Chokoleit on Cristy Fermin's threat to sue him: "She who will go to court should do so with clean hands."

"I don't go overboard by saying na pine-personal kita or what, hindi ba? I'm just playing your game. Walang personalan ito at trabaho lang. Kaya lamang, minsan ay namemersonal na. Pero, let's hope for the... Kumbaga, ayaw ko 'yong may ganito. Sino ba naman ang gustong may ganito?" explains Chokoleit about his twits on his Twitter account.


Kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Chokoleit hinggil sa balak na pagdedemanda sa kanya ni Cristy Fermin. Bukas, August 31, nakatakdang isampa ni Cristy ang kasong "unjust vexation" at "libel" laban sa stand-up comedian dahil sa pagmumura diumano nito sa kanya sa Twitter.

Sa premiere ng Tarima noong Sabado, August 28, sa Cultural Center of the Philippines (CCP), sinabi ni Chokoleit na "napuno" na siya kaya nag-Tweet siya ng mga ganoon tungkol sa batikang entertainment columnist. Pero alam daw niya ang kanyang ginagawa at nakahanda siya sa anumang mangyayari.

Sabi niya, "Kasi, hindi naman ako tanga, hindi naman ako bobo. I'm very responsible, I know the repercussions. Kumbaga, e, bago ko ipinost yun, pinag-isipan ko namang mabuti, ano? Not just for anything else na basta galit nang galit lang.

"Kasi for the longest time, nanahimik naman ako. Pero I think, human nature na pag nabuwisit na, 'E, sandali muna,' konting pitik, konting ano... Yeah, it's more territory, sabi nga ng trabaho. Pero kung sumosobra ka na sa teritoryo ko, teka muna, umaalma rin ako nang konti."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pinagsimulan ng kanilang gusot ay dahil diumano sa pagtirang ginagawa ni Cristy sa kaibigan ni Chokoleit na si Pokwang, at maging sa kanya. Tila ba napuno na siya?

"Yes, pero hindi lang naman dahil kay Pokwang iyon, e," paglilinaw ni Chokoleit. "Aside from that, masakit 'yon dahil friend ko 'yon. Ako rin naman, e, napipitik din ako. Kahit pa sabihing blind item 'yon, tatanungin mo: 'O sige nga, kung blind item 'yan, pangalanan mo nga?'

"Playfully, alam mo na nga na ako ang tinutukoy, e. Kumbaga, nabuwisit na rin ako, kasi I have also my family naman to protect. Na para bagang...mabuti kung ako lang.

"So, ganoon lang naman 'yon e. At saka... I don't go overboard by saying na pine-personal kita or what, hindi ba? I'm just playing your game. Walang personalan ito at trabaho lang. Kaya lamang, minsan ay namemersonal na. Pero, let's hope for the... Kumbaga, ayaw ko 'yong may ganito. Sino ba naman ang gustong may ganito?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwede pa kayang maayos ito?

"Hihintayin na lang natin, kasi hindi pa naman ako... I won't assume na may ganoong mangyayari... Depende kasi, there will be a proper forum to discuss about it. Nakahanda rin naman ako kung sa tingin ko ay kailangan ko ring mag-counter [file]. May lawyer din naman ako na nagre-review sa mga nagaganap.

"So, ang masasabi ko lang siguro... She who will go to court should do so with clean hands," pahayag ni Chokoleit.

Seryoso ba siya sa kanyang mga twit o biro-biro lang iyon na parang nasa comedy bar lang siya?

"Iyong twit na, e, talo pikon, di ba?" sagot niya. "Kumbaga, kung ikaw...may karapatan din ako. Siguro hindi lang nila matanggap na may medium of communication na ngayon na yung Net ay powerful na. But I do it with ano, e, I do it in jest.

"Like kung blind item man ang ginagawa niya, ako naman, I do it like, na parang, I don't really mention her [Cristy] name in the right spelling. Well, I'm sorry for that, parang ganoon. You know, di ba? Parang comedy bar lang. You can check, i-check n'yo yung account ko [chOkOLeit2010]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung mapapag-usapan naman daw ang gusot na ito ay okay din kay Chokoleit.

"Oo, parang ang dami-dami kasing dapat asikasuhin ano, iyan pa ba? Dyusko, our country is at stake, iyan pa ba ang uunahin natin? Diyos ko!" sambit ni Chokoleit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN