StarStruck alumna Jana Roxas admits she is pregnant

"Sa ngayon, mas pipiliin ko yung magkaroon ako ng family. Ready na ako. Siguro iba lang yung buhay kapag may anak ka na kesa sa wala. Pero mas excited ako ngayon. Siyempre, iba na rin ang Jana, mas may malaking responsibility na ko. Kaya yun, mas okey at mas mature na ako," says Jana Roxas.


After LJ Reyes, isa na namang StarStruck alumna ang umamin na buntis siya. Ito ay si Jana Roxas ng Batch 3, kung saan ang mga nanalo ay sina Jackie Rice at ang yumaong si Marky Cielo.

Nineteen years old pa lang si Jana.

Nabigyan din si Jana ng break ng Kapuso network sa iba't ibang supporting roles, na ang pinakahuli ay sa primetime soap nina Jennylyn Mercado at Mark Herras na Ikaw Sana.

Sa panayam ni Jana sa Showbiz Central kahapon, August 15, sinabi niyang two months ago nang malaman niya na buntis siya. Seven weeks na ang dinadala niya ngayon.

"Nagpunta ako sa St. Luke's para magpa-inject ako ng cervical cancer [immunization]. So, tinanong ako ng O.B. ko ro'n kung nagkaroon na ako [ng menstruation]. Sabi ko, hindi pa. Tapos, pinag-check ako sa blood. Tapos, kinabukasan, nag-text ang O.B. ko na positive siya," kuwento niya.

Dagdag ni Janna, planado naman daw nila ng boyfriend niya ang pagkakaroon nila ng anak.

"From the start ng relationship namin, gusto talaga naming magkaanak. Ako talaga, excited na ako na makita ang anak ko siyempre. Kung ano ang hitsura niya. Kung maganda ba talaga ang lahi ko!" natatawa niyang sabi.

Non-showbiz at businessman ang boyfriend ni Jana at magiging ama ng kanyang dinadala. Anim na taon daw ang agwat ng kanilang edad.

"Siya ang taong alam kong mapagkakatiwalaan ko. Hindi ako pababayaan. At alam ko na kung sino yung mga mahal ko sa buhay, mahal niya rin. Palagi niya akong sinusuportahan kung ano ang gusto ko," sabi ni Jana tungkol sa kanyang boyfriend.

May plano na rin daw silang magpakasal sa December.

"Plano naming magpa-church wedding sa December 8. Hindi ko pa kasi alam na buntis ako noon. So, siguro, after ano na lang, giving birth," ani Jana.

Ngayong magiging mommy na siya, iiwan na ba niya ang pag-aartista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung may project na ibibigay sa akin, why not?" sabi niya. "Pero siyempre, yung responsibilities ko, hindi pa rin mawawala for my husband and my child. So, kung may taping ako, e, di isasama ko silang dalawa.

"Sa ngayon, mas pipiliin ko yung magkaroon ako ng family. Ready na ako. Siguro iba lang yung buhay kapag may anak ka na kesa sa wala. Pero mas excited ako ngayon. Siyempre, iba na rin ang Jana, mas may malaking responsibility na ko. Kaya yun, mas okey at mas mature na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN