PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana gets starstruck by Basahang Ginto co-star Aiko Melendez

After one year in showbiz, Carla says she's loving her job.
by Ruel J. Mendoza
Published Aug 16, 2010
"It's very overwhelming to know that a very good actress like Miss Aiko ay gusto akong makasama sa isang project. I really thank her from the bottom of my heart," says Carla Abellana about Aiko Melendez, who plays her mother in the afternoon soap Basahang Ginto.

Sobrang na-starstruck pala si Carla Abellana nang makaeksena niya si Aiko Melendez sa GMA-7 afternoon drama series na Basahang Ginto. Si Aiko ang gaganap na tunay na ina ni Carla sa Sine Novela.

Nabanggit ni Carla sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na sobra siyang natuwa nang malaman niyang si Aiko ang gaganap bilang nawawala niyang ina. Noon pa man daw ay paborito na niya si Aiko.

"Bukod nga sa favorite ko si Miss Aiko, gustung-gusto ko siyang titigan kasi she reminds me so much of my real mom. Magkamukha sila ng mommy ko kaya noong mag-taping kami, talagang natulala ako kasi parang ang totoong mommy ko ang nakikita ko," nakangiting sabi ni Carla.

Ang ina ni Carla ay ang dating artista at commercial model na si Rhea Reyes, na anak naman ng LVN star na si Delia Razon. Sa isang afternoon soap drama noong '80s nagkakilala ang ina at ama ni Carla na si Rey "PJ" Abellana. Matagal nang hiwalay ang mga magulang ng aktres, pero nananatili naman daw silang magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ni Carla, bago kunan ang unang eksena niya kasama si Aiko ay nag-usap sila. Natuwa nga raw ang 24-year-old actress nang malaman niyang tinanggap ni Aiko ang role bilang ina niya.

"Nakakataba naman ng puso kasi galing na mismo kay Miss Aiko na gusto niya akong makatrabaho," sabi ng actress-TV host. "Hindi raw siya tumatanggap talaga ng mother role, lalo na kung ka-age ko ang gaganap na anak niya. She accepted the project dahil gusto rin daw niya akong makatrabaho.

"It's very overwhelming to know that a very good actress like Miss Aiko ay gusto akong makasama sa isang project. I really thank her from the bottom of my heart."

ONE YEAR IN SHOWBIZ. Naka-one year na si Carla sa showbiz kaya masaya siya dahil na-survive niya ito na hindi siya masyadong nakaranas ng mabigat na intriga.

Isang taon na nga ang nakalilipas since na-introduce si Carla bilang bida sa GMA-7 telenovela na Rosalinda. Pagkatapos nito ay nakagawa pa siya ng ibang shows tulad ng SRO Cinemaserye, StarStruck V, SOP, The Last Prince, Party Pilipinas, at ngayon nga sa top-rating na Basahang Ginto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Overwhelmed si Carla dahil masyadong naging mabilis ang lahat para sa kanya, kaya nagpapasalamat siya sa Diyos.

"I am so happy because of the blessings na dumarating sa akin. Hindi ko na-realize na one year na pala ako and things are going so well for me. I always pray na maging mas maganda pa ang takbo ng career ko this year. I know na hindi rin madali, pero I have adjusted na sa buhay dito sa trabaho natin. I am loving this job talaga," saad niya.

MAMARAZZI. Pagkatapos mamayagpag ni Carla sa TV ay pinasok na rin niya ang pelikula. Introducing siya sa comedy movie ng Regal Films na Mamarazzi, na pinagbibidahan ng Comedy Diva na si Eugene Domingo. Kasama rin si Carla sa 2010 Metro Manila Film Festival entry ng Regal na Shake, Rattle & Roll XI.

"It's so fun working with Eugene Domingo in Mamarazzi," sabi ni Carla. "Talagang na-intimidate ako sa husay niya. Pero she is so supportive at tinuturuan niya ako sa first shooting day ko with her.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagpapasalamat din ako kay Direk Joel Lamangan for being patient with me. Nasanay kasi ako sa TV kaya I have to learn how [to work] sa isang movie set. Mabuti na lang at director ko si Direk Joel sa Basahang Ginto kaya alam na niya ang mga strengths and weaknesses ko."

Pagkatapos ng Basahang Ginto ay may pagbibidahang local adaptation ng isang hit na Koreanovela si Carla sa GMA-7.


Click here to watch the kissing scene of Eugene and Diether



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's very overwhelming to know that a very good actress like Miss Aiko ay gusto akong makasama sa isang project. I really thank her from the bottom of my heart," says Carla Abellana about Aiko Melendez, who plays her mother in the afternoon soap Basahang Ginto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results