PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilma Doesnt answers rumored rift with Tuesday Vargas and her disappearance from The Sweet Life

The model-TV host admits that she was axed from "The Sweet Life."
by Rey Pumaloy
Published Aug 23, 2010
"Huwag naman ninyo akong siraan kasi maganda naman yung pinagsamahan natin. I'm sure nakapagbigay naman ako ng ligaya sa inyo. Maganda naman yung pinagsamahan, so huwag natin sirain kasi maliit lang yung industry," says Wilma Doesnt.

Nasasalang sa mga isyu ngayon ang model turned actress-TV host na si Wilma Doesnt. Una, ang silent war daw nila ni Tuesday Vargas na kasamahan niya sa Sunday musical-variety show ng TV5 na P.O.5. Pangalawa, ang pagpapatalsik diumano sa kanya sa show nila ni Lucy Torres-Gomez sa QTV 11 na The Sweet Life.

Nitong Linggo, August 22, sa Paparazzi, isa-isang hinarap ni Wilma ang mga nabanggit na issues. Sa segment na "Presscon Express" nasalang si Wilma kung saan mga invited press din ang nagtanong sa kanya.

ISSUE WITH TUESDAY. Unang nilinaw ni Wilma ang isyu sa kanila ni Tuesday. Ayon kasi sa mga lumalabas na reports, meron daw silang "cold war" at nagpaplastikan at nagsasapawan lang sila sa P.O.5.

"Unang-una, para matapos na itong isyung ito, kasi ganito 'yan... Talagang nagkuwento ako, 'no!" tawa niya. "Kasi ganito 'yan, before na mag-start ang P.O.5... Actually, it all started sa isang makeup artist."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumingit naman ng comment ang isa sa mga host ng Paparazzi na si Ruffa Gutierrez, na tama raw ang kuwento sa kanya ni Tuesday. Magkasama kasi sina Ruffa at Tuesday sa Talentadong Pinoy bilang judges.

"E, yung makeup artist ko," patuloy ni Wilma, "yun din ang makeup artist ko pag Monday, Tuesday sa taping. Sabi ko sa kanya, walang problema pag ibang araw. Pag Monday, Tuesday, taping ko yun. Nauna naman talaga ako sa makeup artist. And then, nagkaroon rin ako ng P.O.5. Magkasama kami [ni Tuesday] doon.

"At bago mag-P.O.5, nag-usap na kaming dalawa ni Tuesday. 'O, paanong gagawin natin?' Harapan. 'Paanong gagawin natin, Tuesday, e, isa lang ang makeup artist natin? I live in Cavite, you live in Manila. So, ano'ng gusto mo? Mauna na akong dadating sa iyo para pagdating mo, tapos na ako.' Puwede naman, di ba? E, hindi nga gano'n ang nangyari. Samakatuwid, yung makeup artist, 'Ay, hindi na ako puwede sa iyo, Wilma, kay Tuesday na ako!'"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nasulutan" ba siya ng makeup artist?

"Hindi ko alam kung sulot yun," sagot ni Wilma. "Kasi no'ng pinag-uusapan namin yun, kaming dalawa ni Tuesday mismo, kaming harapang dalawa...pinag-uusapan namin about the makeup artist, hindi ko naisip yung sulot-sulot. So, sabi no'ng makeup artist ko, 'Ate, Tuesday na lang ako.' So, ako, parang, 'Ha? Ano ba yun?' A, basta, every Sunday masaya lang ako."

Sinabi naman ni Ruffa na galing daw kay Tuesday, sinabi nitong naaawa raw siya sa bading na makeup artist dahil hindi ito binabayaran ni Wilma. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Ay, may gano'n! Teka lang, medyo nahilo ako doon," sambit ni Wilma. "No, hindi totoo yun. Yung makeup artist na yun, makeup artist yun ng Sweet Life. Yung production ang nagbabayad sa kanya. Binibigyan ko lang siya ng tip, pamasahe. Siyempre si bakla, napagod, 'Pamasahe mo, teh.' Sorry, I'm broke but I'm happy, a!" pabirong hirit ng model-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CURRENT STATUS. Ano ang current status nila ni Tuesday: nagpaplastikan ba o nagdededmahan?

"Hindi naman kami nagdededmahan. Kaya lang pag Sunday, medyo tahimik lang siya kasi nga, ngarag, live. Pag nakakasalubong kami, 'O, ikaw na pala, tara! Pag off-cam hindi, e, kasi busy ako sa mga boys gaya nina JC de Vera!" biro ulit ni Wilma.

Hindi raw aawayin ni Wilma si Tuesday kahit na nalaman niyang sinabi nitong hindi raw siya nagbabayad ng makeup artist.


"Hindi. Kasi pag sinabi nilang hindi ako nagbabayad ng makeup artist, e, di bahala sila," nakangiti niyang sabi.

Nang-aagaw ba talaga ng eksena si Tuesday sa P.O.5, na kahit hindi na niya toka ay kinukuha pa rin daw niya?

"Baka naman kasi mataas ang energy!" tawa ni Wilma. "Hindi ko masyadong napapansin. Alam n'yo kung bakit hindi mahirap sa akin ang mapansin kasi, unang-una, ang laki-laki ng height ko kay Tuesday. So, kahit nasa likod lang niya ako at nasa harap ko, tatayo lang ako doon, makikita pa rin naman ako ng nanay ko na nagtatrabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagdiinan din ni Wilma na walang insekyuran sa pagitan nila ni Tuesday dahil magkaiba silang dalawa, bagamat isa rin siyang komedyana gaya ni Tuesday.

Dagdag niya, "Pero naghu-host po ako, hindi ako kumanta, hindi ako sumasayaw, at saka kilala naman po akong modelo. At kung ikukumpara kami ni Tuesday, magkaibang tao kami. Siya'y stage actress and I'm a supermodel. I'm going to stand up and project."

Bilang pagpapatunay sa kanyang pagiging supermodel nagbigay ng sample ng kanyang catwalk talent si Wilma sa mismong runway ng Paparazzi.

"O, di ba? Hindi 'yan kaya ni Tuesday. Hindi kami puwedeng ikumpara!" pabiro niyang bulalas.

THE SWEET LIFE. Sumunod na tanong kay Wilma ay kung tinanggal ba siya o kusa siyang umalis sa The Sweet Life, ang lifestyle show nila ni Lucy Torres Gomez sa QTV 11.

"Tinanggal po ako," pag-amin niya. "Alam natin sa panahon ngayon na nagkakaroon ng network war."

Tanong ni Mo Twister, bakit si Lucy, na may programa rin sa TV5 ngayon, ay hindi tinanggal sa show nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko alam," sagot ni Wilma. "Hayaan mo, tatakbo rin akong congressman, ha? Mahirap magkumpara. Basta ako, ang punto ko lang dito, kaya ako nandito para sabihin kung ano ang nangyari. Yung kay Lucy, ay Lucy yun, wala akong ano doon."

Paano siya tinanggal sa The Sweet Life?

"Basta, yung management doon sa Artist Station, tinawagan ako. 'Wilma, we have to meet this Thursday.' Ako naman, parang, 'Do I have to worry?' Sabi niya, 'A, no naman.' So, pumunta ako ng Thursday. No'ng sinabi ng management, 'No more Sweet Life for you next week,' ako, parang, 'Ha?' Basta, ako, 'Ha? Bakit daw?' 'Kasi may show ka sa Channel 5.' 'A, okey,'" salaysay ni Wilma.

Pagkatapos nito ay muli na namang itinanong ni DJ Mo kung hindi ba niya tinanong kung bakit si Lucy ay hindi tinanggal sa show?

"Siyempre, sinabi ko rin yun. 'Bakit gano'n si Lucy, meron din siya?' Case to case basis 'yan... Parang ang nangyari, si Lucy kasi bago siya kinuha ng QTV, meron siyang Shall We Dance. TV5 na siya talaga. Ako naman, QTV na ako and then P.O.5. E, kinuha nila ako...dalawa ho ang anak ko, kailangan kong magtrabaho... Dalawa ang shows ko sa TV5! Mayaman naman pala ako!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

'REKLAMADORA." Natawa naman si Wilma sa balitang narinig na kaya raw siya tinanggal sa The Sweet Life ay dahil sa pagiging "reklamadora" niya.

"Ganito po, unang-una, hindi naman po ako ipinanganak na mayaman. Hindi po ako lumaki na may aircon sa bahay. So, hindi puwedeng hindi ako mainitan. Yung reklamo about like doon sa studio, kasi nagte-taping kami, sobrang init kasi wala talagang aircon. So, kung mapapansin ninyong gumagano'n yung buhok namin, kasi may electric fan sa harap. Three years na po namin yun inirereklamo. And they say naman na inaayos naman nila sa engineering. So, parang minsan, parang gutom ka na, pawis ka pa, pagod ka pa, tao lang din po ako at ang artista puwedeng magalit pag nagugutom.

"I don't think that's the reason kung bakit nila ako tinanggal. Even kahit naman yung staff ng Sweet Life, alam naman ng buong staff, hindi lang kaming dalawang artista, na mainit po talaga. Mahirap po talaga. Yun po yung dating studio ni Julie Vega [the late Annaliza star]. O, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Seryoso raw kasi si Wilma noong nagrereklamo siya?

"Paano po ba magreklamo? Alam n'yo, ang init-init dito, ha!" nakangiting reaksiyon niya.

LOOKING BACK WITH GRATITUDE. Inamin naman ni Wilma na napag-usapan nila ni Lucy ang pagkakatanggal niya sa show.

"Ay, nalungkot siya talaga. Nag-start kaming dalawa doon, ginawa naming lahat. Siyempre, yung bonding, naging bahay mo yun. Kumbaga, naging sanay ka ganitong araw nandoon ka at aalis ka ng ganitong oras. Yung bonding namin sa dressing room na nadadala namin sa set."

Aprubado naman kay Wilma ang pumalit sa kanya sa The Sweet Life na si Iza Calzado, na hindi lang niya nakasama sa seryeng Te Amo kundi naging kaibigan pa.

"Bago mag-taping, tinawagan niya ako, 'Undang!' Undang kasi ang tawag niya sa akin, e. Sabi niya, 'Undang, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito, kung bubusina ba ako.' Trabaho namin pareho ito. Ang sabi ko sa kanya, 'Iza, hindi ikasisira ng pagkakaibigan natin kung pinalitan mo ako sa show. Trabaho mo 'yan, kailangan mo, ako natanggal. Okey lang yun, magkaibigan pa rin tayo kahit walang show,'" kuwento ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na raw prinessure ni Wilma ang manager niyang si Wyngard Tracy noong mga panahong tinanggal siya dahil katatapos lang na operahan ito sa puso. Sinabihan na lang daw siya nitong pabayaan na lang, tutal dalawa naman ang shows niya sa TV5.

Inamin ni Wilma na hanggang October sa taong ito ang kontrata niya sa The Sweet Life, pero wala na siyang balak habulin ito dahil ayaw niyang magsunog ng tulay sa pagitan niya at sa QTV 11 dahil posibleng gumawa pa rin siya ng project dito.

Tanggap din ni Wilma na hindi niya kayang bumangga sa higanteng network na gaya ng QTV 11, na sister station ng GMA-7.

Ano ang mensahe niya sa QTV 11?

"Eto na 'yan, kailangan ko ngang sabihin na hindi ako nagagalit sa management ng QTV 11 dahil management decision yun. Nagpapasalamat ako sa kanila. Ipokrito ako kung sinabing hindi ako nalungkot, siyempre iniyakan ko yun ng isang linggo, nagkasakit ako dahil doon. Nalungkot talaga ako dahil, unang-una, yung mga kaibigan mo, na staff, na naging close mo. Sa 200 na staff na meron doon, siguro lima lang doon ang ayaw [sa akin] doon. I cannot please everybody at the same time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But, sigurado ako, like yung mga art department, yung mga scenario, na mga boys, they look forward pag nagte-taping kami kasi talagang masaya kami. Minsan pag may problema yung isang staff, lalapit, 'Miss Wilma, paano bang gagawin ko?' 'A, ganito lang 'yan, hayaan mo lilipas din 'yan.' Yun ang pinaka-ikinalulungkot kasi yung maraming tao na mami-miss ko.

"Siyempre, nagpapasalamat ako sa QTV dahil kung anuman ako ngayon na nandito sa harap ninyo ngayon, parte sila no'n na naging maayos akong tao, natuto akong mag-host. Marami akong natutunan sa show na yun, Maraming ibinigay sa akin yung show na yun. Sabi nga sa akin ni Lucy, 'Wilma, yung friendship natin is way beyond Sweet Life," lumuluhang lahad ni Wilma.

"'Saka nga pala, every Tuesday nagpupunta ako ng Kongreso!" bigla niyang pihit na masaya naman. "Nagpapasalamat talaga ako sa kanila dahil natuto ako, naging matapang ako, naging matalino ako... Ganito pala ito!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pahabol ding mensahe si Wilma bago siya nagtapos.

"Huwag naman ninyo akong siraan kasi maganda naman yung pinagsamahan natin. I'm sure nakapagbigay naman ako ng ligaya sa inyo. Maganda naman yung pinagsamahan, so huwag natin sirain kasi maliit lang yung industry. Malay ninyo, nandoon na naman ako," sabi niya na ang tinutukoy ay ang pagtatrabaho sa QTV 11.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Huwag naman ninyo akong siraan kasi maganda naman yung pinagsamahan natin. I'm sure nakapagbigay naman ako ng ligaya sa inyo. Maganda naman yung pinagsamahan, so huwag natin sirain kasi maliit lang yung industry," says Wilma Doesnt.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results