PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

(Part 1) James Yap reportedly making huge demands in exchange for nullity of marriage to Kris Aquino

A source close to Kris accuses James of being interested in the bulk of their property.
by Trish Alvarez
Published Aug 25, 2010
"Willing si Kris na ibigay lahat ng hinihingi ni James sa kanya. Pero hindi ganun kadali yun. Pinaghirapan din ni Kris ng ilang taon kung anong meron sila ngayon. At kung maibigay man niya lahat kay James lahat ng hinihingi, paano naman ang future niya at ng anak niya na si Baby James?" says a source close to Kris Aquino.

Nagsimula na ang pagdinig sa declaration of nullity of marriage na inihain ni Kris Aquino upang mapawalang-bisa ang kasal nila ng basketbolistang si James Yap.

Sa hearing na ginanap noong Biyernes, Agosto 20, ay pinagbigyan ng Makati City Regional Trial Court ang petisyon ni James na magkaroon ng "visitation rights" sa anak nila ni Kris na si Baby James (CLICK HERE to read related story.)

Bagamat nasa korte na ang petisyon ni Kris na mapawalang-bisa ang kasal nila ni James, may mga lumalabas ngayong panibagong isyung may kinalaman sa paghihiwalay nila.

SAN MATEO LOT. Sa isang panayam ay sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, abugado ni James, na hindi sila magdi-demand ng pera kay Kris. Ang ipa-file lang daw ni James, kapag handa na siya, ay kung ano ang itinakda ng batas—na mahati nang pantay ang mga pag-aari nina Kris at James.

Ngunit pinabulaanan ng isang source, na kilalang malapit na kaibigan ni Kris, na hindi nagde-demand si James ng pera at property. Mariing sinabi ng source, na ayaw magpapangalan, na diumano'y "maraming" hinihingi si James kay Kris kapalit ng pagsang-ayon nito sa pagpapa-null and void ng kanilang kasal bago pa ang unang pandinig ng kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto raw makuha ni James ang tinitirhan ngayon ni Kris at anak nilang si Baby James sa One Roxas sa Makati City, ang isa pang condo unit na nasa Makati City rin na una nilang na-acquire, at ang 3,000 sq.m. lot na nabili nila sa San Mateo, Rizal.

Ayon sa source, sobrang nagustuhan daw nila ang lugar kaya binili nila agad ang lote sa San Mateo. Gusto raw ni James ang lugar ng lote sa San Mateo dahil parang probinsiya rin ito tulad ng kinalakhan niya sa bayan nila sa Escalante, Negros Occidental. Ito ang regalo ni Kris kay James noong nag-birthday ang baskebolista noong Pebrero 15, 2009.

Mismong si Kris ang nagbanggit sa lupang nabili nila sa San Mateo, sa isang press conference niya for a product endorsement last year.

Ani Kris, "More than P5 million, kasi we bought 3,000 sq.m. Yes, magtatanim kami sa lot. Kasi prinamis ko, kasi bundok siyang pa-ganun, tapos ang view mo, city. Farm lot kasi ang binili namin, so you are only allowed to build on 20 percent of the property. So, 600 sq.m. yung puwede mong tayuan ng bahay. Tapos the rest, swimming pool, tapos magtatanim."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last quarter ng 2010 dapat ang turnover kina Kris ng lote, 'tsaka nila patatayuan ng bahay.

"Simple lang yung house na ibi-build namin. Tapos, kasi kung saan kami lilipat [One Roxas] eventually after two years, ipapa-rent na namin para may income kami. 'Tsaka malapit lang ito because matatapos na yung C-6 [road project]. Batasan lang ang daan mo. We calculated kapag natapos ang C-6, in less than 30 minutes you're in ABS. Tapos sobrang fresh nung air," lahad ni Kris.

Ayon pa kay Kris, ang down payment nila sa lote ay yung nakuhang bayad kina James at Baby James mula sa TV ad nila para sa Sunlife Insurance. The rest ay si Kris na raw ang nagbayad.

Ngayon, ito raw ang isa sa mga gustong maangkin ni James.

EDUCATION & TRUST FUND. Sabi pa ng source na malinaw na kampi kay Kris, bukod sa properties, gusto rin daw pakialaman ni James ang education at trust fund ni Baby James. At hiniling pa raw ni James na mapasakanya ang luxury cars na meron sila ni Kris.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilang linggo pa lang pagkatapos sabihin ni Kris sa TV na suko na siya sa pagsasama nila ni James, may lumabas na unconfirmed report na binenta raw ng basketbolista ang mamahaling sasakyan nila ni Kris. Posible raw na ang pinagbentahan ng kotse ni James ang ginamit niya sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay mula noong naghiwalay sila ni Kris.

Ayon sa source, "Willing si Kris na ibigay lahat ng hinihingi ni James sa kanya. Pero hindi ganun kadali yun. Pinaghirapan din ni Kris ng ilang taon kung anong meron sila ngayon. At kung maibigay man niya lahat kay James lahat ng hinihingi, paano naman ang future niya at ng anak niya na si Baby James? Maaaring may makuha si Kris na inheritance from her family, pero di sapat yun, e. Mas mayaman pa ngayon kung tutuusin ang ibang kaibigan ni Kris kesa sa kanya sa showbiz. At alam naman natin ang showbiz, di permanente ang kitaan diyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong pa ng kaibigan ni Kris, kung sakali't ibigay lahat kay James ang hinihingi nitong properties, ano naman daw ang matitira at mapupunta sa TV host at sa anak niyang si Baby James?

VISITATION RIGHTS. Ayon kay James, ipinaglalaban lang niya ang kanyang karapatan bilang ama kay Baby James at ang visitation rights para makapiling ang anak.

Last Friday, nagkasundo ang dalawang panig sa hearing na makasama ni James si Baby James. Nagsimula ito ng 2 p.m. at natapos ng 4:30 p.m.

Puwede nang dalawin ni James ang anak tuwing Biyernes simula 4:30 p.m., Sabado na magsisimula ng alas-dos ng hapon, at tuwing Miyerkules.

Puwede rin daw pumunta si Baby James para manood ng basketball games ni James. Pero depende ito sa oras ng start ng laban ng team niya, dahil may pasok sa eskuwela ang anak nila ni Kris at depende rin daw sa security kung saan ipapasyal ang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paulit-ulit na sinabi ni James sa nakaraang press conference niya na miss na miss niya ang anak. (CLICK HERE to read related story.) Pero ayon sa source na ayaw magpakilala, matapos ng hearing sa Makati Regional Trial Court, hindi agad dinalaw ni James ang anak. Past 8 p.m. na raw nang dumating si James sa One Roxas, bitbit ang isang toy gun. Four hours late sa nakatakdang simula ng oras ng kanyang visitation rights.

Read Next
Read More Stories About
James Yap
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Willing si Kris na ibigay lahat ng hinihingi ni James sa kanya. Pero hindi ganun kadali yun. Pinaghirapan din ni Kris ng ilang taon kung anong meron sila ngayon. At kung maibigay man niya lahat kay James lahat ng hinihingi, paano naman ang future niya at ng anak niya na si Baby James?" says a source close to Kris Aquino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results