Angel Locsin gives her opinion on anti-Duterte campaign ad

May 9, 2016
<p>A netizen asks Angel Locsin about the anti-Duterte campaign that aired on her mother network. Here's what Angel responded.</p>

Sinagot ni Angel Locsin ang isang netizen nang tanungin siya nito tungkol sa kontrobersiyal na anti-Duterte campaign ad na umere sa ABS-CBN network, ang home network ng Angel, noong nakaraang linggo.

Nitong weekend, tinanong ng netizen (@cloyjimenez) si Angel, bilang isang activist at advocate for good, kung ano ang masasabi nito sa anti-Duterte na inere ng kanyang mother station.

Continue reading below ↓

Sagot ni Angel, hindi umano niya napanood ang nasabing campaign ad kung kaya't hindi siya makapag-comment tungkol dito.

“Pero para sa akin, kung malakas naman ang paniniwala mo sa candidate mo at gugustuhin mo talaga ang nakakabuti para sa nakararami, idagdag mo pa ang mga nagawa na n'ya para sa bayan, kahit na ano pang sabihin ng iba, hindi magbabago ang paniniwala mo.”

Continue reading below ↓

Matatandaang ilang araw bago magtapos ang campaign period, naging usap-usapin ang campaign ad na umere sa Kapamilya network, kung saan may mga batang talents na lumabas sa nasabing commercial na sumasagot sa mga isyung ipinupukol sa presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, kagaya ng pambabae at pagmumura.

Ang nasabing million-peso ad campaign, na tinagurian ding black propaganda laban kay Duerte, ay binayaran ng kampo ni vice-presidential candidate Sen. Antonio Trillanes IV.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>A netizen asks Angel Locsin about the anti-Duterte campaign that aired on her mother network. Here's what Angel responded.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results