Gerald Anderson finally breaks silence on rumored breakup with Kim Chiu

"I will always care for her. Someone that special, someone that fragile, sweet... Ang sarap alagaan dahil aalagaan ka rin niya. Kung ano yung ibibigay mo sa kanya, minsan doble pa yung ibabalik niya sa iyo... [She] will always be a part of my life," says Gerald Anderson about Kim Chiu.


Naging mainit na usap-usapan ang tungkol sa diumano'y pagbi-break nina Gerald Anderson at Kim Chiu, kahit na nga hindi pa umaamin ang magka-loveteam na naging magkarelasyon nga sila.

Sa mahabang panahon, walang narinig na paliwanag mula kina Gerald at Kim tungkol sa isyung ito. May lumabas pa ngang balita na diumano'y umiwas ang dalawa na ma-interview nang one-on-one ng mga press sa isang product launch na dinaluhan nila kung saan sila mga endorser.

SPECIAL RELATIONSHIP. Finally, binasag na ni Gerald ang kanyang pananahimik at nagpa-interview kay Boy Abunda, na ipinalabas sa The Buzz kahapon, September 5. Dito ay isa-isang sinagot ni Gerald ang mga intriga sa kanila ni Kim.

Una munang tinanong ni Boy ay kung ano ba ang namagitan o namamagitan sa kanila ni Kim?

"Sa amin ni Kim Chiu, wow...paano ko ba sasabihin ito? Tito Boy, sa simula pa lang ng career ko, I was always open and vocal ako sa nararamdaman ko para kay Kim. Opo, nagkaroon po kami ng isang special relationship. We cared for each other. We were there for each other.

"Nagkaroon ba kami ng commitment? Hindi po. Hindi po kami boyfriend-girlfriend, but we had a special relationship," rebelasyon ni Gerald.

CAREER OVER LOVELIFE. Inamin ni Gerald na pareho nilang pinili ni Kim na mag-concentrate sa kanilang careers, at ang naging kapalit ay ang itinuring ni Gerald na special relationship.

"Na-realize namin na ang priority namin ngayon is our careers. Trabaho po namin."

Inamin niyang nakaramdam sila ng pressure dala ng malaking expectation ng mga tao sa Kimerald loveteam.

"Na-realize namin na bata pa kami. I'm only 21, si Kim 20. Pero tingin ng iba sa amin, para kaming mag-asawa na. Sabi namin, 'Ha? Sandali lang, sandali lang.' Ang dami pa namin gustong ma-explore, ma-discover, ma-experience na kami lang. Para sa personal life namin, para mag-grow kami. Lahat on TV and behind the camera," paliwanag ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ISSUES ON SEPARATION. Ipinagtanggol naman ni Gerald si Kim sa issue na dahil sa diumano'y breakup nila ay sinaktan daw ni Kim ang kanyang sarili o nag-attempt itong mag-suicide.

"Kilala ko po si Kim. Kayo po, yung mga viewers, mga fans, yung mga audience, kapag napanood n'yo si Kim sa isang interview, nakikita nila isa siyang masayahing tao. Isa siyang bubbly person. Hindi magagawa ni Kim yun [saktan ang sarili]. She has so much to look forward to. Maraming nagmamahal sa kanya. And mahal niya ang mga kaibigan niya. Mahal niya ang career niya. Mahal niya ang pamilya niya. She loves herself."

Ano naman ang comment niya na dahil sa diumano'y paghihiwalay nila ay hindi na sila magsasama sa trabaho ni Kim?

"Imposible yun. Tito Boy, four years po kami," sagot ni Gerald. "'Eto po kami [pinagtabi ni Gerald ang kanyang dalawang kamay bilang simbolo ng kanilang closeness]. Four years po kaming magka-loveteam. Sa mga fans, sobrang faithful po kami sa lahat. Sabihin natin in the future may mga projects kami na hindi kami magkasama. But hindi po ibig sabihin na hindi na kami magsasama."

Sa katunayan nga raw ay mayroon silang pagsasamahang pelikula.

"Mayroon po kaming gagawin na Star Cinema movie. Ikinuwento na po sa amin. Sobra kaming excited ni Kim. It's very different, kakaiba siya. And ang director namin si Direk Lauren [Dyogi]. We're very excited."

Nag-react din si Gerald sa isyung kung sakaling maghiwalay sila ni Kim, diumano'y ang susuportahan ng ilang mga fans ay si Kim lang at hindi siya.

"Nung narinig ko yun, siyempre po nabigla ako. But, ako po, hindi po nagbago ang tingin ko sa kanila. Kung hindi po dahil sa kanila, wala ako dito ngayon."

KIM WILL ALWAYS BE A PART OF HIS LIFE. Sa kabila ng matagal nang pinag-uusapan na nag-break up sila ni Kim, bakit ngayon lang siya nagsasalita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko ganito. Siyempre, nung nagsimula yung isyu na naghiwalay na daw kami ni Kim, paulit-ulit nga naming sinasabi na hindi nga po. Always po in our interviews. Ngayon po, medyo lumaki na yung issue. I said, gusto ko itong interview na ito para straight to the point," saad ni Gerald.

Muling nagpasalamat si Gerald sa mga fans nila ni Kim.

"Marami pong salamat. Wala akong bahay, wala akong career, wala akong kotse, kung hindi po dahil sa inyo. Sa lahat ng support na ibinigay n'yo sa akin, sa amin sa loveteam, marami pong salamat. And until my career finishes, I will always be thankful sa inyong lahat."

Puso sa puso, does he still love Kim?

"Of course," mabilis na sagot ni Gerald. "I will always care for her. Someone that special, someone that fragile, sweet. Para siyang isang Chinese angel. Ang sarap alagaan dahil aalagaan ka rin niya. Kung ano yung ibibigay mo sa kanya, minsan doble pa yung ibabalik niya sa iyo. Tulad ng sinabi ko dati, she will always be a part of my life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN