actor na mahal na mahal niya si Jennica. Si Jennica naman ay dumating sa premiere night ng Pendong.

"Well, that's good. Sa akin naman kasi, hindi kuwestiyon kung mahal mo ang anak ko... patunayan mo. Hindi puwedeng sabihin lang... kailangan mong i-prove. Kasi, 'pag sinabi lang—kahit ako, puwede kong sabihing, 'I love you'—e, hindi naman kita nirerespeto or alam mong hindi kita inaalagaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sana lang... Sino ba naman ang unang-unang magiging masaya 'pag masaya ang anak ko at may mag-aalaga sa kanya at mamahalin siya nang bongga, e, di ako, di ba? Sana lang talaga, kasi, alam mo 'yan, ang daming promises, naku, ha!" sabi ng nanay ni Jennica.

JEAN COUNTS HER BLESSINGS. Itong Setyembre ay mag-iisang taon nang nasalanta ng Ondoy ang kanilang bahay sa isang village sa Quezon City. Na-recover na ba nila ang mga nawala sa kanila?

"Dapat sana lilipat kami, pero ayaw ng mga bata. Doon pa rin, pero doon na sa itaas ng village. Kasi, gusto ko sa lugar na yun dahil parang hindi siya city, parang probinsiya pa rin ang dating. Daming puno..."

Looking back, ang dami nang trahedyang pinagdaanan ang pamilya ni Jean. Taong 2003 ay nasunugan sila, and last year nga, nilamon ng Ondoy ang kanilang bahay, kasama ang lahat ng gamit nila, pati na ang kotse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ang manager ni Jean na si Manny Valera, nakarating ang reporter na ito sa bahay nina Jean dalawang gabi pagkalipas ng Ondoy, at kitang-kita naming putikan ang buong bahay at nasa terrace lang ang lahat ng appliances, puno ng putik.

"Awa ng Diyos... Sana talaga last na ang Ondoy! Yung 2003 na nasunugan ako, ako nga lang, e. Itong Ondoy, ang daming taong nasalanta. Kawawa talaga ang mga tao, di na dapat talaga mangyari 'yan. Okey na yung mga gamit e, pero yung buhay, ang daming namatay.

"Lucky pa nga kami... kasi merong mga trabaho, so kahit na papaano, makaka-recover ka unti-unti. Pero yung mga tao na nawalan ng bahay, walang trabaho, yung iba, namatayan pa... So, it's sad. Pero sana ngayong bago na ang gobyerno natin, di na maulit."

May pagbabago ba sa kanyang pagkatao na naidulot ng Ondoy?

"After Ondoy, siguro, mas binibigyan ko na ng importansiya ang mga maliliit na bagay na dumarating sa buhay ko ngayon. Whether malaking blessing ito o maliit lang. Ngayon, you don't take for granted mga little things, di ba? Even yung mga mahal mo sa buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May trauma ba?

"Actually, ako, hindi, e. Dahil head of the family ako, kailangan mas matatag ka. Ako, ang inano ko ay yung mga bata, e. Si Jennica, yung 8-year-old son ko. Kasi, sila talaga yung naapektuhan talaga. Pumanhik na kami ng second floor. Umabot na kami ng third floor...

"Ang tingin mo talaga, wild river! So, it's really traumatic for them. Noong first two months, yung bunso kong lalaki, 'pag umuulan, ayaw pumasok sa school. Ayaw nang lumabas. Pero after that, in-explain namin. Pinapapasok ko pa rin, kaya lang kailangan ko nang ihatid. Di puwedeng maghahatid lang e driver o yaya, kailangang meron from the family. Either si Jennica o ako na hahatid at susunduin siya sa school.

"Pero okey na naman ngayon. 'Saka, bata pa naman yung bunso ko, madali rin naman niyang makalimutan yun at ma-overcome. God is good," nakangiting pagtatapos ni Jean Garcia.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennica Garcia and Alwyn Uytingco (insets) are said to be an item already. Jean (main photo) gives them some leeway, but says, "Kung ako ang tatanungin, mag-enjoy na muna si Jennica, have fun lang at huwag muna mag-commit. Yun ang sinasabi ko palagi sa kanya. She's 20 years old, bata pa siya. Twenty ako nung I had her."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results