PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mariel Rodriguez: "I do not regret the decision I made."

Mariel pleads to the public: "Just be happy for me kasi I'm really, really happy."
by Nerisa Almo
Published Aug 21, 2010
"We cannot take anymore heartaches, e. If I get another heartache, i-strap on niya na sa akin... kasi hindi ko na talaga kaya. Ayaw ko na," said teary-eyed Mariel Rodriguez as her interview with good friend and Entertainment Live! host Bianca Gonzales ended.

Marami ang nasopresa sa biglaang desisyon ni Mariel Rodriguez na mag-file ng "indefinite leave" mula sa kanyang afternoon show na Pilipinas, Win na Win!

Mas lalo pang nagulat ang publiko nang aminin nitong isa sa mga rason ay upang pumunta siya sa India, kung saan kasalukuyang inoobserbahan ng kanyang rumored boyfriend na si Robin Padilla ang Islamic month na Ramadan. (CLICK HERE to read related article)

Bago ng kanyang paglipad patungong India noong Martes, Agosto 17, nagpaunlak ng isang esklusibong panayam ang 26-year-old TV host sa Entertainment Live!, na ipinalabas kaninang hapon, Agosto 21, sa ABS-CBN.

FOLLOWING HER HEART. Ayon sa dalaga, matagal na niyang hiniling na magkaroon siya ng bakasyon mula sa trabaho. "Wowowee pa lang, humihingi na ako. Sabi ko, if I could have a birthday leave. I was asking for two weeks, the first and second week of August. I tried, but I was denied kasi nag-start kami ng Pilipinas, Win na Win!. Matagal ko nang gustong magbakasyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung hanggang kailan ang kanyang pagbabakasyon, mismong si Mariel ay hindi sigurado. "I really don't know. But I know I will be back. And sana, sana welcome pa rin ako."

Agad naman niyang nilinaw na hindi siya aalis ng bansa dahil sa mga usap-usapang buntis siya. Aniya, "I'm super not pregnant. I'm really, really not pregnant. I just really needed a break."

Bagamat inamin niyang susundan niya si Robin sa India, hindi naman niya maipaliwanag ang dahilan. Aniya, "Parang pumerfect na talaga ang timing. Destiny or the timing. I don't know, e. Hindi ko talaga masasagot. But my decision is very definite."

Aminado rin ang TV host-actress na hindi siya sigurado kung ano ang magiging implikasyon ng kanyang panandaliang pag-alis mula sa showbiz. Gayunpaman, hindi niya raw ito pagsisisihan.

"I'm taking a risk. It is a risk kasi hindi ko alam kung ano pa ba ang mababalikan ko. Sana makabalik pa rin ako sa ginagawa ko. I'm really happy. I do not regret the decision I made. Finally, I'm going to be able to do what I want. Finally, I want something for myself," ani Mariel, at ginagawa niya raw ito nang walang pag-aalinlangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayaw kong mag-regret. Hindi ba, that's how girls are? Di ba, we'll do everything?"

ROBIN MAKES HER FEEL LIKE A PRINCESS. Si Robin nga ang isa sa dahilan ng kanyang "indefinite leave" sa PWW, pero hindi naman niya masabi kung ano talaga ang estado ng kanilang relasyon.

"No label. Uso pa ba 'yong label?" ang sabi lang ni Mariel.

Matatandaan na nagsimulang maging malapit sa isa't isa sina Mariel at Robin nang mag-guest host ang 42-year-old action star sa dating noontime show na hino-host ng una, ang Wowowee.

Nang tanungin ni Bianca kung sa tingin niya ay si Robin na ang "the one" sa kanyang buhay, ang matipid na sagot ni Mariel ay, "Sana."

Inamin ng dalaga na sa tuwing kasama niya si Robin, nararamdaman niya na para siyang prinsesa. "Simple, little things. Like, I thought kasi hindi na uso 'yong opening the car. He'd rather die than let me open my door. 'Tapos baba siya at siya ang mag-o-open ng door," dagdag pa ni Mariel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi ba siya nag-alala sa reputasyon ni Robin na may maraming babae?

Sagot ni Mariel, "No, nahihiya ako sa kanila. I tell him, 'Hoy, you better tell me baka mayroon ka pang mga women na wala diyan sa magazine na 'yan.' It's not an issue because that was my first impression, na bad boy at maraming babae. Pero noong nakilala ko siya, hindi, e. I feel that he was just so much more."

Para sa dalaga, si Robin: "Sobra siyang matalino. Ang lalim niyang tao."

LOVE OVER CAREER? Kung sakali, handa ba si Mariel na iwanan ang kanyang showbiz career para sa pag-ibig?

"That's the first thing Tito Boy [Abunda, her manager] asked me. He told me, 'Mariel, if we're going to do this, panindigan natin 'to," kuwento ni Mariel.

Sa tingin ni Mariel, hindi rin naman ito hihilingin ng kanyang rumored boyfriend at PWW co-host. Aniya, "The funniest thing is he always tells me that I'm at the peak of my career. Sobra 'yong support niya. Sa palagay ko, hindi niya ako ilalagay sa posisyon kung saan kailangan kong mamili."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba siya manghihinayang kung sakaling iwan nga niya ang kanyang showbiz career?

"But I also have my personal dreams as Mariel," sagot niya. "Kasi feeling ko, at the end of the day, 'yon din naman 'yon, e. Para saan ba 'yong pagiging career woman na ginagawa natin? Para ma-attain natin 'yong, as a person, natin na dream, di ba? E, kung puwede ko naman i-try na gawin 'yong gusto ko, hindi naman siguro masama 'yon. Baka naman puwede naman maging masaya."

Sa ngayon, hindi pa sigurado si Mariel kung ano ang magiging kinabukasan ng relasyon nila ni Robin. Ang iniisip lamang niya ay, "'Yong kasalukuyan, 'yon ang magdra-draw ng future. So kailangan i-enjoy lang namin."

WILL THIS LEAD TO A WEDDING? Bukod sa isyung pagbubuntis, bali-balita rin na kaya susunod si Mariel kay Robin ay upang magpakasal na sila. Bagay na pinabulaanan ni Mariel.

Matapos ang ilang sandaling pag-iisip, sinabi ni Mariel, "Kung ano ang gusto nilang isipin. At this point, parang I'll just go where life takes me. Gusto kong mag-joke pero parang hindi appropriate. Gusto kong sabihin na bahala na si Batman o bahala na si Robin!" Sabay tawa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We'll see pagbalik ko. Pagbalik ko, tsikahin ko kayo ulit. You know, Robin said, kapag kami ang nagpakasal, kung magpapakasal kami, hindi namin ito isisikreto. In fact, sasabihin namin."

Sa kanyang panayam, nagbigay din ng pahayag si Mariel ukol sa ilang statement na inilabas ng dating asawa ni Robin na si Liezl Sicangco, na ngayon ay nakabase na sa Australia.

Sa exclusive interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nabanggit ng dating maybahay ni Robin na nawawalan na ng panahon si Robin sa kanilang bunsong anak na si Ali, kung kaya hinihiling niya na ibalik na lang sa Australia ang kanilang 10-taong-gulang na anak. (CLICK HERE to read related article)

Ayon kay Mariel, "Ito nakikita ko lang, ha, from an outsider's point of view na nakikita ko. Sobrang ina-idolize ni Ali si Robin. Every time Ali eats, Robin fixes it. As in, siya ang nag-i-slice ng steak ni Ali, nagbubukas ng water ni Ali. Grabe niya asikasuhin si Ali, sinusundo niya si Ali sa school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm not contradicting, siyempre, kung anuman ang feelings ni Ms. Liezl. Kung ano ang gusto niyang sabihin, puwede niyang sabihin dahil siya ang ina. 'Yong sinasabi ko lang is nakikita ko or napapansin ko na mabuting ama si Robin."

"EXUBERANTLY HAPPY!" Bagamat nilinaw na ni Liezl na hindi niya sinisisi ang pagkahumaling ng kanyang dating asawa kay Mariel, hindi naman maiwasan ni Mariel na maramdaman na isa nga siya sa dahilan kung bakit aakalain ng tao na nagkukulang na ng oras si Robin kay Ali.

"I cannot help but feel na I'm partly the reason," sabi ni Mariel. "Although Ms. Liezl naman said that she has nothing against me. But because maybe they're thinking that I'm being the priority, I asked if he wanted me to just walk away. He said na hindi naman daw ako ang reason. It's really between him and Ms. Liezl and the kids."

Sa kabila ng mga isyung naglalabasan tungkol kina Mariel at Robin, nananatili naman daw ang suporta ng pamilya ni Mariel sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglalarawan ni Mariel, "Lagi nilang sinasabi na kung saan ako masaya, basta masaya ako, masaya sila para sa akin. Pero hindi sila nagkukulang sa pag-guide sa akin, na take it slow, take it easy."

Dahil dito, sabi ng dalaga, "I love them, and I'm so grateful for the love they have for me. I'm exuberantly happy!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"We cannot take anymore heartaches, e. If I get another heartache, i-strap on niya na sa akin... kasi hindi ko na talaga kaya. Ayaw ko na," said teary-eyed Mariel Rodriguez as her interview with good friend and Entertainment Live! host Bianca Gonzales ended.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results