Keanna Reeves admits falling for a gay actor

"Na-experience ko na rin na ma-in love sa isang gay sa totoong buhay. Pero hindi naman siya yung gay na mas makapal pa yung foundation kesa sa akin. Ano naman siya...yung paminta—pamintang durog!" says Keanna Reeves.


Kasama ang komedyanang si Keanna Reeves sa Hapi Together, ang bagong sitcom ng TV5 na mapapanood every Tuesday, 8 p.m. Sa September 7 na ang pilot episode nito.

Gumaganap si Keanna rito bilang asawa ng isang bading na ginagampanan naman ng director-comedian na si Soxie Topacio. Posible rin kayang ma-in love si Keanna sa isang bading sa totoong buhay?

"Na-experience ko na rin na ma-in love sa isang gay sa totoong buhay. Pero hindi naman siya yung gay na mas makapal pa yung foundation kesa sa akin. Ano naman siya...yung paminta—pamintang durog!" tawa ni Keanna, na ang ibig niyang sabihin ay isang lalaki na nagpapakalalaki lang

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Keanna kaninang hapon, September 1, sa presscon ng Hapi Together na ginanap sa Max's restaurant sa Roces Ave., Quezon City.

CRUSH TURNED BEST FRIEND. Si Toffee Calma ba ang tinutukoy ni Keanna? Napabalita kasi na nagkaroon sila ng relasyon noon ng dating sexy actor.

"Oo," pag-amin naman ni Keanna. "Di ba, nag-a-out na siya ngayon? Ang alam ng lahat dati, lalaki talaga siya."

Kuwento niya, "Naging magkaibigan kami paglabas ko ng Pinoy Big Brother noong 2006. Isang barkada lang kami, gumigimik kami. Tapos, natutuwa ako pag nakikita ko siya kasi crush ko siya noon. Di ba, kasikatan ng bold films noon? Siyempre, ang kinis-kinis ng lola mo. Sinabi ko sa barkada ko na crush ko siya. Tapos sabi ng barkada ko, 'Ano ka ba, bakla 'yan!' Parang hindi ako makapaniwala. Sabi ko, 'Hindi! Hindi bakla 'yan,' ganun-ganun."

Paano sila naging close ni Toffee?

"Meron siyang boylet noon na ang guwapo rin, tapos nagseselos yun sa akin," sabi niya. "Kasi, parang ako yung nagiging best friend niya. Tapos, pinapili siya nung boylet niya: 'Sino ba yung mas gusto mo sa aming dalawa ni Keanna? Kasi ayokong nandiyan 'yan sa relasyon natin. Ayoko sa babaeng 'yan, kasi malandi 'yan!' Galit sa akin yung boylet niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayaw naman ni Toffee na papipiliin siya. Kasi, iba naman yung level ng friendship namin, iba naman yung sa boylet niya. Iniwan niya yung boylet niya, pero sobrang iyak nang iyak siya. Tapos nung naging brokenhearted siya, parang sa akin siya laging tumatakbo."

Nagkaroon ba sila ng short-lived relationship?

"Parang ganoon," sagot ni Keanna. "Sabi niya, gusto niya raw ako kasi natatanggap ko raw siya kahit gay siya,"

Natatawang inamin din ng comedienne na nagkaroon sila ng sexual relationship ni Toffee.

Gaano katagal ang naging relasyon nila ni Toffee?

"Siguro mga a month lang. Pero best friend kami until now. Sabi nga niya, sana raw ay maging best friend kami forever," sagot ni Keanna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN