Director Neal Tan is all praises for H.I.V. star Jake Cuenca

"Naging mas malalim si Jake bilang actor. Lalo itong nagbigay sa kanya ng inspirasyon para lalo pa niyang mahalin at alagaan ang propesyon niya," says director Neal Tan about Jake Cuenca, his lead star in the movie H.I.V. (Si Heide, Si Ivy At Si V). Jake, second from left, poses with co-stars Orestes Ojeda, Azenith Briones, and Maria Isabel Lopez.


Sumabak na rin sa isang makabuluhan at mapangahas na independent film ang mainstream actor na si Jake Cuenca. Ito ay sa pamamagitan ng H.I.V. (Si Heidi, Si Ivy At Si V?) mula sa Exogain Productions with Ms. Donna M. Sanchez as producer and Neal Tan as director.

Ang nabanggit na producer-director tandem ang siya ring gumawa ng Tulak, isang advocacy film ni Direk Neal tungkol sa masamang dulot ng pagtutulak at paggamit ng droga topbilled by Rafael Rosell.

This time, ayon kay Direk Neal, ang H.I.V. ay isa namang advocacy on HIV at AIDS awareness sa Pilipinas.

Nang dumating ang offer na ito kay Jake at sa kanyang handlers ay nagustuhan naman nila ang script kaya hindi na nagdalawang-isip pa ang 23-year-old actor na gawin ang pelikula.

"Ito ang kauna-unahang indie movie na ginawa ni Jake Cuenca, and according to him, marami siyang natutunan sa paggawa ng indie," pahayag ni Director Neal Tan sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng email.

"Naging mas malalim si Jake bilang actor," patuloy niya. "Lalo itong nagbigay sa kanya ng inspirasyon para lalo pa niyang mahalin at alagaan ang propesyon niya."

Ayon pa kay Direk Neal, sa loob ng ilang araw nilang shooting ay nakilala niya nang husto ang kanyang lead actor. At siyempre pa'y nakakapag-share si Jake ng kanyang saloobin kay Direk Neal, na first time nitong makatrabaho.

"Sabi ni Jake sa akin, ito na yata ang pinaka-challenging part ng career niya, yung gumawa ng kanyang kauna-unahang indie film. Pero hindi daw siya nagkamali, dahil lalo daw lumawak ang kanyang pananaw bilang aktor.

"Hindi na daw pera ang pinag-uusapan dito, at na-feel daw niya na wala nang mas mahalaga pa kaysa makagawa ng isang makabuluhang pelikula."

THE LEAD ACTOR. Ano ang masasabi niya sa kanyang lead actor na si Jake?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In all shooting days namin, nakikita ko ang effort ng isang Jake Cuenca. Maagang dumarating sa set, ready na, at handa sa mga kukunan naming eksena.

"Masarap makatrabaho ang isang tulad niyang mahal ang kanyang ginagawa.

"Tulad ni Fanny Serrano, isa sa mga dakilang artistang nagbibigay ng inspirasyon sa mga tulad kong direktor upang mas pagbutihin pa ang kanilang trabaho, dahilan upang makagawa ng isang matatawag na obra," sabi ni Direk Neal, na nakatrabaho si Fanny sa isa pa niyang indie film na Tarima.

Patuloy niya, "Kahit na ano'ng busy niya [Jake], nahanapan namin ng sked na matapos ang shooting. May target kasing playdate ang production, sa December 2010, sa mismong World AIDS Day."

CASTING. Ayon kay Direk Neal, matagal bago nila na-finalize ang casting.

"Maraming aktor ang kinonsider namin, pero tumanggi yung iba dahil siguro sa stigma na puwedeng mangyari kapag nagampanan nila ang role bilang Gil.

"Katakut-takot na pakiusap ang ginawa ng aming supervising producer [Ma. Isabel Lopez] hanggang sa napapayag nito sina Jake, Iza Calzado, Candy Pangilinan, IC Mendoza, at Precious Lara para sa mahahalagang roles."

Ang iba pang nasa cast ay sina Will Devaugn, Jao Mapa, Mara Lopez, Azenith Briones, Orestes Ojeda, Abby Cruz, Liz Alindogan, Jess Sanchez, at Rustica Carpio.

INTRIGUING SCRIPT. Paano nga ba nagsimula ang materyal o script ng H.I.V.(Si Heidi, Si Ivy At Si V?) na sa title pa lamang ay intriguing na?

"Nagsimula ang pagbuo ng konsepto nang ipalabas ang Tulak sa mga estudyante sa Bacolod," sabi ni Direk Neal. "Ni-request ng mga teachers at ilang concerned officials na ang kuwentong may kaugnayan sa nakamamatay na sakit na HIV/AIDS ang dapat maibahagi sa mga estudyante at sa mga taong walang alam sa nasabing sakit.

"Nagkaroon ng interes si Isabel na aming supervising producer, kasama ang producer naming si Donna Sanchez, at nakausap nila si Wanggo Gallaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Wanggo ang anak ng magaling na direktor na si Peque Gallaga at self-confessed HIV positive, editor ng Chalk magazine, at isa ring magaling na writer. Nabuo ang kuwento na tumatalakay sa tatlong main characters, bukod sa marami pang kuwento ng mga pasyenteng may ganitong sakit.

Si Wanggo na rin ang sumulat ng kabuuang screenplay ng pelikula, na tapos nang mag-shooting last week.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN