Ogie Alcasid says no final details yet on his wedding with Regine Velasquez

"You know, the essence of the wedding, I believe, is not how big it is, or how grand it is, or how expensive it is. I think, nasa hearts ng mag-aasawa," says Ogie Alcasid, who will marry longtime girlfriend Regine Velasquez before the year ends.


Kabilang sa mga celebrities na dumating at naki-celebrate sa first anniversary ng PPL Entertainment Inc.—ang talent at event management ni Perry Lansigan—sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan noong Biyernes ng gabi, September 10, ang soon-to-be husband and wife na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kay Ogie that night, sinabi niya na malapit talaga sila ni Regine kay Perry at sa mga alaga nito.

"Si Perry, kaibigan ko 'yan. Nasa Bubble Gang pa siya noon. Kung hindi n'yo alam, si Perry worked in Bubble Gang for a while. Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga production managers. Ganoon ko na katagal kakilala si Perry.

"Sa PPL naman," patuloy ni Ogie, "lahat ng mga artista nila, parang mga anak namin. Si Dingdong [Dantes], kapatid ko na 'yan. I remember Dingdong when he started as a dancer...

"Of course, si Gabby [Eigenmann], kasama namin sa SOP noong araw. They're like family. Good friends namin sila."

WHAT WEDDING? Siyempre pa, kapag si Ogie o si Regine ang kausap ng press, hindi maaaring hindi mapag-usapan ang tungkol sa nalalapit nilang kasal at ang mga paghahandang ginagawa nila para rito.

"Anong wedding?" natatawang sabi naman ni Ogie nang tanungin siya tungkol dito.

Pero aniya, "Slowly but surely, progressing. So, siyempre, gusto natin maayos lahat, di ba?

"But since gahol tayo sa oras, siyempre, hindi ko masabi kung kailan yun. But I want to make sure that everything will be—if not perfect—almost perfect for Regine."

Talaga bang hands-on siya sa kasal nila ni Regine?

"Well, I'm getting a lot of help from Cacai. Kami ni Cacai ang nagtutulungan," sabi ni Ogie, na ang tinutukoy ay ang kapatid at manager ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra.

Patuloy niya, "Of course, Regine helps also. Gusto niya maganda siya on that day. E, sa akin naman, maganda siya every day. So, yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang gown na isusuot ni Regine sa kasal nila ni Ogie ay gawa ng Pinay international fashion designer na si Monique Lhuillier. Noong nakaraang linggo ay nagpunta nga si Regine sa shop ni Monique sa Beverly Hills, California, para magpasukat ng kanyang wedding gown.

Kasama ni Regine sa Beverly Hills si Dra. Vicki Belo, isa sa mga ninang nina Ogie at Regine sa kasal, at siyang magbabayad ng wedding gown.

Naniniwala si Ogie sa kasabihan na hindi dapat nakikita ng groom ang wedding gown na isusuot ng kanyang bride. Kaya wala pa siyang ideya sa sketch ng gown at maging sa kulay nito.

"Sabi niya red, pero hindi ko kinu-confirm sa kanya," sabi ni Ogie.

BEACH WEDDING. Sa isang hiwalay na panayam ay kinumpirma na ni Regine na sa isang beach gagawin ang kasal nila ni Ogie. Pero nang tanungin ang singer-songwriter kung saan eksaktong beach gaganapin ang kanilang kasal ay nagpakuwela na lang siya.

"Anong beach? Marami tayong isla, e. Meron tayong 7,107 islands. One of those islands!" natatawa niyang sabi.

Magiging private ba ang kasal nila?

"Well, yes, I want to keep it as private as possible," sagot ni Ogie. "For our friends, for family, and, of course, for her (Regine)."

Pero nilinaw ni Ogie na hindi pa final yun dahil kinukunsidera rin nila ang kanilang fans.

"Maraming mga fans ang nagre-request, they want to witness ang aming pag-iisang dibdib. Siyempre, kino-consider din namin yun. So, hindi pa final. We're still talking about it," sabi niya.

Kung sakali, ise-share ba nila ang kanilang kasal sa publiko?

"Sa ngayon, nasa ganoon ako. Siyempre, gusto kong i-share.

"But as much as possible, on that day, gusto namin talagang kontrolado. Hindi magulo. Solemn.

"Kasi, feeling ko, yun ang mga mahahalagang aspeto ng isang wedding—tahimik. I mean, it's a mixture of happiness, spirituality. Nandoon yung sense of family at yung mga kaibigan mo na mahal mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

P-NOY AT THEIR WEDDING. Nabanggit ng PEP kay Ogie ang kagustuhan nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na ang mag-officiate ng kasal nila ay ang Presidente ng bansa na si Noynoy Aquino.

Bilang isa sa pinakamalaking tagasuporta ni P-Noy, hindi rin ba sumagi sa isip ni Ogie na kunin ang Presidente upang magkasal sa kanila ni Regine?

"You know, I don't think we can do it. I kind of asked that already. Sa pagkakaalam namin, hindi puwedeng magkasal ang Pangulo.

"I think ang nagkakasal yatang talaga ay ang judge, ang mayor. Hindi yata kasama sa function ng Pangulo [ang magkasal].

"Gusto rin namin yun. Kaya lang, hindi yata puwede."

Pero magiging bahagi pa rin daw ng kasal nila si P-Noy dahil isa ito sa magiging groomsmen ni Ogie.

"Abay ko siya, e," sambit niya.

Nabanggit naman ni Ogie na iba na ang preparations ngayon for a wedding. Ito na kasi ang pangalawang beses na ikakasal si Ogie; ang una ay noong pakasalan niya ang si Michelle Van Eimeren noong 1998 sa Batangas.

"Noong [unang] ikinasal ako, iba pa ang situation noon. Ngayon pala, ang dami mong iisipin na medyo nabigla rin ako. But having said that, nag-e-enjoy ako sa proseso. Nai-stress din ako!" tawa niya.

Dagdag ni Ogie, "Medyo hands-on kasi akong tao. Although meron kaming wedding coordinator, medyo makulit ako. Ako yung, 'O, kamusta na yung ganito, ganyan?' I just want it to be perfect."

WEDDING SONGS. Naka-ready na raw mga gagamiting kanta para sa kanilang wedding at reception. Basically, ito raw ang mga kanta na ginawa ni Ogie para kay Regine.

"Siguro lahat ng ginawa ko for her, like 'Walang Iba,' 'Ikaw ang Aking Pangarap...'"

Pagkatapos nito ay excited na ibinahagi ni Ogie ang "dream casting" niya ng mga kakanta sa kasal nila ni Regine.

"So far, Lea Salonga... Lea said yes. I want her to sing 'Kailangan Ko'y Ikaw.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo okay yata na kami ni Gary [Valenciano] sa 'Kailangan Kita.'

"I asked, I texted Martin [Nievera] if he can sing 'Ikaw Ang Aking Pangarap.' Hindi pa siya masyadong sure. He doesn't know if he's gonna be here during that time.

"And then, I asked Janno [Gibbs] and Jaya to sing their duet, 'Ikaw Ang Pangarap.' Pero hindi ako ang gumawa no'n. Kaya lang, I love their version.

"I might ask Jay-R and Kyla to sing either 'Hanggang Ngayon' or probably 'Mahal Kita, Walang Iba.'"

Si Regine, wala bang request?

"Ayaw niyang kumanta, e," sagot ni Ogie.

Ayon pa kay Ogie, posible raw na kantahin niya ang 'Walang Iba' for Regine.

Sa bridal walk naman, si Ryan Cayabyab ang mag-aareglo at ang acapella group na Tux ang kakanta.

"Nagawan na ng areglo yun, so io-orchestrate na lang," banggit ni Ogie. "So, when Regine marches, there will be a little symphony orchestra, yung maliit lang naman.

"Then, kakanta ang Tux. Ang Tux kasi, very close to Regine's heart. So, we want Tux to sing her bridal march. Exciting, 'no?" nakangiti pa niyang sabi.

Hirit naman ng PEP, sa singers pa lang ay parang napaka-engrande at tila isang musical wedding ang magaganap.

Sagot ni Ogie, "Siyempre, our lives have been full of music. And our relationship is based on music. Hindi puwedeng mawala ang elemento ng music.

"There's another singer whom I asked to sing. His name is Arthur Manungtad. Isa siya sa mga paborito kong singer. Siya naman ang kakanta ng mga favorites naming standard. Yung mga 'You Don't Know Me...' mga lumang kanta."

WEDDING OF THE YEAR. May pressure ba on Ogie's part na hindi pa man ginaganap ang kanilang kasal ay tinatawag na itong "wedding of the year"?

"Kayo naman ang may sabi no'n, e!" tawa niya. "Sa amin, wedding lang 'to. Wala...wala namang ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, the essence of the wedding, I believe, is not how big it is, or how grand it is, or how expensive it is. I think, nasa hearts ng mag-aasawa.

"Kung yung mag-aasawa, e, buo sa loob nila ang pagpapakasal at nasa puso nila yung talagang gusto nilang mag-asawa. Yun ang mahalaga do'n, e."

Kung si Regine raw ang masusunod, simpleng wedding lang ang gusto nito. Pero mukhang malabo nang mangyari ito dahil sa preparations pa lang na ikinukuwento ni Ogie.

"She really wants a simple wedding. Ang joke nga niya—'eto, plug 'to ha—like Chowking. Gusto niya, ganoon kasimple lang.

"I'm all for that. Pero ang daming friends na tumutulong. Ang daming friends na nagbibigay ng ganito, ng ganyan. 'Kami na ang bahala sa ganito, kami na ang bahala sa ganyan.'

"Yung mga ninang, like Vicki Belo, she paid for the wedding dress. Of course, handa ako na magbayad no'n. Pero salamat sa Diyos at sinagot niya," sabi ni Ogie.

Maging ang tuxedo na isusuot ni Ogie sa kasal ay regalo rin ng fashion designer na si Randy Ortiz.

"Well, as far as I know, ireregalo raw niya sa akin. Pero hindi ko alam!" natatawa niyang sabi.

"Even Michelle [Van Eimeren, his ex-wife]," patuloy ni Ogie, "she's doing all the flower arrangements. That's a lot of work. At yung flowers namin, sponsor din. Nakakatuwa!

"I think, natutuwa sila sa idea that Regine and I, kumbaga, took the plunge. Kasi, iba yung mag-boyfriend-girlfriend lang kayo. Iba yung pang-habambuhay kayong magkasama at iba yung o sige, magpakasal tayo.

"A lot of people say it's only a piece of paper. Yes, it is. But more than that—and this is what I learned—it's really a lifetime commitment. And for people who make that decision, saludo ako."

THE HONEYMOON. When it comes to their honeymoon, sinabi ni Ogie na sa Pilipinas muna sila pagkatapos ng kanilang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Ogie, "Next year, pangako ko sa kanya [Regine], maghahanap ako ng two-and-a-half weeks na kami lang dalawa."

Sa Maldives daw gustong mag-honeymoon ni Regine.

"Sabi ko, 'Saan yun?'" tawa niya.

"Ako naman, gusto ko sana sa Europe kasi hindi pa kami nakakapunta sa Europe together. Nag-England na kami, pero hindi pa kami nakaikot.

"E, siya, palagi niyang kinukuwento sa akin, 'Dapat pumunta ka sa Venice!' Hindi pa rin ako nakapunta do'n.

"Yung mga tour niya, tour ko, hiwalay palagi. Hindi pa yung magkasama kami.

"I'd like to do that. Maybe sometime next year. So, ngayon, sa Philippines muna kami.

"I [also] want to bring my kids around. Although si Leila (panganay nila ni Michelle), nakapunta na sa Cebu, sa Boracay.

"Pero yung bunso ko, hindi pa niya nakikita. Ang alam lang niya, Metro Manila.

"Siyempre, kapag nakita ng bunso ko ang Cebu, ang Bohol, ang Baguio, 'Wow, Dad, maganda talaga ang Pilipinas!' I would love them to see all the beautiful places."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN