Nagmistulang homecoming ang pagbisita ni Anne Curtis kahapon, August 14, sa dalawang Kapuso shows, ang Eat...Bulaga! at Startalk. Nag-promote siya ng kanyang upcoming film In Your Eyes, na co-produced ng Viva Films at GMA Films. Nagawa niya pang maglaro ng "Pinoy Henyo" with co-star Claudine Barretto sa noontime show, ngunit hindi nila nakuha ang word na kailangang hulaan.
Sa Startalk, nakatapat naman ni Anne ang tatlong hosts nito—si Ricky Lo, Butch Francisco at Lolit Solis. Hindi nakatakas si Anne sa kanilang mga maiinit na tanong.
Bilang pasimula, tinanong kung ano ang pinaka-best at worst niyang naranasan sa kanyang 13 years sa showbiz.
"Siguro, umpisahan natin yung worst. Siguro, yung unfortunate mishap, yung wardrobe malfunction. Yun na siguro yung worst," ang sabi ni Anne na ang tinutukoy ay ang naging problema sa kanyang bikini top habang sumasayaw sa isang production number ng ASAP XV show sa Boracay last March. Ito ay kinasilipan tuloy ng kanyang dibdib, di lamang ng mga audience sa beach at tagasubaysay sa telebisyon, kundi maging sa buong mundo dahil nag-viral online ang video clip nito.
"Yung best is my first acting award during the Metro Manila Film Festival for Baler. In between kasi, you have your low moments. Meron time na wala kang work. Meron time na punong-puno ka. It has it highs and low. Okay naman," sabi ni Anne.
ON PAST RELATIONSHIPS. Tinanong naman ni Lolit kung mako-consider na first serious relationship niya ang kanyang In Your Eyes co-star na si Richard Gutierrez. Dating may relationship sina Richard and Anne na aprub naman ni Annabelle Rama, ang mother ni Richard.
"First serious ko kasi si Oyo [Sotto]," paglilinaw ni Anne. "First si Oyo. 'Tapos nagpaalam si Richard kay Oyo kung puwede siyang manligaw. From there, si Richard na."
Hiningan ng linaw ni Lolit kung bakit kinailangang magpaalam pa si Richard.
"Out of respect. Gentleman kasi si Richard. Bilang nagsasama naman kaming lahat..."
Pinaalala ni Lolit yung time na nag-away si Oyo at si Cogie Domingo over Anne.
"Diyosko. Bagets pa ako noon. May ganoon nang naganap. Pero at least I learned my lesson from that and through that experience. After that, I still met someone like Chard [palayaw ni Richard]," natatawang pahayag ni Anne.
Tinanong naman ni Ricky kung ano ang dahilan ng breakup nila ni Richard after going steady for one year.
Ayaw pa sana magsalita ni Anne, baka daw pagalitan siya ni Tita Annabelle. Pero, paglilinaw niya uli, "Hindi si Tita Annabelle... Si Tita Annabelle nga yung nag-pu-push sa amin before, kasi favorable nga siya sa relationship namin. Dahil siguro medyo immature kami noong time na iyon... Basta isa siyang bagay na pinagtatawanan namin. And as I said, he's someone who learns from his mistakes."
Inamin ni Anne na nasaktan siya nang husto sa breakup nila ni Richard.
"Oo naman. Kaya nga isang question sa akin before was, 'After one year, ano sa tingin mo ang masasabi mo kay Richard?' Sabi ko, in a year after our breakup, hindi ko pa siya makausap noon kasi galit pa ako sa kanya. But of course, time heals all wounds. After nun, naging okay na kami."
Isang matinding tanong ang binato ni Lolit: Kaninong breakup daw siya mas nasaktan—kay Oyo Sotto, kay Richard Gutierrez, o kay Sam Milby?
Natawa muna si Anne, at halatang pinag-iisipang mabuti ang tanong.
"Kasi iba naman yung stages. Kasi iba yung maturity ko then. Iba yung first love na sakit, di ba? Kasi feeling ko, yun yung ikamamatay mo. Pero after that, you discover that it gets worse.
"Pero siguro kasi, I took Sam super seriously. Maybe Sam was the most painful."
Wala naman daw feelings na na-rekindle between her and Richard noong nagsyu-shoot sila ng pelikula.
"Plus factor siguro na professional kami. It was good na kilala ko siya. So hindi naging uncomfortable. Mas naging professional at walang na-rekindle. As in pinagtatawanan na lang namin.
Pinakompara kay Anne kung mas maganda ba ang showbiz versus non-showbiz boyfriends. Alam ng karamihan na boyfriend niya si Erwan Huesaff, ang brother ni Solenn Huesaff, na isang model at current Survivor Celebrity Edition contestant.
"Basta, masasabi ko, I'm happy, I'm happy," maikling pahayag ni Anne.
SHARING SCENES WITH CLAUDINE. How was it naman daw working with Claudine Barretto? Sabi kasi ni Claudine, humanga siya sa acting nina Richard at Anne. Si Claudine at Anne ay parehong nasa poder ng Viva Entertainment ngayon.
"Si Ate Clau, siya yung iniidolo ko," banggit ni Anne. "Actually, to be honest, I was so nervous. Kinakabahan ako kasi siyempre... You know when you watch movies of Ate Clau, ako kasi naging fan at pinanood ko lahat. Anak, Dahil Mahal na Mahal Kita... And then Got to Believe.
"Talagang when that person is in front of you, makikita mo na ready na siya. Nakaka-intimidate. Yung sampalan namin, ayoko siyang sampalin. 'Hindi ko yata kaya ito.' Di ba nakaka-tense? Pero mas na-tense pa ako nung sabihin niya sa akin, 'Basta gawin mo. Gawin mo na, Baby. Kaya mo iyan. Kayang-kaya mo iyan.' Sabi ko, 'Okay po. Kaya ko ito. Kaya ko 'to.'
"'Tapos, ayun. At she's very helpful kasi sinu-support niya. Sasabihin niya, 'Tingin ko dapat bigyan si Anne ng linyang ganito para mas maramdaman.' Basta may ganoon siya. Inaalagaan [ka] niya," kuwento ni Anne.
Ngayong gabi gaganapin ang premiere night ng In Your Eyes sa SM Megamall. Magkakaroon naman ito ng regular showing starting Wednesday, August 18.