Star DJ Mr. Fu relishes challenge to make new radio station No. 1

The radio jock, who made "May gan'on!" a catchphrase on 91.5 Energy FM, has transferred to his new home on 103.5 Wow FM! and hopes that listeners will "Lahveet!"


Sa Lunes, August 23, ay opisyal nang ilulunsad ang pinakabagong pangmasang radio station, ang 103.5 Wow FM! Ito ay bahagi ng group of radio stations sa bansa na itinataguyod ng The Radio Partners, Inc. (TRPI) na kinabibilangan din ng Jam 88.3, Wave 89.1, Magic 89.9 at 99.5 RT.

Handang-handa na ang limang radio disc jockeys na sina Mr. Fu, Laila Chikadora, Tina Ryan, Tito Potato at Justin Bibo para magbigay ng kakaibang aliw sa mga tagapakinig. Pawang mga galing sa ibang radio stations at piniling lumipat sa Wow FM! ang mga naturang DJs.

STAR DJ. Hindi mai-deny ng star DJ na si Mr. Fu ang excitement sa nalalapit niyang pagtrabaho sa bagong tahanan. Ang tinaguriang "tagabulabog ng universe" at ang nagpauso ng mga katagang "May gano'n!" ay dating DJ ng 91.5 Energy FM.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mr. Fu (Jeffrey Espiritu in real life) sa presscon ng 103.5 Wow FM! kahapon, August 20, sa Chili's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Kaagad naming tinanong, ano ang pakiramdam ng pagiging star DJ niya?

"Parang beer house lang na may star dancer... may gano'n!" biro ni Mr. Fu. "Masaya ako dahil nabibigyan ng magandang puwesto yung pinaghihirapan ko bilang DJ. Above anything else, masaya ako kasi ito yung gusto kong gawin, e, magpasaya ng maraming tao. Yun lang. Nag-try na ako ng ibang trabaho, hindi ako umepekto. Masaya ako na napapansin yung pinaghihirapan ko, yung pinagpupursigehan kong trabaho."

Ano ba talaga ang dahilan at umalis siya sa Energy FM?

"Isa kasi sa considerations ko ay mas marami akong magagawa sa Wow FM. Mas mag-e-evolve ako bilang DJ. Yung creativity ko mas mailalabas ko sa Wow FM. Pinag-isipan ko naman itong mabuti at nakipag-usap naman ako sa Energy FM. Matagal ito, hindi ito biglaan. Naintindihan naman nila ang mga rason ko at magkakaibigan pa rin kami ng mga taga-Energy FM lalo na yung mga bossing ko run.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, money is a consideration, hindi naman ako magpapakaplastik doon. Pero above anything else, yung pag-e-evolve ko bilang DJ ang malaking reason talaga," paliwanag ni Mr. Fu.

Sinasabing siya na raw ang highest paid DJ sa bansa. Ano ang masasabi niya rito?

"Ay, hindi! Si Mo Twister ang highest paid sa pagkakaalam ko. Yung sumunod sa kanya hindi ko na alam dahil wala akong record."

May pressure ba na ang goal ng Wow FM! ay maging number one radio station?

"Hindi ko masyadong iniisip ang pressure. I take it as a challenge. Positive lang ako na alam kong kaya namin, alam kong kaya ko. Alam kong magiging successful itong bagong venture namin. So, it's more of like that, it's a challenge. Kasi pag inisip ko na pressure baka masira yung diskarte ko, e."

Gagamitin niya pa rin ba ang famous line niyang "May gano'n!" sa Wow FM?

"I will still use it. Kasi dun naman ako nakilala, ako naman ang nagpauso nun talaga. Hindi ko naman kine-claim na inimbento ko pero lumabas lang talaga sa bibig ko. But I don't know in the future baka dito sa Wow may bagong lumabas sa bibig ko. Pero as of now, okay pa naman si 'May gano'n' sa akin, so go-go-go. Itutuloy ko pa rin siya. Ang bagong dagdag lang talaga na sasabihin ko ay ang tagline ng Wow FM na 'Lahveet!' as in mai-in love kayo sa pakikinig sa amin."

WORKING WITH LAILA CHIKADORA. Excited din si Mr. Fu na makatrabaho sa Wow FM! si Laila Chikadora na galing naman sa DWRR Tambayan 101.9.

"Nakakaloka 'yang si Laila kasi alam ko na siya si Laila Chikadora pero never pa kaming nag-meet. 'Tapos bigla akong nakatanggap ng text sa kanya, siguro mga months ago, at sinabing siya si Laila Chikadora at nakikinig siya sa akin. Sobra raw siyang tawa nang tawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatuwa kasi para manggaling yung text sa masasabing kakompetensiya mong istasyon kasi pareho kami ng format, e. So, tinext ko siya, sabi ko magkita kami, kaya lang hindi talaga nagmi-meet yung sked namin. 'Tapos bigla dito pala kami sa Wow FM magkikita. Kaya nung sinabi sa akin ng Wow na kino-consider nila si Laila, sabi ko, 'Go!'"

Kumusta naman ang first meeting nila?

"Parang matagal na kaming magkakilala nung magkita kami."

Posible ba silang magtambal sa Wow FM?

"Actually, meron kaming tambalan sa gitna, e. Before niya i-turn over sa akin kasi magkasunod ang radio show namin. So, mangyayari na siya in a way, although hindi nga lang mangyayari nang buong show."

HANDLING INTRIGUES. Hindi maikakailang sumisikat na si Mr. Fu ngayon. Sa katunayan hindi lang sa radyo siya mabenta ngayon kundi maging sa telebisyon. May mga shows siya sa dalawang TV networks na maikukunsiderang isang privilege dahil naghihigpit na ang mga networks sa kanilang mga artista. Sa Q-11 ay Tweetbiz ang show niya, habang sa TV5 naman ay PO5 at ang bagong show with Joey de Leon na Wow, May Gano'n!

Kasabay ng pagsikat ay ang pagdating ng mas maraming intriga. Paano niya hina-handle ito?

"Good vibes lang lagi. 'Tapos may pag-iingat sa sasabihin. Siguro katulad dun sa nangyari sa akin sa Paparazzi [showbiz program ng TV5]. First time ko kasing ma-interview nina Nanay Cristy [Fermin], Ruffa [Gutierrez], Mo [Twister]. Kasi nasanay ako na ako yung nag-i-interview nung reporter ako. Ngayon mas mag-iingat ako. Pero love na love ko si Nay Cristy dahil hindi pa ako nakikita sa TV sinusulat na niya ako. Si Mo naman, we're friends, we're okay."

Sa guesting niyang ito, nagkaroon ng impression ang iba na pinipilit daw siya ng mga hostng Paparazzi na magsabi ng laban sa GMA-7 at sa Tweetbiz co-host at kaibigan niyang si Tim Yap na katampuhan daw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman na-feel na may ganung pilitan. Siguro iyon lang ang na-perceive ng mga tao sa ginawang pagtatanong sa akin. Pero wala akong problema with the hosts ng Paparazzi. Mahal ko sila."

NO RIFT WITH TIM YAP. Natutuwa naman si Mr. Fu na finally ay natuldukan na rin ang isyu ng tampuhan diumano nila ni Tim Yap na mas lumala dahil sa kanyang Paparazzi interview. Nauna nang nagsalita si Mr. Fu sa PEP at kaagad ding nagbigay ng kanyang pahayag si Tim nang dumating ito sa Pilipinas mula sa Amerika. (CLICK HERE for related story.)

"Nagkapaliwanagan na kami ni Tim and everything is okay. Nung magkita kami ulit sa Tweetbiz pagkagaling niya ng New York, we're very okay at walang tensyon. Nag-thank you pa nga ako sa pasalubong niyang T-shirt at coffee mug para magkape na raw kami kahit pareho naman talaga kaming hindi nagkakape."

Hindi ba siya nagtatampo kay Ruffa Gutierrez nang dahil sa tweet nito ay mas nagkaisyu pa sa kanila ni Tim? Ang tweet daw kasi ni Ruffa ay, "According to Mr. Fu: Tim and I are not friends. Pero okay kami sa trabaho."

"Ay, hindi naman ako nagtampo. In fairness, Ruffa Gutierrez iyon at napansin niya ako kasi tinweet niya ako, di ba? Yung pag-tweet niya kasi friends sila ni Tim. Nagkaroon lang ng ibang term kasi ang sinabi ko [na], 'We're not super close.' Iba yun sa we're not friends, di ba? Pero wala na iyon kasi okay naman kami ni Tim. Yeah, I was misquoted pero wala na sa akin yun. Naayos naman namin ni Tim, so walang problema."

Papayag ba siyang makipag-dinner date with Tim and Ruffa kung yayain siya ng mga ito?

"Oo naman. Yun nga lang kung yayayain nila ako, echos! Pero pag nangyari yun, pangmayaman ang dinner ko," biro ni Mr. Fu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN