Natuwa nang husto ang award-winning actress na si Iza Calzado nang bigyan siya ng pagkakataong maging bagong co-host ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa lifestyle show nitong The Sweet Life sa QTV-11.
Si Iza ang ipinalit kay Wilma Doesnt na tinanggal sa show dahil, ayon sa GMA management, mas identified na raw ito ngayon sa TV5.
Dream come true daw itong hosting job para kay Iza.
"I always pray na sana mabigyan ako ng chance to host a show that has something to do with everyday lifestyle. Yun ang gusto ko namang gawin for a change. Kasi I've tried hosting awards night, musical-variety show, cooking show at isang public affairs program. Gusto ko naman sana ay yung lifestyle naman.
"Then one day, sinabi nga sa akin na I will be hosting a lifestyle show sa QTV-11. Nagulat na lang ako when they say it's The Sweet Life. At first, ang akala ko tatlo na kaming magho-host ng show because nandoon na si Miss Lucy 'tapos nandoon din si Wilma. It's later on na nalaman ko na wala na pala si Wilma sa show.
"Before naman I got on board, nagkausap kami ni Wilma, and she said na okey daw na ako ang pumalit sa kanya. Wala siyang galit or anything. It's time na raw to move on at nag-congratulate pa siya sa akin," sabi ni Iza.
GETTING TO KNOW LUCY. Naging okey raw kaagad sila ni Lucy Torres-Gomez nang magkita sila sa set. Nalaman ni Iza na nakakatawa rin pala ang congresswoman at hindi forever prim and proper.
"Nagka-crack din siya ng jokes. So, nakagaanan ko na siya ng loob right away. Kasi ilang beses na ako nag-guest sa show na ito, pero I don't get to talk to her much kasi mabilisan ang lahat. This time, I get to talk with her sa dressing room and I was able to know her very well.
"Ako naman, basta masakyan mo ako, okey tayo. Hindi naman ako yung ladylike talaga. I can be crazy din if I want to. Nakita ko iyon kay Lucy, and she's lots of fun pala once you get to know her pala," ngiti ni Iza.
Sunud-sunod ang blessings na dumarating kay Iza ngayon.
"Aside from The Sweet Life, may bago rin akong drama series na sisimulan for GMA-7. Hindi ko pa alam kung ano yung project kasi pag-uusapan pa namin iyon. Na-miss ko na ang gumawa kasi ng series. The last time na nagbida ako was Kaya Kong Abutin Ang Langit. 'Tapos, I was in Panday Kids at nag-guest ako sa Pilyang Kerubin.
"'Tapos may movie pa akong gagawin for the Metro Manila Film Festival, which is Super Inday [and the Golden Bibe] with Marian Rivera. I also have new endorsements na darating pa. So, parang dumating lahat in one package. Kaya thank you, Lord, for all the blessings."
BALANCING ACT. Sobrang busy na nga ulit ni Iza kaya tinanong namin kung may time pa ba siya sa kanyang personal life? Most especially sa relationship niya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Atticus King?
"Meron pa naman akong time for that. Proper time management lang naman ang lahat. Career natin ito, e, and we have to take care of it. Lalo na rin ang personal na buhay mo. May inaalagaan ka rin.
"Mababalanse naman lahat 'yan, e. Maniwala ka lang na kaya mo, and everything will be okay. I am thankful na very understanding naman ang taong mahalaga sa buhay ko ngayon. And he's happy that I have all this work ngayon. Kaya walang problema pagdating sa part na iyon ng buhay ko."
