Elmo Magalona still on the lookout for a regular love-team partner

"Marami rin akong crush sa school since coed a po ang school namin. Pero, wala pa po talaga akong nagiging seryosong girlfriend," says 16-year-old Elmo Magalona.


Simula nang magdesisyon si Elmo Magalona na pasukin ang showbiz ay hindi na siya halos nababakante ng trabaho.

Sa katunayan, tatlo ang regular shows ngayon ni Elmo sa GMA-7: ang musical-variety show na Party Pilipinas, ang weekly comedy series na Kaya ng Powers, at ang bagong primetime series na Bantatay.

Seven days a week na ngang mapapanood si Elmo sa TV. Mula Lunes hanggang Biyernes sa Bantatay, tuwing Sabado sa Kaya ng Powers, at tuwing Linggo sa Party Pilipinas.

Ano ang masasabi ni Elmo sa dami ng projects niya ngayon?

"Thankful naman po ako at saka blessed.

"Kasi, pagkatapos po ng Pilyang Kerubin, na-cast naman po ako sa Bantatay. Masaya po kasi nakuha pa rin po ako dito.

"Hindi naman po ako napapagod," nakangiting sabi ni Elmo sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Bantatay last September 14.

COLLEGE ON HOLD. Dahil sa kanyang hectic schedule ay hindi muna pumasok ng kolehiyo si Elmo pagkatapos niyang mag-graduate ng high school. Nag-concentrate muna siya sa kanyang showbiz career.

"Graduate naman po ako ng high school," banggit ng 16-year-old rapper-actor.

"Yung college naman po, as soon as puwede. As soon as kaya na ng schedule. Although, as of now, mukhang hindi pa puwede.

"Marami rin naman pong sumosobra yung years nila sa college. At saka, 16 pa lang naman po ako.

"Hindi ko dapat i-rush ang college. At saka, as of now nga po, parang hindi ko pa kayang mag-college.

"Yung feeling lang ng college, parang hindi pa po. Feeling ko, may pagka-immature pa rin ako kung magka-college na ako!" natatawang pag-amin ng anak ng yumaong si Francis Magalona.

CHANGES IN ELMO'S LIFE. Ano ba ang mga nabago sa kanya simula nang mag-showbiz na siya?

"Siyempre, yung mga taong nagpa-follow sa akin ngayon. Marami nang mga humahanga sa pagra-rap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami naman pong nagsasabi na nakikita nila ang Dad ko sa akin. Napapansin ako na ginagawa ko naman nang tama ang ginagawa ko.

"At saka, yun nga po, schedule po talaga. Yun po talaga ang nagbago sa akin.

"Talagang every day naming ginagawa. Hindi pupuwedeng lakwatsa lang nang lakwatsa."

Totoo bang istrikto ang mommy niyang si Pia Magalona sa taping hours niya at sa curfew niya?

"As manager, kailangan talaga, tama. Kasi, minsan, may call time ako na maaga kinabukasan.

"Pero minsan po, hindi nasusunod. Hindi naman po nagagalit ang Mom ko.

"Nangyari po yun sa Pilyang Kerubin at na-understand naman po ng mom ko. Kasi, kailangan po talagang matapos dahil for airing na rin po palagi.

"At saka, for the show naman yun kaya okey lang din po sa kanya."

Hindi naman daw niya masasabing stage mom ang mommy niya?

"Hindi po, e. Siguro po noon, kasi kay Max (Maxene Magalona, ate ni Elmo), sumasama po talaga siya noon. Kasi siguro po, babae.

"Pero sa akin, ang ginagawa sa akin ni Mom sa work, parang nag-iiba, parang nagiging manager. Parang may side na mom at may side na manager.

"Hindi naman po parang stage mom. Iba talaga, e."

BROTHER ARKIN. Hindi kaya pumasok na rin sa showbiz ang bunsong kapatid na lalake ni Elmo na si Arkin? Lumalabas na rin kasi ito sa ilang programa ng GMA-7, partikular na sa Party Pilipinas.

"Hindi naman po," sabi ni Elmo.

"Kasi, noong first or second time po yata niya sa Party Pilipinas, tinanong po siya kung gusto na ba niyang mag-showbiz.

"Sabi niya, opo. Gusto na raw niya.

"Pero sabi po niya, hindi naman daw yung mga acting-acting. Parang gusto lang daw niya yung mga performance. Parang Party Pilipinas lang.

"Kaya naman po ni Arkin kasi hindi siya natatakot, hindi siya nagkakaroon ng stage fright.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya po niyang mag-perform. So, proud naman po ako."

WANTED: ONSCREEN PARTNER. Sa Bantatay, ang dating child star na si Krystal Reyes ang kapareha ni Elmo.

Pero aniya, "Actually, hindi ko pa rin po sure kung kami nga po yung talagang magka-partner dito.

"Ang alam ko lang po, parang magkakasundo po kami dito at magkakagusto po yata."

Tila wala pa ngang nahahanap ang GMA-7 na regular na ka-love team para kay Elmo. Sa Party Pilipinas ay sa young singer na si Julie Ann San Jose siya ipinapareha, samantalang sa Pilyang Kerubin naman ay ang baguhang teen star na si Louise delos Reyes ang naging katambal niya.

"Opo nga, wala pa nga rin po," pagsang-ayon naman ni Elmo tungkol sa hindi niya pagkakaroon ng regular na ka-love team.

Okay lang ba sa kanya na wala siyang ka-love team?

"Actually, hindi ko rin po alam kung makakaya ko. Pero siyempre, kung kailangan talaga, gagawin ko."

NO GIRLFRIEND YET. Ayon kay Elmo, never pa siyang nagkaroon ng girlfriend. Ito ay sa kabila ng katotohanang marami ang nagka-crush sa kanya.

"Siyempre po, marami rin akong crush sa school since coed naman po ang school namin. Pero, wala pa po talaga akong nagiging seryosong girlfriend," nakangiti niyang sabi.

Hindi pa ba siya nanliligaw?

"Hindi," sagot niya.

"Sa tingin ko, parang hindi ko pa kayang i-handle ang time ko.

"Siyempre, kapag ganoong may serious relationship, kailangan may time ka pa rin sa kanya. Hindi puwedeng iiwan mo na lang siya basta."

Kung sakaling manliligaw na nga siya, ano ang hinahanap niya sa isang babae?

"Mas attracted ako sa mas matanda sa akin," pag-amin niya.

"Hindi naman sobrang tanda. Like two, three years older.

"Baka kapag tumanda ako, mas gusto ko mas bata na sa akin.

"At siyempre, magandang personality.

"Sa physical, hindi naman talaga ganoon kaimportante. It's more on personality —na masayang kasama, walang hassle."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN