Angel Locsin on Luis Manzano: "Kung maging kami, okay, pero kung di naman, at least naging magkaibigan kami."

"Walang-walang nakakaalam kung bakit kami nag-break, tapos na yun. Pero siyempre, pag ganung breakup, may pagka-bitter-bitter ka rin talaga, di ba? Di ako magpapaka-plastic—medyo nawala na yun," said the actress on her thawed relations with ex-boyfriend Luis Manzano, who's trying to win her back.


Sa kabila ng pagkaka-link kay Angel Locsin sa CNN Hero na si Efren Peñaflorida at sa lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, consistent ang aktres sa pagsasabing pagkakaibigan lamang ang namamagitan sa kanya at sa mga ito.

Unti-unti ring namatay ang isyu tungkol sa pagpapalitan daw ng sweet messages nina Angel at ang ex-boyfriend na si Luis Manzano sa kanilang mga Twitter accounts.

SOFTENED STANCE. When PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Angel noong press visit sa Imortal set last week, kinumpirma ng aktres na matapos makipag-break kay Luis ay hindi pa siya muling nag-e-entertain ng suitors. Pero di niya ikinaila na hindi pa rin nawawala ang espesyal na nararamdaman niya para sa ex-boyfriend.

"Wala naman akong ibang dineyt, di ba? Di ko alam sa kanya, hahaha! Sa akin naman kasi, kung may nilabas man siya o wala, wala na ako dun kasi wala na naman kami. Gusto ko rin naman na maging masaya siya. Naging usapan namin yun dati. Sabi ko sa kanya, "Labas ka sa ibang tao, baka makita mo yung happiness mo dun.' Siyempre, mahal ko si Luis, gusto ko siyang maging masaya. Ewan ko nga kung bakit napunta siya sa akin uli.

"Di ko naman ito pinili, ayoko lang magsayang ng oras. Kung wala ka namang nakitang spark, first time mo pa lang nakita, bakit mo naman sasayangin ang oras ko at ang oras niya? Ayoko kasi mang-trip ng tao, parang date-date lang. Puwede akong makipagkaibigan pero ayokong magpaasa."

Tinanong namin si Angel kung ano ba ang ginawa ng ex para lumambot uli ang loob niya.

"Sa akin kasi, di importante ang mga malalaking bagay or big suprises. Kung ano ang maliliit, yun ang nagma-matter sa akin. Yung maliliit kasi na yun, pag nag-ipon-ipon, lumalaki. Pero siyempre... 25 na ako, ayokong lokohin ang sarili ko, 'Heto na yung guy!' Kailangan ko rin namang pakiramdaman ang lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari. Kung maging kami, okay, pero kung hindi naman, at least naging magkaibigan kami."

SWEET TWEETS. Nalaman sa pagpapalitan nila ng messages sa Twitter na lumabas na pala silang dalawa, pero kasama ang mga kaibigan nila.

"Oo, lumalabas na kami, I won't deny that. Di naman siyempre naging ganun kadali sa akin yun, di ba? Lalo na iba ang iniisip ng tao sa amin. Walang-walang nakakaalam kung bakit kami nag-break. Ayoko na ring pag-usapan yun, tapos na yun. Pero siyempre, pag ganung breakup, kahit sabihin mong may pakialam ka sa isang tao o mahal mo, siyempre may pagkabitter-bitter ka rin talaga, di ba? Di ako magpapaka-plastic—medyo nawala na yun. Wala nang babalikang mga issues, di na namin pinag-uusapan yung mga dati.

"Sobrang na-miss ko yung mga friends niya kasi napamahal sa akin ang mga yun, sobrang close sa akin ang barkada niya. Nag-dinner kami minsan kasama ang mga friends niya, natuwa ako, sobrang happy ako.

"Ang sa akin lang, pag nagkikita kami, napapangiti ako. Pero ayoko pa ring magsalita nang tapos kasi mahirap. Basta ngayon, I'm happy kung anuman ang sitwasyon namin. Kung kami naman, aaminin ko. Pero sa ngayon, dito na muna ako, steady lang, relax lang."

Sa magandang nangyayaring ito kina Luis at Angel, tiyak daw na isa sa sobrang matutuwa ay si Gov. Vilma Santos na botong-boto sa aktres para sa anak.

INTRIGUING SEQUEL TO LOBO. Abala ngayon sa taping ng Imortal si Angel, kunsaan kasama niya si John Lloyd Cruz. Ayon sa aktres, dapat abangan ng publiko itong fantaserye dahil kahit sequel ito ng Lobo (2008) ay kakaiba daw ito.

"Ako dito si Liya Ortega, anak ako dito nila Lyka at Noah. Continuation ito ng Lobo pero kung akala n'yo alam na ninyo ang istorya kung nasubaybayan ninyo ito before, magugulat kayo kasi bago ang ipapakita namin sa inyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May pressure kung sa may pressure, di naman mawawala yun sa kung ano ang proyekto na ginagawa natin, lalo na kung may malalim kang malasakit dito. Pero siyempre, mas gusto mo na pagandahin na lang ang trabaho mo, di ka na lang magpapaka-bad vibes. Puro good things na lang ang iisipin mo para positive na lang ang aura pag nagsu-shoot kayo. Minsan kapag may pressure, di mo magagawa nang tama yung ginagawa mo. Di ka na lang masyadong nagpapaapekto."

A combination of drama, suspense, horror, fantasy, love story and action ang Imortal. Ayon kay Angel, hangga't maaari ay siya ang gumagawa ng stunts niya.

"Gusto ko ma-identify talaga sa action, yun ang gusto ko, e. Nung in-ask nga ako ng ABS, sinabi ko na gusto ko talagang mag-action. Kahit mag-fight scene ako ng six ng umaga, okay lang sa akin, and as much as possible ako lang ang gumagawa ng stunts ko. Masama ang loob ko pag pinagdo-double ako. Pero pag, example, kailangang ihagis ako, kailangan ko talagang magpa-double kasi baka mapilayan ako, maging cause of delay pa ako."

ALL PRAISES FOR JOHN LLOYD. First time niyang makatrabaho si John Lloyd Cruz, at saludo siya sa galing sa pag-arte at pagiging professional ng kapareha.

"Nakakatuwa si John Lloyd kasi tahimik lang siya pero pag nagkuwento na, ang daming alam, so ang dami kong nakukuha sa kanya. Tuwing may eksena kami, looking forward talaga ako kasi kunwari [habang nagse-setup], nag-o-open up sa akin 'yan, marami kang malalaman sa kanya na bago...

"Nakita ko kung paano siya nagpe-prepare sa eksena, kaya pala ang galing niya, kasi iba ang dedication niya sa career niya. Pag pupunta siya ng set, memorize na niya ang script niya, napaka-professional. Pag tinawag 'yan, tatayo agad 'yan kahit bagong gising at alam niya ang gagawin niya.

"Nagkukuwento siya sa akin kung gaano siya ka-attached sa family niya, kasama niya pa rin ang mga ito sa bahay. Kinukuwento niya sa akin ang bagong bahay niya, mga investments, mga gusto niyang mangyari. Marami pa akong nadi-discover sa kanya kaya nga looking forward talaga ako every time na katrabaho ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN