Gigger Boy Arron Villaflor stars in Kapampangan comedy Astro Mayabang

Astro Mayabang is all about taking pride in oneself as a Filipino. In the title role, Arron Villaflor takes Filipino-American Dawn, played by Megan Young (inset), on a journey to her Pinoy roots.


Ilang shooting days na lang at matatapos na ang Kapampangan comedy film na Astro Mayabang. Ang bida sa pelikulang ito ay ang Star Circle Quest Season 2 runner-up at member ng Gigger Boys na si Arron Villaflor.

Sa pelikulang ito ay ipinakita ni Arron na isa na siyang mature actor at hindi na ang pakyut na newcomer noong lumalaban pa siya sa SCQ. Marami nga ang ginulat ni Arron dahil sa bumagay sa kanya ang title role bilang si Astro Mayabang.

Makakasama rito ni Arron ang dating StarStruck II Avenger-turned-Star Magic talent na si Megan Young. Gagampanan ni Megan ang papel na Dawn, ang love interest ni Astro.

Dahil mature ang roles nila dito, pumayag sina Arron at Megan na gawin ang isang simpleng love scene na kukunan pa lang sa isang magandang lugar sa Angeles City.

Kasama rin sa Astro Mayabang si John "Sweet" Lapus bilang si Mama Suk. Parang reunion movie ito ng dalawa dahil gumanap si Sweet bilang gay father ni Arron sa box-office hit na Mamarazzi.

Dito sa Astro ay gaganap naman si Sweet bilang isang religious fanatic, pero may pagnanasa sa mga flagellants, ang mga lalaking nagpepenitensiya tuwing Semana Santa.

WEIRD COUSIN. Kasali rin sa cast ang Pinoy Big Brother: Double Up Housemate na si Hermes Bautista bilang si Raffy, ang may-ari ng isang tindahan, kunsaan bumibili si Astro ng kanyang mga Pinoy pride paraphernalia.

Laking San Fernando, Pampanga si Hermes at nakapagtapos ito ng high school sa Chevalier School, kaya walang problemang i-deliver niya ang mga dialogue na Kapampangan.

Nasa cast din si Marco Morales bilang si Iggy, ang pinsan ni Dawn na may pagnanasa sa mismong pinsan niya. Dito magkakaroon ng malaking conflict sa pagitan nila ni Astro na handang ipagtanggol si Dawn sa weird na pinsan.

Ang kuwento ng Astro Mayabang ay tungkol sa isang binata na ginawang personal mission ang i-promote ang Filipino pride sa pagbili at paggamit ng Filipino pride-themed clothes and accessories.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makikilala niya si Dawn, isang Filipino-American girl na gustong malaman ang kanyang Filipino roots. Mapapatunayan ni Astro kung gaano siya ka-proud bilang isang Pinoy habang ipinapakilala kay Dawn ang kanyang pinanggalingan.

Mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana (Ang Alamat Ng Happy Horse), kasali ang Astro Mayabang sa Cinema One Originals 2010, na may awarding ceremony sa Nobyembre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN