PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lloyd Cruz confirms cancellation of third movie with Sarah Geronimo

The actor will be doing a movie with Toni Gonzaga instead.
by Melba R. Llanera
Published Aug 9, 2010
"I guess malinaw na naman ngayon dahil nag-express na ang side nila na hindi sila interesadong gawin pa yung third installment. I guess, mas naging madali for Star Cinema na makapag-decide na sabihin na natin na hindi na talaga siya mangyayari," says John Lloyd Cruz about his shelved movie with Sarah Geronimo.

Tiyak na di-masisiyahan ang fans ng tambalang John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo sa kumpirmadong balita na hindi na tuloy ang third installment ng mga pelikula nilang A Very Special Love at You Changed My Life. Ang dalawang nabanggit na pelikula mula sa Star Cinema ang nagluklok kina John Lloyd at Sarah bilang Box-Office King and Queen noong 2008 at 2009.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd sa opisina ng Star Cinema sa ABS-CBN compound last Thursday, August 5. Sinabi sa amin na hindi na matutuloy ang third movie sana nila ni Sarah.

"Nung una, akala ko tuloy talaga,"umpisa ng aktor. "Until iba na ang nalaman ko. I guess malinaw na naman ngayon dahil nag-express na ang side nila na hindi sila interesadong gawin pa yung third installment. I guess, mas naging madali for Star Cinema na makapag-decide na sabihin na natin na hindi na talaga siya mangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanghihinayang ba siya na hindi na matutuloy ang pelikula nila?

"Hindi ko masasabing nanghinayang kasi, unang-una, hindi naman kami umabot sa puntong natapos yung script. Siguro kung nabasa ko yung script at nalaman ko na may maganda pang ibibigay o kapupuntahan yung love story nila Laida [Sarah] at Migui [John Lloyd], nakita ko na it's something na ie-enjoy ng lahat ng sumuporta sa amin, sa dalawang pelikula namin, siguro manghihinayang ako ng sobra, hindi para sa sarili namin kundi para sa mga sumuporta sa amin sa nauna naming dalawang pelikula. Mabuti na lang hindi mahirap magdesisyon kasi wala ka namang nakitang script," saad ni John Lloyd.

MOVIE WITH TONI. Nang makausap ng PEP si John Lloyd ay kagagaling lang niya sa isang brainstorming with Direk Cathy Garcia and some people from Star Cinema. Masayang ikinuwento ni John Lloyd na excited siya sa pelikulang sisimulan nila ni Toni Gonzaga.

"Today, na-invite ako nila Direk Cathy na sumama sa...brainstorming ba ang tawag dito? So, ayun, gagawa kami ng movie ni Toni Gonzaga. Ito yung time kung saan ini-explore namin yung pinanggagalingan at saka pupuntahan ng isang karakter. So, madalas ang pinag-iisipan ko ay mas tungkol sa character na gagawin ko. It's a romantic comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May mga napanood akong pelikula nila ni Direk Cathy. Heto nga, hawak-hawak ko yung papanoorin ko [My Only U], kasi hindi ko pa napapanood ang movie na ito. I'm very excited to work with her [Toni] at makita basically yung madi-discover namin sa loob ng project na ito sa isa't isa kasi ang ganda ng kuwento. Hopefuly this month, makapagsimula na kami."

IMORTAL. Sa ngayon ay abala rin si John Lloyd sa taping para sa kauna-unahan niyang fantaserye sa ABS-CBN, ang Imortal, kung saan kapareha niya si Angel Locsin. Ito rin ang unang pagtatambal nina John Lloyd at Angel.

Kuwento ng aktor, "We taped three times a week. Ako, kinakailangan ako ng twice a week. Mga nasa third week na itong ginagawa namin. Tuloy-tuloy lang yung trabaho, mas lalong nagiging exciting yung experience. Nakakapagod kasi may mga scenes na talagang pisikal, like last taping ko with Maricar [Reyes], pero mas pagod si Maricar. Sobrang pagod siya at nakakabilib. Masaya ako kasi iba't iba ang nagagawa mo sa isang palabas. May kaunting action, may kaunting drama, suspense, thriller."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kumusta namang katrabaho ang leading lady niyang si Angel?

"Masaya, pasaya nang pasaya," sagot ni John Lloyd. "Mas nagiging interesting everytime na nagkakatrabaho, every time na nagkikita kami. It's something I'm looking forward to pag nagpupunta ako ng taping. Kasi kami ni Angel, ang napag-uusapan namin ay hindi lang tungkol sa trabaho, hindi lang sa gagawin namin today, hindi lang tungkol sa show business... Hindi lang nakakahon dun. Ang dami naming napag-uusapan...tungkol sa investment, yung hilig niya sa kotse... Every time na nagkikita kami sa trabaho, mas marami akong nalalaman about her."

Nilinaw rin ni John Lloyd ang nabitawang salita na naunahan lang daw siya ni Luis Manzano sa panliligaw kay Angel. Ayon sa aktor, isa itong biro na naging isang isyu na agad.

"Definitely I said it jokingly," sabi niya. "Ang sinasabi ko dun, finally nagkatrabaho na kami and the long wait is finally over. Di ba, pagdating niya dito [ABS-CBN], sinalubong siya ng lahat ng mga lalake ng ASAP? Siyempre si Luis, nabakuran siya agad. Pero pabiro lang yun. Kumbaga, bago pa yata siya lumipat dito, si Angel, sa ABS, talagang magkaibigan na sila. Ako, ilang years na siya dito, ngayon pa lang nabigyan ng pagkakataon na magkatrabaho kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan din naming tanungin si John Lloyd tungkol sa relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Shaina Magdayao. Pero umiwas ng sagot ang aktor.

"Okay naman ako, happy ako," sabi niya. Sabay dugtong ng, "And aside from that, I'm happy to be working again and very soon, mag-i-start na kami ni Toni. Kasalukuyan, may mga bago akong ine-explore with Angel. And very soon, may bago na naman akong mae-explore with Toni. I'm really happy to be working again, and very excited sa mga ginagawa ko at gagawin ko pa."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I guess malinaw na naman ngayon dahil nag-express na ang side nila na hindi sila interesadong gawin pa yung third installment. I guess, mas naging madali for Star Cinema na makapag-decide na sabihin na natin na hindi na talaga siya mangyayari," says John Lloyd Cruz about his shelved movie with Sarah Geronimo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results