Heart Evangelista reveals she and boyfriend Ian Dy are in cool-off period

"I just need a little time off. I need a little space kasi mahirap pareho ang trabaho namin. I don't know if it's official, cool off muna, I just need to think. Hindi naman seloso si Ian, pero kung hindi kami magkakasundo, sabi ko sa kanya, 'Let's be friends na lang.' Ayaw ko na kasi yung tulad ng dati. I wanna have fun, I want to meet people. Siya rin, kung gusto niya," says Heart Evangelista about her relationship with boyfriend Ian Dy.


Lunch break nang dumating ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press people sa taping ng Langit sa Piling Mo sa St. Dominique Villa sa San Fernando, Pampanga, kahapon, August 2. Present ang halos lahat ng cast dahil ang eksenang kinunan ay thanksgiving party ni Gloria (Maritoni Fernandez), na mapapanood na mamayang gabi, August 3, sa GMA-7.

HEART'S BOYFRIEND. Unang kinausap ng PEP ang leading lady ng teleserye na si Heart Evangelista. Napansin namin na mas open na ngayong sumagot ang young actress kahit sa medyo personal questions sa kanya.

Nang kumustahin nga kay Heart ang kanyang boyfriend na si Ian Dy, na Vice Mayor ng Alicia, Isabela, ay nagulat kami sa naging sagot niya.

"Cool off muna kami," pag-amin niya. "Mahirap kasi ang schedules namin. Doon muna siya at dito naman ako. Trabaho muna at ganun din naman siya dun."

May communication pa ba silang dalawa?

"Meron naman, pero not as often. Ayoko namang magmadali. I want to enjoy life! Masarap kayang maging single!" at napahalakhak si Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just need a little time off," patuloy niya. "I need a little space kasi mahirap pareho ang trabaho namin. I don't know if it's official, cool off muna, I just need to think. Hindi naman seloso si Ian, pero kung hindi kami magkakasundo, sabi ko sa kanya, 'Let's be friends na lang.' Ayaw ko na kasi yung tulad ng dati. I wanna have fun, I want to meet people. Siya rin, kung gusto niya."

SNUBBING INCIDENT WITH BIANCA. Hiningi rin namin ang reaksiyon ni Heart sa pag-amin ni Rhian Ramos, nang umupo ito sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central last Sunday, August 1, kung totoong nag-iisnaban sina Heart at Bianca King kahit magkasama sila as Glam Girls sa Party Pilipinas. "Yes" ang naging sagot ni Rhian.

Sabi naman ni Heart, "Okey lang 'yon. Siguro ayaw ni Rhian na mag-lie. At least, she was not showbiz enough. Sa Party Pilipinas, dedmahan na lang, wala naman akong balak na maging kaibigan niya [Bianca]. Marami na akong problema at ayaw ko na siyang patulan. Hindi na siya dumidikit sa akin sa show para wala nang problema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Langit sa Piling Mo as Marj, madalas siyang inaapi-api. Sa tunay na buhay ay papayag din siyang api-apihin?

"Hanggang kaya kong tiisin," sagot niya. "Hindi kasi ako confrontational kaya time out na muna ako pag medyo sobra na."

Sinagot din ni Heart ang issue na hindi na raw si Annabelle Rama ang manager niya.

"Siya pa rin, co-manager niya ang parents ko. Okey kami ni Tita Annabelle. Basta ako, pagdating sa contract, ang parents ko na ang bahala doon. Ayoko nang makialam, basta trabaho lang ako. Wala naman akong reklamo sa mga projects na ibinibigay sa akin ng GMA Network, naibibigay nila ang mga gusto ko," sabi niya.

LANGIT SA PILING MO. Nagpasalamat naman si Heart sa pagtanggap ng mga manonood sa primetime soap niyang Langit sa Piling Mo, pati na sa tambalan nila ni Mark Herras.

"Kami naman ni Mark, lagi rin kaming magkausap, nagbibigay ng advice tungkol sa lovelife. Mark is a very passionate person about love. Madalas din kung may time kami, nagba-bonding kami ni Mark, with Daniel [Matsunaga], JC [Tiuseco], Ryza [Cenon], Joanne [Quintas], and other members of the cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit si Katrina [Halili], na madalas akong pinahihirapan sa mga eksena, ka-join din namin siya. Siguro dahil sa nangyari sa kanya, iba ang tingin ng tao sa kanya. Akala mo lang kay Kat suplada siya, but she's very nice, mabait. She's funny at minsan nga, parang bata 'yan, binibigyan niya kami ng dala-dala niyang candies and marshmallows," kuwento ni Heart.

Si Daniel, hindi ba nanliligaw sa kanya? O dahil may girlfriend na raw ito, si Nicolette Henson, na second runner-up sa Bb. Pilipinas 2010?

"Mabait si Daniel, pero hindi niya girlfriend si Nicolette," paglilinaw ni Heart tungkol sa Brazilian-Japanese model. "Ka-bonding nga namin siya, with Say [Alonzo], Uma [Khouny]... Kailangan lang ni Daniel na matutong mag-Tagalog, tinuturuan nga namin siya. Pero si Daniel, being a Christian, he's very religious, very conservative. At ang family niya ang first priority niya. Hindi siya nanliligaw sa akin, saka parang masyado siyang perfect."

FAMILY TIME. For Heart, Sunday ang free time and bonding time niya with her family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After ng Party Pilipinas, lumalabas daw sila. Sa church muna, then sa mall. Last Sunday nga raw, naibigay na ng daddy niya ang prize niya sa bago niyang contract na pinirmahan sa GMA-7—isang signature shades na matagal na niyang gusto.

May gusto pa ba siya siyang ma-achieve?

"Honestly, I want to get something more. Sana mag-rate pa ang aming soap. Movies? May contract pa ako sa Regal Films at may plano yata na gumawa rin ako ng movie sa GMA Films, pero wala pang details. Sa ngayon, okey na sa akin ang soap dahil halos araw-araw na rin akong nagtatrabaho.

"Pero after ng Langit sa Piling Mo, gusto ko nang ituloy ang European vacation ko na matagal ko nang plano. Siguro, I will go with my friends, si Solenn [Heussaff], my makeup artist, si Albert. Kaya hindi ko muna itinatanong kung ano ang susunod kong project, pagbalik ko na lang!" natatawang sabi ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN