PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla issues statement: "Ako mismo ang kakausap sa aking mga anak na umuwi na sa kanilang ina."

A close friend says this about the kids: "Mas gusto nilang kasama ang daddy nila."
by Roldan Castro
Published Aug 15, 2010
A close member of the action superstar's inner circle gives Robin Padilla's side of the story, says kids are taken cared of and Liezl is well-provided for.

Binasag na rin sa wakas ni Robin Padilla ang kanyang katahimikan hinggil sa isyung namamagitan sa kanila ni Liezl Sicangco, ang ina ng kanyang apat na anak.

Heto ang kanyang maikling mensahe—kasama na rin ang mga capitalizations na orihinal—na ipinaabot sa pamamagitan ng kanyang manager na si Betchay Vidanes: "Ang RAMADAN ay buwan ng pag-aayuno, pagpapatawad at pagmamahal. Ako ay nakikiisa sa Islam sa pagbibigay halaga sa mga INA. Sapagkat ang PARAISO ay nasa paanan lamang ng mga INA. Kaya't ako mismo ang kakausap sa aking mga anak na umuwi na sa kanilang ina. Kung ako man ay may pagkukulang bilang ama, ako'y humihingi ng tawad sa Allah, ni Liezl at mga bata."

Bagamat mapayapa ang tono ng pahayag ng action star sa mga tinuran ni Liezl dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong August 8—kung saan sinabi nitong babawiin niya kay Robin ang bunsong anak na si Ali (CLICK HERE for related story)—taliwas ito sa reaksiyon ng ilang taong malapit sa Kapamilya host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang panayam sa Quezon City noong Huwebes, ika-12 ng Agosto, isang source ang nagkuwento sa writer na ito ng panig ni Robin. Sa di maipaliwanag na dahilan ay gusto nitong maging anonymous.

Ang unang sinabi nito ay desisyon daw ng tatlong bata—sina Queenie, Kylie at Ali—ang manatili dito sa bansa.

Aniya, "Mas gusto nilang kasama ang daddy nila."

ALI GOES TO SCHOOL. Tungkol sa umano'y hindi pagpasok ng 10-taong-gulang na bunso nina Robin at Liezl sa eskuwela, wala raw katotohanan ito, ang pagtatanggol ng anonymous source. Sa katunayan, hatid-sundo pa raw ni Binoe (palayaw ni Robin) ang anak sa eskuwelahan sa Greenhills kung saan Grade 4 ito, at isinasama sa set ng Pilipinas, Win na Win!

Paano raw magiging iresponsableng ama si Robin samantalang kahit hindi nga niya kadugo ay tinutulungan daw nito, kasama na raw dito ang mga maliliit na manggagawa na kung minamaltrato ay ikinagagalit daw ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naikuwento rin ng aming kausap na kahit nasa poder ni Liezl si Zhenzhen, ang pangatlo nilang anak, pinapadalhan daw ito ni Robin ng allowance na US$2,500 dahil yun daw ang karampatang sustento na isinaad sa batas ng Australia.

Tungkol naman sa unang sinabi ni Liezl na mas maraming panahon ang ibinibigay ni Robin sa napapabalitang girlfriend nito ngayon na si Mariel Rodriguez kaysa kay Ali, ang kuwento ng source:

"May panahong nagkasakit si Mariel at, siyempre, bilang mangingibig, inalagaan niya si Mariel nung time na yun. Pero nagkikita sila ni Ali, at hindi totoong ipinaubaya na lang sa mga driver at katulong."

Saad pa niya, "Ang point ba diyan, wala bang bata na hindi nalulungkot pag wala ang nanay niya?"

LEIZL ALSO ENJOYED LARGESSE. Naikuwento rin ng aming kausap na yung 1.2 million pesos na diamond ring na regalo ni Binoe kay Mariel ay maliit na halaga kumpara sa ibinigay ng action star sa dating asawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, "Binigyan naman si Liezl ng almost P2 million na lupa sa Pampanga. Yung tatlong bahay sa Australia na worth P100 million, ibinigay na rin sa kanya. Ano pa bang hahabulin niya kay Robin? Siya ang naunang nagpakasal sa isang New Zealander noong September 19, 2009. Kung magmahal man si Robin ngayon, nauna naman siya."

Sa ngayon, sabi ng source, "nasa proseso ang annulment nila sa 'Pinas" ang kasal nina Robin at Liezl. Sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa noong 1996 sila ikinasal, habang nakakulong si Robin for illegal possession of firearms. Gaya ng sinabi rin ni Liezl, aprubado na yung divorce nila ni Robin sa Gold Coast, Australia, kung saan ikinasal sila sa isang mosque dun.

Bilang panghuli, nilinaw din ng source na hindi nagsasama sa iisang bubong sina Robin at Mariel.

"Inalagaan lang niya si Mariel nung may sakit ito. Papayag ba naman ang pamilya ni Mariel, e, napaka-conservative nun? Takot lang ni Mariel kay Boy [Abunda, manager niya]!" saad pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naipaabot na kay Liezl ang statement ni Robin at ang interview ng source na malapit sa action star. Sakaling handa na si Leizl sa kanyang mga sagot, bukas ang PEP para sa kanyang nais sabihin.

Read Next
Read More Stories About
Robin Padilla, Mariel Rodriguez
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A close member of the action superstar's inner circle gives Robin Padilla's side of the story, says kids are taken cared of and Liezl is well-provided for.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results