Fanny Serrano backs out from guest roles in Magkaribal and Koronang Papel

Beauty guru and part-time actor Fanny Serrano explains his reasons for backing out from two high-profile projects: ABS-CBN's Magkaribal and GMA-7's Koronang Papel.


Fashion designer, beauty stylist and actor Fanny Serrano is turning out to be one of the most sought-after local celebrities.

Sa kasagsagan ng promotion ng indie film na Tarima (Love Nest), na pinagbibidahan TF (Tita Fanny) at idinirek ni Neal Tan, nakatanggap ng offer si TF mula sa ABS-CBN, isang semi-regular appearance sa hit primetime teleseryeng Magkaribal na pinagbibidahan nina Gretchen Barretto at Bea Alonzo.



Initially, gusto ni Fanny ang papel. Pero kabilang sa mga kunsiderasyon ang taping hours at talent fee.

Sa edad ni Fanny, hindi na siya puwedeng magtrabaho beyond midnight. Umokey naman daw ang taga-ABS-CBN. Pero pinag-taping si Fanny the next day the offer was given. Aminado ang beauty guru na kahit papaano ay may "taranta" factor ang offer. Agad daw siyang nag-isip kung para nga ba sa kanya ang offer, considering na mabusisi siya sa mga ayos, kasuotan at kung anu-ano pa.



To make a long story short, hindi nagkaayos sina Fanny at ang ABS-CBN para sa Magkaribal. Recently, naibahagi ng gay celebrity ang details sa isang interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang Quezon City salon.



"Huwag na 'yong talent fee, kapatid," sabi niya. "Alam naman ng Dos ang rate ko dahil naging artista rin nila ako nun sa maraming episodes ng Maalaala Mo Kaya, di ba?

"Siyempre, ilang taon na ang lumipas. Kumbaga, lahat na ng presyo nagtaas din. Pero yung ura-urada akong magte-taping, na hindi ko alam ang wardrobe ko, lahat-lahat...na kulang sa preparasyon, e, parang mahirap. Parang hindi na ako ang in-offer-an, kaya hindi ko na lang tinanggap.



"Good for... Sina Oskar Peralta at dalawa pang [gay actors]...sila na yata ang pumalit sa dapat na role ko. Parang iniba na yung role. Dati, isa lang yung character na ako ang gaganap. Ginawa nilang iba't ibang character na lang.

"At least, naka-focus muna ako sa Tarima, sa events na gagawin bago ang regular theater run nito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A few days bago naganap ang grand premiere ng Tarima sa Cultural Center of the Philippines (CCP), nagkasakit pa si Fanny kaya alalang-alala siya.

Kuwento niya, "I had to cancel my guesting sa Startalk dahil hindi ko talaga kaya. Siguro, after the premiere talaga ang lahat ng ito. Baka maka-attend na ako sa mga hindi ko nasipot na commitments."



ANOTHER REASON TO FEEL EXCITED. As he prepares for another big event, that is the UP-Cine Adarna premiere of Tarima on September 11, Fanny couldn't help but get excited anew. Maaaring nabawasan ang pressure on his part dahil nairaos ang CCP event nang matagumpay, pero ang UP premiere is another thing. For one, may ticket selling na involved sa UP premiere.



Sabi nga ni Fanny sa isa sa mga producers ng pelikula, si Mr. Rey Maclang ng Blue Gold Productions, Inc., "Tulungan tayo dahil hindi ko puwedeng akuin ang pagpuno ng 800-seater na theater."

Patuloy niya, "Okey naman sina ReyMac, naiintindihan nila. Kaya maayos ding napaplano ngayon. Ang regular run ng Tarima, by October na, kasi ayaw din naming mapasabay sa showing ng Muli [another gay indie movie] kung third week of September. Parehong indie, maglalaban sa playdate? Di ba, dapat ang mga indie movies magsuportahan imbes na mag-compete? So, we moved our regular commercial run."

CONCERT TOUR WITH SHARON. Sa gitna ng mga nabanggit na kaabalahan ni Tita Fanny bilang lead actor ng isang indie movie, nakaka-amuse ding malaman na walang pagbabago sa kanya sa punto ng pagiging hairstylist at makeup artist ng Megastar na si Sharon Cuneta.



Kung ano ang pagkakilala namin sa kanya noon, ganito pa rin si Fanny, na isang malapit na kaibigan at "kumare" ng Megastar.



In between Tarima's grand CCP premiere last August 28 and forthcoming UP-Cine Adarna special screening on September 11 ay ang kaabalahan din ni Fanny Serrano sa mga shows ni Sharon. He was there at the last tapings for Sharon, na papalitan ng Star Power, a reality show, sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa week (September 6-10) na naghahanda si Fanny para sa second premiere showing ng sariling movie, text din siya nang text ng kanyang taping schedules with the Megastar.

Malaon na ring naiplano ang gagawing concert tour ni Sharon sa Europe, na kasama si Fanny bilang official hair and makeup artist. Medyo "naloka" raw si TF nang maitala ang kumpletong itinerary nila ni Sharon, sa Europe, as follows:

September 15-22 ang schedule ng European concert tour ni Sharon Cuneta. On Sept. 15, Sharon and Fanny are bound for Zurich, Switzerland, at magkakaroon ng "meet-and-greet" with the fans kinabukasan, on the 16th.

September 17 will be a free day for them. On Sept. 18, it's showtime at the Schutzenhaus Albisgutli venue. After the show will be a land trip to Monaco, in Southern France.

September 19 will be showtime at the Rainier 111 Auditorium. September 20 will be another free day, and on September 21, they will leave Monaco. Sa September 22 ang alis nila sa Europe pabalik ng Maynila.



"Grabe! Isang linggong pag-ibig lang pala ang aming concert tour sa Europe!" biro ni Fanny. "Kakalokang trip naman pala 'yon! We've got to be back in time for the launching of Sharon's new reality show, Star Power, at the Kapamilya channel. E, saan pa ba? Then, continue uli our European concert tour next year na sasabayan na namin ng tour sa buong Europe, as our mega family vacation with Mareng Sharon."



VIVA MOVIE AND "PICA" EVENT. Unlike Sharon, na malaon nang hindi gumagawa ng pelikula sa Viva Films, si Fanny ay nakatakdang lumabas sa isang love drama na pagbibidahan ng love team nina Richard Gutierrez at Anne Curtis, tentatively titled Natasha. Hindi nabanggit ni TF ang magiging direktor nito.



Late September and within the whole month of October 2010 ang target shooting and completion ng Viva movie. Again, may nakikinita si TF na conflict of schedules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May kinalaman ito sa isa pa niyang importanteng kaabalahanr bilang events organizer ng PICA (Philippine International Cosmetologist Association) sa annual Hair and Make-Up Competition nito.



"Our Cosmetologists' grand event will be on Febuary 22 to 23 at the Mall of Asia (MOA)," banggit ni Fanny.



Before the grand finals, however, Fanny has to supervise details on the regional competitions na naitakda sa mga key cities, tulad ng Zamboanga (October 5-7), Nueva Ecija (October 12-14), Bacolod (October 19-21), Bicol (October 24-26), Butuan City (October 27-28), Davao City (October 29-30), at General Santos City (October 29-30).



"Ipaaayos ko pa rin ang schedule ko to accomodate both Viva Films and PICA," sabi ni Fanny.



Then, ang posibilidad na mai-schedule for showing ang Tarima sa key provincial cities nationwide after its commercial run. Maaaring by the third or fourth week of October 2010 ito, na merong key cities tour si Fanny ugnay sa PICA events.



"Baka isabay nga sa PICA provincial tour ko ang premiere ng Tarima sa mga key cities, para daw hitting two birds with one stone," biro pa ni TF.



KORONANG PAPEL. Originally, this GMA-7 teleserye was titled Beauty Queen, na pagbibidahan ni Iza Calzado, sa direksiyon ni Joel Lamangan. Inihahanda ng Kapuso network bilang isang drama series na tampok sa Dramarama Sa Hapon (afternoon slot),na may malakas na following.



Excited nang naibalita ni Fanny ang magiging participation sa drama series na ito bilang concerned gay uncle ni Iza, noong gabi ng grand Tarima premiere last August 28. The following week, on a Tuesday (August 31), ginanap na ang story conference ng teleserye, na meron na ding taping schedules na naibigay kay Fanny.



On September 4, here is Tita Fanny with some confirmed reports tungkol sa drama series na napalitan na ang title—from Beauty Queen to Koronang Papel.



"Hindi ko na itinuloy ang participation ko sa Koronang Papel," sabi ni Fanny. "Si Iza Calzado pa rin ang bida. Pero ipinasok nila ngayon si Venus Raj [Miss Universe 2010 4th runner-up]. Baka iniba na nila yung kuwento dahil wala akong alam na may pumalit sa role ko. Tapos, hindi na siya pang-afternoon slot. Pang-primetime na siya, itatapat sa Magkaribal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Asked why the sudden change (again), 'eto ang binanggit ni TF through text messages sent the following day, na kabilang sa iba pa niyang mensahe:



"I sent my sked to Cheryl Ching Sy, GMA-7 managing producer, para i-check kung saan nila puwedeng isingit ang taping sked ng aming new primetime teleserye.

"I so love...and, grabeng excited na nga ako to do the project! But i can feel naman that i will be a major-major sakit ng ulo nila, lalo na ni Direk Joel Lamangan na siya pa namang nag-recommend sa akin para sa isang napakagandang role.



"Pero ako'y naloka nga, dahil after our story conference, I gathered all the skeds ng buhay ko, at na-foresee ko na agad ang kaguluhan na maibibigay ko sa napaka-professional at organized nilang trabaho sa GMA-7. At isa lang ang question ko sa kanila: 'Feel n'yo ba na awayin ako in the future? Then, try my schedule.'



"After mapag-aralan ni Ma'am Cheryl ang sked ko ay nag-send siya ng heartfelt message, na naloka nga rin daw siya kung saan pa maisisingit ang kanilang regular taping sked na every Monday, Wednesday, and Saturday.



"Sad talaga sila, and lalo na ako, na hindi ko na makakayang gawin ang Koronang Papel. Nakakalungkot talaga, pero I'm sure naman, meron pa kaming ibang teleserye na pagsasamahan. Kaysa naman pilitin namin na magtrabaho kami sa isang project, na baka maging cause ng misunderstanding namin in the future.



"Gusto ko lang linawin sana na hindi ko po tinatanggihan ang offer nila," diin ni Fanny. "Ayaw ko lang naman na maging dahilan ako ng kaguluhan o delays ng kahit anong project na sinasamahan ko. Gusto kong maging maayos ang trabaho ko sa kahit anumang project."



With these words, ipinaabot ni Fanny ang taos-puso niyang pasasalamat kay Ms. Cheryl "for understanding my given situation."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN