Selina Sevilla and Lalen Calayan plan same-sex union in the U.S.

Before making their relationship public, Lalen Calayan asked Selina Sevilla (in photo), "Will it be okay with you if we tell everyone about our relationship?" Selina answered, "Lalen, alam mo, we don't have to hide anything anymore kasi the more we hide it, the more nagmumukha pa tayong...hypocrites."


Nag-guest nang live sa Paparazzi ng TV5 kaninang hapon, September 12, ang magkasintahang Selina Sevilla at Lalen Calayan.

Si Selina ay kilala sa pagkanta ng mga sexy songs na may naughty titles, tulad ng "Nilunok Ko Ang Lahat," "Ibaon Mo," at "Aray Naku."

Si Lalen naman ay marketing and promotions executive ng Calayan Surgicentre na pagmamay-ari ng tiyo niyang si Dr. Manny Calayan.

Nagkakilala sina Selina at Lalen last year nang ipaayos ng singer ang botched butt augmentation procedure niya. (CLICK HERE for related article.)

BRAVING THE PUBLIC. Unang tinawag ni Mo Twister si Selina para sa interview, at kaagad niyang tinanong kungdi ba sila ni Lalen nakakaramdam ng takot sa magiging reaksyon ng publiko sa kanilang same-sex relationship at sa binabalak nilang same-sex union.

May planong magpakasal sa Amerika sa February 2011 ang dalawa.

"Well, honestly, merong konti, kasi siyempre sa Pilipinas naman, hindi naman tayo ganun ka-open," sagot ni Selina. "Pero...kasi kami when we're outside, we hold hands, and when we go out, we kiss. Hindi naman yung sobrang public pero when gumigimik kami."

Gimik nga lang daw ang kanilang public display of affection o PDA?

"Ang tanda ko na para magpaganyan-ganyan pa," sagot ni Selina. "Baka bukas mamatay ako, [kaya] kailangan ko nang iparamdam sa taong mahal ko na mahal na mahal ko siya."

Kung i-judge man sila ng publiko, "I don't care," deretsahang pahayag ng singer.

ACCEPTED BY DAUGHTERS. Kuwento pa ni Selina, "Alam mo, Mo, even though noon pang best friends kami ni Lalen, nagaguwapuhan ako diyan. Talaga! I don't call her 'her.' Although her name is Lalen but I always treat her as a man, especially now that he's my lover, para ngang asawa talaga."

Kahit raw ang dalawang anak ni Selina, tanggap na tanggap ang kanilang relasyon. Kaibigan o katropa raw ang trato nila dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, nothing to explain kasi we started out as best friends, and then nung best friends kami, nagpakabarkada rin sila because my kids, ano na, e, mga dalagita na rin, e, so barkada sila."

Sa puntong ito ay tinawag ni DJ Mo si Lalen to join Selina.

Bago umupo si Lalen ay humalik muna ito sa kasintahan.

EFFECT ON SELINA'S CAREER. Tinanong ni Mo si Lalen kung ano sa tingin niya ang magiging epekto ng kanilang relasyon sa career ni Selina.

"Well, at first I asked her first, sabi ko, 'Will it be okay with you if we tell everyone about our relationship?'

"She didn't think twice naman, e. Sabi niya, 'Lalen, alam mo, we don't have to hide anything anymore kasi the more we hide it, the more nagmumukha pa tayong, alam mo, hypocrites.'

"Then I told her, 'Sige!'

Sabi ni Lalen, "Ako naman, I'm non-showbiz, I've nothing to fear, I've nothing to protect naman."

ANGRY EX-GIRLFRIEND. Ang latest development sa kanilang relasyon ay may nagalit na dating karelasyong babae ni Lalen na hindi taga-showbiz.

Ayon mismo kay Lalen, sinira ng ex-GF niya ang kotse niya.

"Well, Selina was never the third party, kasi we were not together during the time that I was still with this person. So wala, wala. And when she found out after we broke up, when she found out na siya [Selina] na yung girlfriend ko, nagalit siya.

"'Tapos when she saw my car along Morato, sinira niya. Vandalism talaga, major vandalism like twelve eggs, tinapon-tapon sa car."

Wala naman raw planong magdemanda si Lalen. "Okay na lang, forget about it na lang."

Gaano niya kamahal si Selina?

"I love her more than anything and more than myself!"

Na sinagot naman ni Selina ng, "I want Lalen to be my companion for the rest of my life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng interview, muling naghalikan ang magkasintahan, at kinantahan pa ni Selina si Lalen ng chorus mula sa kantang "Sunlight" ni Kevyn Lettau, sabay-sabing si Lalen ang nagsisilbing sunlight ngayon sa kanyang buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN