PPL Entertainment Inc. celebrates its first anniversary!

The PPL Entertainment, Inc. roster of talents: Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, Carl Guevara, Carlo Gonzales, and Arthur Solinap.


One year ago, PPL Entertainment Inc. was born. September 9 ang actual date nang unang ipinakilala ng President and CEO ng PPL na si Perry Lansigan ang kanyang talent and event management.

Ang PPL ang humahawak sa career ni Dingdong Dantes at iba pang Kapuso stars na sina Jolina Magdangal, Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Angelika dela Cruz, Arthur Solinap, Carlo Gonzales, at Carl Guevara.

Ngayong gabi, September 10, gaganapin ang first anniversary ng PPL Entertainment sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan City. Inaasahan ang pagdalo ng lahat ng PPL talents, staff, clients, and other celebrities na naging bahagi ng kompanya on its first year of existence.

"Yung celebration ng PPL Entertainment ay pasasalamat na rin sa magagandang nangyari for the past one year," sabi ni Perry sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"At the same time, launching ng website ng kompanya na www.pplentertainment.net. We will also be giving our souvenir.

"Pasasalamat na rin ito sa lahat ng naniwala, sa lahat ng clients. Sa lahat ng nagtiwala, sa mga artists na hawak namin. Sa mga clients na kinuha ang services namin para gawin ang mga affairs nila, events nila—whether it's big or small. Sa lahat ng artists who trusted PPL."

Maging ang mga magulang daw ng artists ng PPL will all be present at tonight's affair.

Masaya si Perry bilang manager ng PPL artists dahil lahat sila ay visible sa kani-kanilang mga proyekto.

"Lahat naman may mga projects, may mga ginagawa. Si Dingdong may Endless Love, Party Pilipinas, at nandiyan pa rin ang mga endorsements niya.

"Si Gabby nasa Endless Love din. Si Geoff, palabas pa rin ang Basahang Ginto at may bago siyang primetime, ang Grazilda.

"Si Carl naman may JejeMom, may Bantatay. Kakatapos lang din ng Mamarazzi movie niya. Si Angelika naman, kakatapos lang niya ng Pilyang Kerubin at may bago siyang gagawin, pero hindi pa lang puwedeng sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Jolina naman, may Party Pilipinas at Grazilda. Si Arthur naman, may Pepito Manaloto at bagong gagawing soap na hindi pa rin puwedeng sabihin.

"Si Carlo, kakatapos lang ng Langit Sa Piling Mo at may bago ulit na gagawin."

Satisfied and thankful si Perry sa mga nangyayari ngayon sa careers ng PPL artists.

May plano pa ba siyang mag-handle ng iba pang talents bukod sa roster of talents niya ngayon?

"Kung may mago-open ng door, why not?" sagot ni Perry. "Kung may magtitiwala pa. It's just one year, and we hope na in the coming years, mas mag-grow pa yung PPL. Mas marami pang magtiwala. Mas maraming clients pa ang mag-hire ng services sa amin."

Hindi maitatanggi na ang walong artists ng PPL Entertainment ay pawang mga Kapuso stars. Hindi kaya magkaroon ng impression na kapag PPL talent ay automatic na agad na Kapuso ito?

"Hindi naman," sabi ng simpatikong talent manager. "Nagkakataon lang na, sa ngayon, they are all in GMA. Nagkakataon lang sa ngayon dahil lahat ng dumarating na offers are from GMA. Pero PPL is very open to everybody, of course."

A year ago ay iniwan ni Perry ang GMA-7, kunsaan siya nagtrabaho bilang executive producer ng SOP sa mahabang panahon. Pero sa pagre-resign niyang yun sa Kapuso network, sumunod naman ang paglu-launch niya ng PPL.

Would he say na after a year, walang regrets at tama ang ginawa niyang desisyon?

"Oo naman," sagot ni Perry. "Walang regrets, dahil noong ginawa ko naman yun, desisyon ko naman yun. Hindi ko naman yun ginawa ng 50/50. At matagal na rin yun, overdue na rin.

"I've been with the [Kapuso] network for 18 years. So, kumbaga, naisip ko rin naman na it's about time na palawakin na ang kompanya. At masaya naman ako sa naging outcome ng decision na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN