PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Lahbati gives Enzo Pineda something "personal" on his birthday

Sarah launches her movie career with horror flick White House.
by Ruel J. Mendoza
Published Aug 15, 2010
"Masasabi ko na ang pinaka-close na guy sa akin ngayon is Enzo. We're always working together kasi and kung ano siya noong una ko siyang nakilala, gano'n pa rin siya. Hindi siya nagbabago. May usapan naman kami na wala munang ligawan. Trabaho muna kami. Ang importante ay yung friendship namin ay hindi mawawala," says Sarah, who knows she's "special" to Enzo (right, inset), and vice versa.

Hindi na maitatanggi ng StarStruck V Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati na siya ang special girl sa puso ngayon ng StarStruck V First Prince na si Enzo Pineda.

Isa si Sarah sa special guests ni Enzo sa advanced birthday party niya noong Wednesday, August 11, sa Sofra Lounge Bar sa The Fort. Noong dumating si Sarah ay kaagad siyang sinalubong ni Enzo, na mabilis naman na nakatanggap ng birthday kiss mula sa panauhin.

Kuwento ni Sarah, magkasama na sila ni Enzo earlier that day dahil pareho silang nag-taping ng isang episode ng morning show na Love ni Mister, Love ni Misis sa GMA-7. Gusto na nga raw siyang isabay ni Enzo sa sasakyan nito papunta sa party pero gusto munang magpalit ng damit ni Sarah.

"Nakakahiya naman na hindi ako mag-change outfit, e, the whole afternoon kami nasa studio. Mabilis naman akong nagpalit at nagtanggal ako ng konting makeup. Gusto kasi ni Enzo na simple lang ang hitsura ko. Ayaw niyang masyadong heavy ang makeup ko," sabi ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JUST CLOSE. Pinagbibigyan ba ni Sarah ang mga hiling ni Enzo dahil may maganda na silang pag-uunawaan? Sa madaling salita, boyfriend na ba niya si Enzo?

"No... kami ni Enzo, we're close and we want to remain friends sa ngayon," ngiti lang ni Sarah. "Masasabi ko naman na ang pinaka-close na guy sa akin ngayon is Enzo. We're always working together kasi and kung ano siya noong una ko siyang nakilala, gano'n pa rin siya. Hindi siya nagbabago.

"'Tsaka may usapan naman kami ni Enzo na wala munang ligawan. Trabaho muna kami. We're both young pa naman at marami pang puwedeng mangyari. Ang importante ay yung friendship namin ay hindi mawawala."

Balitang boto ang mga parents ni Enzo kay Sarah. Kung may magiging serious girlfriend daw si Enzo, si Sarah na raw sana dahil gustung-gusto nila.

"That's so nice to hear naman. Nahihiya tuloy ako," ngiti ng dalaga.

"Okey kami ng parents ni Enzo. Mababait sila at marami silang naikukuwento sa akin tungkol kay Enzo. Gano'n din naman si Enzo na gusto rin siya ng parents ko. Alam naman nila na hindi namin priority ang magkaroon ng serious relationship sa ngayon. Mahal namin ang trabaho namin sa GMA-7 kaya iyon muna ang mahalaga sa amin ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SOMETHING PERSONAL. Sa August 12 talaga ang birthday ni Enzo, at doon ibinigay ni Sarah ang gift niya, pero, "hindi ko na iri-reveal kasi very personal yung naging regalo ko.

"Gusto kasi ni Enzo na simple lang pero yung memorable daw na regalo. Yung kapag makita niya iyon sa room niya, alam niya na galing sa akin. Kaya something memorable ang binigay ko sa kanya. Sinabi ko sa kanya na pag-ingatan niya kasi nag-iisa lang iyong regalo ko para sa kanya."

Magtatapos na ang one month-stint nila ni Enzo, kasama sina Steven Silva at Diva Montelaba, sa Love Bug Presents Exchange of Hearts. Hindi pa alam ni Sarah kung ano ang next project niya, pero mapapanood siya every Sunday sa Party Pilipinas.

Ipakikilala si Sarah sa horror movie ng Regal Entertainment, titled White House, na may October playdate na. Si Sarah ang pumalit sa role na dapat ay para kay Melissa Ricks, pero nag-back out itong huli. Ang White House ay sa direksyon ni Topel Lee at kasama rin sa cast sina Gabby Concepcion, Iza Calzado, Lovi Poe, Maricar Reyes, Joem Bascon at DJ Mo Twister.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Masasabi ko na ang pinaka-close na guy sa akin ngayon is Enzo. We're always working together kasi and kung ano siya noong una ko siyang nakilala, gano'n pa rin siya. Hindi siya nagbabago. May usapan naman kami na wala munang ligawan. Trabaho muna kami. Ang importante ay yung friendship namin ay hindi mawawala," says Sarah, who knows she's "special" to Enzo (right, inset), and vice versa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results