PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

(Part 1) Aga Muhlach's wish on his 41st birthday is not for himself but for the country

Aga expresses his admiration for President Noynoy Aquino.
by Anna Pingol
Published Aug 30, 2010
"Kasi minsan pag dini-diyos na ng tao ang pera, nawawala na ang kaligayahan nila, papalpak na lahat. Parang nalilimutan nila na hindi naman pera ang magpapasaya sa kanila," says Aga Muhlach.

Isang belated birthday dinner get-together ang ipinatawag ni Aga Muhlach, who turned 41 last August 12, para sa mga kaibigan niyang miyembro ng entertainment press.

Ginanap ito sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong August 23. Sa kasamaang-palad ay kasabay na nagaganap ang malagim na hostage-taking sa Quirino Grandstand sa Maynila, na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals.

Kaya naman sa simula ng kuwentuhan ay tila distracted si Aga dahil gusto rin nitong malaman kung ano na ang nangyayari sa Luneta.

"Ang [birthday] wish ko nga is really for the country," seryosong panimula niya. "Sana nga maging maayos na talaga lahat. Kaya nakakalungkot kung nakakarinig tayo ng kung anu-anong pangit na balita, especially now."

MONEY IS NOT EVERYTHING. Hindi na tuloy maiwasang maging emosyonal ni Aga tungkol sa hostage-taking at maging sa bansa in general.

"Marami pang ganyan [mga tao], marami pang nag-iisip ng ganyan ngayon...mga short-tempered," pag-analisa ni Aga sa hostage-taker. "Kasi minsan pag dini-diyos na ng tao ang pera, nawawala na ang kaligayahan nila, papalpak na lahat. Parang nalilimutan nila na hindi naman pera ang magpapasaya sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Money is really important. We all work for that, makakatulong sa atin 'yon pero hindi dapat 'yon ang maging kaligayahan natin. Kung sino man ang nagdiyo-diyos diyan, kawawa talaga.

"Kaya ang wish ko, it's really for our country talaga kasi dapat 'wag tayo pumayag na ganito tayo. Parang nakakalungkot na what is the use of us working so hard if you are not safe? Sayang...sayang talaga. Parang marami pang mangyayaring ganyan.

"Even like for example doon kay Melody, 'yong bus driver na 'yon, they do not care anymore, e. Wala nang disiplina, wala nang pakialam minsan sa buhay ng tao. Yung mga drivers na iyon na when they overtake they just...pagka nakabangga, sorry."

Ang tinutukoy ni Aga ang ang road accident na ikinamatay ng Bb. Pilipinas International 2009 na si Melody Gersbach at dalawa pang kasama nito na nangyari sa Camarines Sur noong August 21. (CLICK HERE to read related story.)

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Affected si Aga sa nangyari kay Melody, lalo na noong mag-sink in sa kanya na na-meet na niya ang beauty queen at muntik pa nga niyang makasama si sitcom niya sa ABS-CBN na M3 (Malay Mo Ma-develop), kasama si Ai-Ai dela Alas.

"Noong una, hindi ko alam na siya 'yon. Pero sabi ko, kawawa naman. Then the following day, someone texted me, ang sabi, 'Aga, yun 'yong kasama mo'.

"Kasi nag-pictorial na kami," banggit ni Aga. "Hindi ko lang alam bakit siya napalitan. 'Yong role ni Megan Young, kanya dapat 'yon. So, hindi ko na alam 'yon.

"But when we were doing the pictorial, she was quiet. Di nagsasalita. Siguro kasi, bago siya."

Ginamit na ni Aga ang pagkakataong ito para iparating ang pakikiramay sa pamilya ng Filipino-German beauty queen.

"Nakikiramay talaga ako sa mga naiwanan niya," malungkot na habol niya. "Again, gusto kong isipin kung gaano kabilis ngayon...gano'n kaiksi lang din ang buhay. So, while you are still at it, just be happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AGA ADMIRES PNOY. Naging bukas din sa Aga ng gabing 'yon sa hantarang pagpuri kay President Noynoy Aquino (PNoy).

Matapos ang gabing 'yon ay umani si PNoy ng mga batikos dahil sa di nito tuwirang pagsangkot sa isyu ng hostage-taking sa Luneta. Ngunit noong gabing 'yon ay pawang paghanga kay PNoy ang lumabas sa bibig ni Aga, na ngayon lamang naringgan ng ditersang paghanga sa isang pulitiko.

Aminado siyang kagaya ng maraming Pinoy, napabilib siya kay PNoy nang ipagbawal nito ang wang-wang.

"Kaya nga ako, first time ko naging fan ng Pangulo, converted talaga ako sobra. So far, gusto ko lahat ng ginagawa niya. 'Yong ginawa niya sa wang-wang na 'yan, inalisan niya ng power lahat, nawala lahat ng yabang ng tao, e. Di lahat tahimik. Wala na sa EDSA 'yong mga kung sinu-sino di ba?

"Tapos siya [PNoy], nakaupo siya sa harapan ng sasakyan niya, parang nakakatuwang tingnan na parang hindi siya untouchable. Tapos, pati 'yong projects na bakit ko ilalagay mukha ko? 'Yong mga congressmen, mga mayor, bakit n'yo nilalagay 'yong mga pangalan n'yo, hindi n'yo naman pera 'yan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya nga sabi ko, parang only now na naging fan ako ng isang presidente. And I really pray na tama lahat ang mga gagawin niya. Maraming kokontra along the way, I'm sure...because you can't please everyone. But majority ng ginagawa niya, para sa kabutihan ng karamihan, at alam kong ginagawa niya 'yong mga naririnig kong sinasabi niya, 'yon talaga ang kailangan.

"Feeling ko talaga maayos siya. Mula no'ng umupo siya, parang nawalan ng power lahat. Parang ginawa niyang pantay-pantay lahat. Ang galing. So, parang all of a sudden lahat tayo pare-pareho.

"Kumbaga, nakita ko 'yong mga ginagawa niya, nagulat talaga ako. It started doon sa SONA [State of the Nation Address], kinilabutan talaga ako. Tama 'yong ginagawa niya. Nanggaling siya sa bahay niya, bumukas 'yong gate...ganun kasimple lang. And tinutuloy-tuloy niya up to now, which is nice."

Pero sakali raw na siya'y bigyan ng offer para kahit anong posisyon, kahit hanga siya kay PNoy, tatanggihan niya ito ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tagasubaybay na lang ako. Di na lang ako magbibigay ng sakit sa ulo sa kanyang administrasyon," sabi ni Aga.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi minsan pag dini-diyos na ng tao ang pera, nawawala na ang kaligayahan nila, papalpak na lahat. Parang nalilimutan nila na hindi naman pera ang magpapasaya sa kanila," says Aga Muhlach.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results