Jay-R and Kyla sign Indonesian recording contracts

R&B singers and Party Pilipinas hosts Kyla and Jay-R (second and fourth from left) recently launched their international recording careers with a three-year deal with an Indonesian company. Aside from having a wider release for their albums, they'll be recording Bahasa versions of some of their hit songs as well as singing duets with Indonesia's R&B and pop stars.

In photo, from left to right: Mr. Ramon Chuaying of PolyEast an


Kasalukuyang nasa Jakarta, Indonesia ang R&B sensations at Party Pilipinas hosts na sina Jay-R at Kyla.

Ito ay para sa pagpirma ng kanilang recording contract with an Indonesian music company, kaya masasabing certified recording artists sa Southeast Asia ang dalawang talents ni Arnold L. Vegafria. Last September 2 lumipad sina Jay-R, Kyla at Arnold para sa contract signing with Tarra Group Indonesia, with its president Mr. Wirawan Hartawan.

Nandoon din sa signing si Mr. Ramon Chuaying, ang president ng PolyEast Records at Universal Records Philippines. Dito sa Pilipinas, si Kyla ay exclusive recording artist ng PolyEast, samantalang under UR naman si Jay-R.

BAHASA VERSIONS. Bago sila pumunta ng Jakarta ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Arnold sa kanyang opisina sa Taipan Place, Ortigas Center, Pasig City.

"Jay-R's new album, yung Soul In Love, ay magkakaroon ng launching in Indonesia, and si Kyla, yung album niya. Kaya I'm so happy and proud of them," masayang bungad ni Arnold.

Na-release na dito sa Philippines ang separate albums nila, "pero may ka-duet na silang Indonesian this time. Yun ang bago. And sa album, nakalagay doon ang isang duet with pop and R&B stars ng Indonesia. Separate sila.

"It's under Universal Records dito, pero yung recording doon is, of course, isang Indonesian recording company."

First time na magkakaroon sina Kyla and Jay-R ng releases sa labas ng bansa. "Southeast Asia, to be specific," sabi ni Arnold.

Ayon sa talent manager, ang kanyang kumpanya, ang ALV Talent Circuit, along with Universal Records and Polyeast Records, ang nag-negotiate ng contracts para kina Jay-R and Kyla, sa pamamagitan ng kanilang agents sa Southeast Asia, partikular na sa Indonesia at Malaysia.

Anong deal nila with Tarra Group Indonesia?

"Yung contract with the recording company is three years. Then, my agent there in Indonesia and in Malaysia, they're working it out. I have a contract with an agency in Indonesia and Malaysia. In Southeast Asia. And at the same time, we have a contract with the recording company, which Universal Records is the one who got the deal," sabi ni Arnold.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento rin niya, "They will shoot an MTV also in Indonesia for their albums. Five to six days ang stay nila doon. That's the launch of their albums, TV guestings, MTV shoots, and then recording.

"But the recording of the Indonesian talent is in Bahasa, hindi English, hindi Filipino, but in Bahasa, that's the language of Indonesia... So, kakanta sila ng Bahasa [songs]...

"Yung Bakit Pa Ba ni Jay-R, magiging Bahasa... Kyla, nag-record na siya ng isang hit song from Indonesia... Si Kyla, nag-record na noon ng isang duet before, part lang siya ng isang album..."

Naunang naipadala ng UR sa Indonesia ang isa pa nilang contract artist na si Christian Bautista. Maganda ang naging resulta para kay Christian at tinuturing na malaking break din ito para kina Jay-R at Kyla. "Malaki!" nakangiting sang-ayon ni Arnold.

BILLY CRAWFORD'S NEW SHOW. Ilan na rin ang international talents ng ALV. Isa na rito ang dating child star na si Billy Crawford na sumikat sa Europa at iba pang bansa bago nagdesisyong magbalik-Pilipinas a few years back. Ang TV career naman niya ay alaga ng ABS-CBN, kunsaan siya nakakontrata.

Kuwento ni Arnold, "Si Billy, sa Europe naman magre-release next year. Ngayon, tinatapos pa ni Billy yung kanyang songs. Tinatapos niya for Europe... yung nire-record, imi-mix sa Europe. It's a brand new album. Next year na ito, January 2011... May concert tour rin."

Ito ay bukod pa sa upcoming concert ni Billy para sa silver anniversary niya in showbiz. Pinamagatang 25 B.C., gaganapin ito sa Music Museum sa Sept 11, 18 at 25.

Dagdag pa ni Arnold, "He's hosting a game show, yung Panahon Ko 'To! and he's doing another one. Magdya-judge siya ng isang reality show na talent search. Regular judge naman this time. He's not a host."

Hindi pa man kinukumpirma ni Arnold kung ano ang show na ito, ayon sa ilang unconfirmed reports, ito ay ang reality-singing contest na iho-host ni Megastar Sharon Cuneta na papalit sa magtatapos niyang Sharon sa Kapamilya Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa naman niyang alaga, si Iya Villania, ay magpe-perform sa Meralco Theater para sa stage version ng The Wedding Singer. Ito ay base sa Broadway version ng pelikulang The Wedding Singer nina Adam Sandler and Drew Barrymore at ang role ni Drew dito ang gagampanan ni Iya. Ipalalabas ito sa October.

PINOY SINGING CHAMP IN AUSTRIA. Bukod sa mga nabanggit nang artista, mina-manage din ni Arnold sina Carla Abellana, Jessa Zaragoza, Baron Geisler, Denise Laurel, John Prats, Patrick Garcia, Geneva Cruz, Nikki Gil, Cesca Litton, at iba pa.

At ngayon ay very proud niyang ibinalita na may bago na naman siyang artist, si Vincent Bueno na nagwagi bilang grand winner ng Musical! Die Show sa bansang Austria. Ang Austrian singing competition [na ang ibig sabihin ng titulo in German ay "Musical! The Show"]ay nilahukan ng 400-plus singers na tinalo lahat ni Bueno.

Ayon kay Arnold, nakakuha siya ng inquiry mula sa grupo ni Bueno at mabilis nangyari ang negosasyon upang maging official artist na niya ang nasabing new singing sensation ng Europa.

Sa Kapamilya shows na mapapanood si Bueno, partikular sa ASAP XV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN