Soxie Topacio still gets meaty projects as actor-director after four decades in showbiz

"Ang kabataan lang ang nawawala, pero ang talent, nandiyan pa rin. Tingnan n'yo naman ang veteran actors natin like Dolphy, Gloria Romero, Eddie Garcia, Nova Villa, Leo Martinez, at marami pang iba, nananatili ang talents nila. It never fades. Puwedeng magpahinga ka lang, pero hindi mawawala 'yon," says actor-director Soxie Topacio.


Nagpapasalamat ang actor-director na si Soxie Topacio dahil nananatili pa rin siyang active sa TV, pelikula, at maging pagkalipas ng apat na dekada.

Hindi nga makapaniwala si Soxie na sa edad niya ay nabibigyan pa siya ng projects, lalo na sa TV at pelikula, kahit marami nang mga bagong artista na nagsisidatingan.

"Ang kabataan lang ang nawawala, pero ang talent, nandiyan pa rin. Tingnan n'yo naman ang veteran actors natin like Dolphy, Gloria Romero, Eddie Garcia, Nova Villa, Leo Martinez, at marami pang iba, nananatili ang talents nila. It never fades. Puwedeng magpahinga ka lang, pero hindi mawawala 'yon," sabi ni Direk Soxie sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong sitcom ng TV5 na Hapi Together.

ROOTS IN PETA. Mahigit sa apat na dekada na nga sa show business si Socrates Hernandez Topacio, o mas kilala sa stage at screen name niyang Soxie Topacio. Nagsimula siya bilang theater, screen, and TV actor. Naging production designer, set decorator, art director, at kung anu-ano pang trabaho sa set ang pinagdaanan ni Soxie.

"'Yan kasi ang natutunan namin sa PETA [Philippine Educational Theater Association] kunsaan naging resident artist ako since 1969. Lahat ng trabaho, kailangan mong matutunang gawin.

"Kasi minsan, may isang director na kukuha ng talents from PETA, like sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Maryo J. de los Reyes... At the same time, part ka na rin ng crew nila. Kumbaga, hindi ka lang artista doon. Kaya ako, pinag-aralan ko lahat. Dagdag din sa kaalaman mo 'yan in the future," kuwento ni Soxie sa PEP.

Bagamat very open sa kanyang sexual orientation si Soxie, gumanap na rin siya ng straight roles sa theater at pelikula.

"Sa theater kasi at sa movies, minsan lalake ang role ko. Totoo 'yan!" sambit niya. "Minsan kasi pinaglalaruan ako ng mga director. Alam nilang screaming gay ako kaya gusto nila sa movies ay iba naman. Maging lalake naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sa movies na Burgis, Tatlong Taong Walang Diyos, Nakawin ang Araw sa Mundong Makasalanan, Dodong Diamond, Blue Jeans, at iba pa, nagpapakalalake talaga. Naku, mahirap!

"But because I'm doing it for these directors," patuloy niya, "okey lang at ilalabas ko na lang ang makakaya ko. But now, puro gay roles na ang ginagawa ko sa movies. Hindi na raw bagay sa akin ang maging lalake. Nakakatawa na raw kasing tingnan!"

ALL- OUT GAY ROLES. Sa TV, inilabas ni Soxie ang kanyang pagiging all-out gay sa dalawang hit sitcoms noong '80s—Duplex at It's A Deal.

"Pagdating naman sa TV, doon ako nagwawala," sabi niya. "Lalo na sa Duplex [starring Marissa Delgado and the late Ading Fernando], doon ako all-out na gay. As in, kung anu-anong lengguwahe ang lumalabas sa bibig ko. Kaya naging hit yung sitcom na 'yon noon.

"Then came It's A Deal with Alma Moreno and Michael de Mesa. They played a married couple, pero closet gay si Michael. Atribidang bading ako doon na binubuking ko ang pagkabakla ni Michael. Even before naisip nila ang U.S. sitcom na Will & Grace, nauna na tayo with It's A Deal. Naka-one year din ang show na 'yon sa RPN-9," pagbabalik-tanaw ni Soxie.

DIREK SOXIE. Ang pagiging director naman ni Soxie ay nagsimula noong 1977. Since then, marami na siyang TV dramas at kung anu-anong TV shows na idinirek, mostly sa bakuran ng GMA-7 at QTV 11. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: Kung Mawawala Ka, Marinara, Nuts Entertainment, Family Zoo, Takeshi's Castle, Daboy En Da Girl, Ikaw Lang ang Mamahalin, Impostora, Atlantika, at Joey's Quirky World.

Sa movies naman ay apat pa lang ang kanyang naidirek: Ikaw Na Sana, Ocho, Reyna, at ang Philippines entry sa Best Foreign Language category ng Academy Awards this year na Ded Na Si Lolo (Grandpa Is Dead).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Very proud si Direk Soxie sa maliit na pelikulang ginawa nilang 'yon, pero naging malaki ito sa paningin ng maraming Pinoy.

Aniya, "Of course, we had high hopes for Ded Na Si Lolo noong piliin ito para maging entry natin for the Best Foreign Language category sa Oscars. Alam namin na we were up against some bigger films, pero kami ang napili.

"Alam namin na suntok sa buwan, pero we tried our best to really campaign for it. But then, malalaki pa rin ang mga kalaban mong pelikula. Iba ang makinarya nila sa ibang bansa. Iba ang suporta na bigay ng gobyerno nila.

"Tayo naman, matuwa na lang tayo at may napapadala tayong entry. Pumasok man ito o hindi, at least we all tried and many agreed na perfect na entry ang Ded Na Si Lolo because of the local color and traditions na mapapanood mo sa pelikula."

Balak gumawa ulit ni Direk Soxie na isang film project na kagaya rin ng Ded Na Si Lolo, at si Roderick Paulate ang kanyang magiging bida.

"Pinag-uusapan pa lang namin 'yon. Nothing is final yet. Busy kasi Dick because he won as councilor sa Quezon City, di ba? Ako naman, I have two shows sa TV5 na ginagawa. Kailangan upuan namin ang film project na 'yan para matuloy.

"The project is at par with Ded Na Si Lolo. Nakakatawa and, at the same time, meron na naman tayong matututunan. Hindi ko lang alam kung kailan ito matutuloy. But I hope that it will be soon," sabi ni Direk Soxie.

ACTING & DIRECTING. Ang dalawang shows na tinutukoy ni Soxie ay ang bagong sitcom na Hapi Together at ang comedy series na My Driver, Sweet Lover.

Sa Hapi Together ay isa sa cast members si Soxie. Gaganap siya bilang mister ni Keanna Reeves na nagngangalang Chavit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As in lalakeng mukhang goon ako rito sa Hapi Together," sabi niya. "Pero may twist ang character ko. Basta panoorin ninyo at matatawa kayo sa pagganap ko bilang lalake."

Sa MyDSL: My Driver, Sweet Lover naman ay isa siya sa mga direktor. Bida rito sina Richard Gomez, JC de Vera, at Dina Bonnevie.

"Kami ni Eric Quizon ang magdidirek ng show," banggit ni Soxie. "It's a comedy series na malaki ang cast kaya excited kami ni Eric na simulan ang show. It will be my first time to direct Goma and Dina kaya iba ito for me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN