Raymart Santiago breaks his silence, defends wife Claudine Barretto

"Ikinalulungkot ko ang mga paninirang tsismis tungkol sa kanya... Sana po ay tigilan na ang mga kathang-isip na mga ito, alang-alang sa aming dalawang anak..." says Raymart Santiago about the "paninirang tsismis" on his wife Claudine Barretto.


Ipinagtanggol ni Raymart Santiago ang asawang si Claudine Barretto sa gitna ng isyung kinasasangkutan nito. Ito ay may kaugnayan sa umiinit na away sa pagitan ni Claudine at ng young actress na si Angelica Panganiban.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Raymart pagkatapos ng mga pahayag ng halos lahat ng may kinalaman sa isyu—ang asawa niyang si Claudine, ang manager ni Angelica na si Johnny Manahan ng Star Magic, ang kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto, at ang misis ng sinasabing ka-affair daw ni Claudine na si Martin Castro.

Ang mga pahayag ng lahat ng nabanggit ay unang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon sa statement na ipinadala ni Raymart sa GMA News ngayong gabi, September 3, hindi pa man daw lumalabas ang balita tungkol diumano sa affair nina Claudine at Martin ay tumawag na sa kanya si Martin upang sabihin na "walang katotohanan ang lalabas na tsismis." Sinabi pa raw ni Martin kay Raymart na hindi niya ito magagawa sa kanya.

Sabi pa ni Raymart, nagkausap na rin sila nina Martin at Derek, ang kasintahan ni Angelica, at napag-usapan nilang ayusin na lang nila ang isyu "nang mahinahon."

Binasag daw ni Raymart ang kanyang katahimikan upang "suportahan at proteksyunan" si Claudine. Nakiusap din ang aktor na tigilan na ang mga "kathang-isip" na paninira laban sa kanyang asawa alang-alang sa dalawa nilang anak.

Sa huli ay sinabi ni Raymart na "mahal na mahal" niya sa Claudine.

Narito ang kabuuang pahayag ni Raymart sa GMA News:

"Noon pa mang di pa lumalabas ang balita ay tumawag na mismo si Martin... Siya ang nagsabi na walang katotohanan ang lalabas na tsismis. Sabi niya, 'Pare, hindi ko magagawa sa iyo 'yan. Kilala mo naman ako.'

"Pagkatapos nito ay nagkausap pa kami nina Martin at Derek, at napag-usapan namin na ayusin na lamang ito nang mahinahon, dahil ito ay simpleng away ng mga magkaibigan na parang magkapatid kung magturingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinakailangan ko na pong magsalita para suportahan at proteksyunan si Claudine. Ikinalulungkot ko ang mga paninirang tsismis tungkol sa kanya... Sana po ay tigilan na ang mga kathang-isip na mga ito, alang-alang sa aming dalawang anak...

"Mahal na mahal ko po si Claudine. Sana po ay patuloy din po ang pagsuporta at pagtangkilik ninyo sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN