PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedienne Chariz Solomon tells a sad story behind the happy face

Chariz was only four years old when her father left them.
by Ruel J. Mendoza
Published Aug 10, 2010
"Si Mommy kasi, nabuntis siya ng boyfriend niyang Hapon. So, inuwi niya ang anak niya dito at ako ang nag-alaga. Noong bumalik siya, iba na ang naging boyfriend niya, e, nabuntis siya ulit!" relates Chariz Solomon about her mom.

Isa sa mga epektibong babaeng komedyante ngayon sa TV ang StarStruck 4 Avenger na si Chariz Solomon. Hindi nawawalan ng show si Chariz sa GMA-7 dahil sa abilidad niyang mag-iba-iba ng kanyang characters at sa pagiging natural comedienne niya.

Pero sa likod ng pagpapatawa ni Chariz sa TV at pelikula, may malungkot pala siyang pinagdaanan sa kanyang pamilya. Produkto ng isang broken family si Chariz at marami ang hindi nakakaalam na siya na halos ang tumayong ina at ama ng kanyang mga kapatid.

Kuwento ni Chariz sa PEP (Philippine Entertainment Portal), four years old pa lang siya nang bigla silang iwan ng kanyang ama. Walang choice ang ina ni Chariz kundi ang magtrabaho sa ibang bansa para mabuhay ang kanyang mga anak.

"Entertainer sa Japan ang mommy ko," banggit ng 20-year-old comedienne. "Kinailangan niyang magtrabaho sa malayong bansa para lang may mapakain siya sa amin. Kaya ako at ang kapatid kong kambal [Robert and Bobby Solomon], lumaki kami sa mga kamag-anak namin. Pinaghiwalay kaming magkakapatid para may mag-alaga sa amin. Noong teenagers na kami, doon na lang kami nagkasama ulit kasi may naipon na si Mommy para sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huling balita ni Chariz sa kanyang ama ay nasa Amerika na ito at malamang na may iba na itong pamilya.

"May nakapagsabi sa amin na sa Florida na raw siya nakatira. For sure na may ibang family na siya," sabi ni Chariz. "Okey lang naman kasi halos hindi naman kami lumaki na kasama niya. At least ako, hanggang four years old, nakasama ko siya. E, yung kambal, never siyang nakilala. Noong ipinanganak sila, wala na ang tatay namin. Kailan lang nila nakilala si Daddy, mga three years ago lang. Pero hindi naman nila hinahanap. Kuntento na silang nakilala nila ang daddy namin."

OTHER SIBLINGS. Maging ang ina ni Chariz ay hindi na rin nila nakakasama. Sa Japan na raw ito nakatira at nagkaroon sila ng dalawang kapatid mula rito. Sa kanilang ama, anim ang alam ni Chariz na kapatid nila.

"Si Mommy kasi, nabuntis siya ng boyfriend niyang Hapon. So, inuwi niya ang anak niya dito at ako ang nag-alaga. Noong bumalik siya, iba na ang naging boyfriend niya, e, nabuntis siya ulit!" natatawang kuwento ni Chariz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, "Kaya dalawa ang kapatid namin sa kanya at sa magkaibang lalake 'yon. May communication pa naman kami ng Mommy ko. Kelan lang noong birthday niya, tinawagan ko siya. Biniro ko nga siya na huwag na siyang mabuntis ulit. Forty-one years old pa lang kasi si Mommy kaya puwede pang mabuntis ulit. Pero sinabi naman niya na hindi na siya magbubuntis.

"Kay Daddy naman, nakilala ko yung ibang mga kapatid ko sa labas. Okey naman kami, pero hindi naman kami yung nagkikita talaga. Basta alam namin na kapatid namin sila."

Iniyakan daw ng ilang beses ni Chariz ang naging buhay nilang magkakapatid, lalo na noong pinaghiwalay sila.

"Kahit na bata pa ako noon, talagang iniyakan ko ang mga nangyaring 'yon. Kasi nga, kung kani-kanino kami lumaki. Nagkita na lang ulit kami mga teenagers na kami. Kaya ipinagdasal ko kay God na bigyan Niya ako ng way para hindi na kami ulit mapaghiwalay. Kahit na anong trabaho ay gagawin ko, kahit na ako na ang tumayong nanay at tatay ng mga kapatid ko," saad niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THE BEGINNING. Kaya noong pasukin ni Chariz ang pag-aartista, ang goal niya ay makaipon at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga kapatid.

"Noong makapasok nga ako sa StarStruck 4: The Next Level, parang suwertihan na lang 'yon. Kasi mga nakasabay ko, magaganda, tulad nina Kris [Bernal], Stef [Prescott], Jewel [Mische], at Rich [Asuncion]. Parang marami ang nagtaka kung paano ako nakapasa.

"Pero kahit na natanggal ako agad, nagpasalamat pa rin ako kasi alam ko na mababago pa rin ang buhay ko dahil sa StarStruck. Nasabi ko nga dati sa isang interview ko na kung walang mangyari sa akin sa showbiz, baka sundan ko na lang ang mommy ko sa Japan at maging entertainer na rin ako.

"Nagkataon naman na after ng StarStruck namin, nagkaroon kaagad ako ng mga regular show. Hanggang ngayon, hindi ako nawawalan kaya malaki ang pasasalamat ko kay God kasi hindi Niya ako pinapabayaan."

Nagsimulang maging regular si Chariz sa showbiz talk show na Startalk at nasundan pa ito ng mga sumusunod: Zaido: Pulis Pangkalawakan, My Only Love, Bubble Gang, Bitoy's Funniest Videos, Babangon Ako't Dudurugin Kita, Codename: Asero, All About Eve, Adik Sa 'Yo, Full House, Love Bug Presents: Wish Come True, Diva, at ang pinakabago na JejeMom kunsaan gumaganap siya bilang si Yasmin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa movies naman ay nakasama si Chariz sa My Best Friend's Girlfriend, My Monster Mom, I.T.A.L.Y., Loving You, When I Met You, at Nobody, Nobody But Juan.

NOT CHOOSY. Hindi mapili sa roles si Chariz. Kahit ano raw ang ibigay sa kanya ay tinatanggap niya. Mahirap na raw yung magtampo ang grasya.

"Naku, sino ba naman ako para tumanggi sa trabaho, di ba?" tawa niya. "Hindi ako choosy sa role. Lahat ng role gagawin ko basta kaya ko. Gumanap na akong yaya, katulong, manghuhula, best friend, tindera, weirdo, tsismosang kapitbahay, at kung anu-ano pa. Basta character role, kaya natin 'yan.

"Kapag ibinigay naman sa akin ang role ko, pinag-aaralan ko talaga at gagawa ako ng sarili kong interpretation. 'Yan kasi ang natutunan ko sa workshops na ibinibigay sa amin."

Hindi naman daw nangangarap na magbida si Chariz dahil baka mawalan pa raw siya ng trabaho kapag nag-ilusyon siyang maging bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kuntento na ako sa mga ganitong roles, e. Kasi hindi ako nawawalan. Parating merong role. Kapag bida kasi, maghihintay ka pa. 'Tsaka nakasalalay sa bida ang buong kuwento, di ba? Malaki ang pressure kaya tama na sa akin ang ganito.

"Pero kung may magsusugal sa akin, e, bakit naman hindi!" tawa niya ulit. "Hindi ako tumatanggi sa trabaho, 'no! Huwag lang ako paghubarin dahil ayokong mawalan ng trabaho pagkatapos!"

CHARIZ'S LOVELIFE. Bagamat busy siya sa kanyang showbiz career, may time pa rin naman si Chariz sa kanyang lovelife. Ang kanyang non-showbiz boyfriend ay may hawak sa ilang franchises ng isang kilalang fastfood chain.

Kung tutuusin nga raw ay puwede nang magpakasal si Chariz sa kanyang non-showbiz boyfriend dahil kaya na nilang magsimula ng sariling pamilya. Pero masyado pa raw maaga kung mag-aasawa siya at gusto pa niyang makaipon mula sa kinikita niya sa showbiz.

"Bata pa naman ako," sambit ni Chariz. "Magtu-21 years old pa lang ako ngayong August 22. Sabi rin ng boyfriend ko na hindi niya ako ipe-pressure na magpakasal kasi alam niyang enjoy pa ako sa ginagawa ko. Alam din kasi niya na may mga pangarap pa ako sa buhay, lalo na para sa aming magkakapatid. Gusto kong bumili ng bahay at gusto ko ring makisosyo sa fastfood business niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya enjoy lang daw muna ako sa work ko at sa mga kinikita ko. Kapag ready na raw akong mag-asawa, sabihin ko lang at nandiyan lang daw siya at maghihintay."

Read Next
Read More Stories About
Chariz Solomon, starstruck, '
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Si Mommy kasi, nabuntis siya ng boyfriend niyang Hapon. So, inuwi niya ang anak niya dito at ako ang nag-alaga. Noong bumalik siya, iba na ang naging boyfriend niya, e, nabuntis siya ulit!" relates Chariz Solomon about her mom.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results