Rita Avila on doing love scenes with a 20-year-old actor: "Medyo nanibago ako..."

"Funny talaga kasi never ko na-imagine na I will be working with a 20-year-old guy. Kaya noong shooting namin, iniiwasan ko siyang tawagin na anak. Baka itrato ako nang may paggalang, e, hindi na kami makaarte," says Rita Avila about working with leading man Edgar Allan Guzman.


Nagandahan sa script ng Magdamag ang aktres na si Rita Avila kaya tinanggap niya ang indie film project na ito na idinirek ni Joven Tan from the Palanca award-winning script of Jerry Gracio. Mapapanood na ito sa mga sinehan simula sa September 22.

Ito ang ipinahayag ni Rita nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Magdamag na ginanap sa isang kuwarto ng isang branch ng Sogo Hotel.

Kuwento pa ng aktres, noong binabasa niya ang script ay tawa siya nang tawa kaya ang akala tuloy ng asawa niyang direktor na si FM Reyes ay comedy ang indie film na kanyang gagawin.

"Basta nakakatawa ang mga situations at mga conversations. Tapos, after kong basahin ang script, tinanong niya ako kung nagustuhan ko ba ang script at kung gusto ko itong gawin. 'Yeah,' I told him, 'kaya lang nakakanerbiyos ang mga bold scenes!'

"Tinanong ko siya kung gusto niyang basahin ang script. Siyempre gusto ko na alam niya kung ano ang gagawin ko.

"Sabi naman ng husband ko, he trusts me. If I like it, then do it. Although ikinukuwento ko sa kanya kung ano ang laman ng script.

"Then he asked me what if may compromise pagdating sa mga love scenes, would I agree to do it? Yes, I told him, I liked it very much.

"Tapos, si Direk Joven pa ang director whom I've worked before. Tapos, si Noel [Ferrer, one of the producers] is a family friend of my husband. So, parang family na rin. I can trust na I am good hands," wika ni Rita.

Nagkaroon ba siya ng hesitation na tanggapin ang movie after she read the love scenes na kailangan niyang gawin?

"Yes, kasi grabe talaga ang description ng mga eksena. Pero they were kind to me na kung ano lang ang kakayanin ko, iyon na lang ang gagawin namin," sagot ni Rita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


RITA'S LEADING MAN. Wala rin daw idea si Rita kung sino si Edgar Allan Guzman na ka-partner niya sa May-December story na ito. Noong gagawin na finally ang movie, nag-meet sila ni Edgar a night before the shoot.

"Noong nakita ko siya [Edgar], para akong may disbelief. 'My gosh,' sabi ko, 'ang bata-bata naman ng partner ko!'" natatawang kuwento ni Rita.

"Funny talaga kasi never ko na-imagine na I will be working with a 20-year-old guy. Kaya noong shooting namin, iniiwasan ko siyang tawagin na anak. Baka itrato ako nang may paggalang, e, hindi na kami makaarte.

"The shooting went on smoothly. Maganda ang rapport namin sa isa't isa.

"Ang mahirap kasi sa isang two-character film tulad ng Magdamag, kailangan nagkakasaluhan kayong dalawa. Pag pumalpak ang isa, palpak din yung kasama.

"Ni wala man lang kaming time ni Edgar para mag-workshop. Kumbaga, nagkakilala kami kagabi, tapos ngayong umaga shooting na.

"Hindi na kami nagkaroon ng time ni Edgar to adjust with each other kasi the next day na ang shoot."

THE LOVE SCENES. Ang feeling daw nilang lahat the night before the shoot was they were all excited for the movie. Excited na may kasamang nerbiyos kasi may shoot na sila the next day.

"Kumportable naman kami ni Edgar when we started the shoot," banggit ni Rita. "Kasi ang ginawa ni Direk Joven, inumpisahan niya ang shoot sa umpisa ng script.

"We just skipped the love scenes. Huli namin kinunan ang mga love scenes.

"So, nung yung mga love scenes na ang kukunan, naninigas kaming dalawa. Parang ang tanong naming dalawa, 'Paano natin gagawin ito? Ang liwanag!'

"Doon, talaga parang lumabas kaming first-timer. So, ang ginawa, diniliman ang ilaw. Doon ko naramdaman na nailang kami.

"Naiilang talaga kami sa umpisa ng love scene. Tapos sabi pa ni Edgar, 'Baka magalit si Direk [referring to Rita's husband].' Hindi naman kasi niya nakilala ang husband ko prior to the shoot kaya hindi siya nakapagpaalam tungkol sa love scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, in between takes, talagang pareho kaming nakatapis [nakatakip ng robe] ni Edgar. Pareho kaming nahihiya. Pag magte-take na, saka na lang namin tatanggalin ang mga takip.

"Para kaming mga tanga na para bang akala mo, e, itong Magdamag ang unang-unang movie na aming ginawa!" natatawang kuwento ni Rita, na nakagawa na ng ilang ST (sex trip) movies noong contract star pa siya ng Seiko Films.

Matagal-tagal na raw hindi gumagawa ng love scene si Rita sa pelikula. If her memory serves her right, the last time she did a love scene was in the indie film Padyak [2009]. Medyo wild pa raw ang love scene na 'yon although wala naman daw nakita.

"Medyo nanibago ako sa paggawa ng love scene, at saka it reminded me of the initial feeling of kissing somebody na hindi mo kilala.

"Pero siyempre, as you go along, susunod ka na lang sa demands ng character dahil 'yon talaga ang kailangan mong gawin. Okay na," wika ni Rita.

YOUNGER MEN. Noong hindi pa siya nag-aasawa, sabi ni Rita, ayaw niyang mag-asawa to somebody na mas bata sa kanya. But she ended up with a younger man. Dito naman sa movie, hindi raw niya akalain na kakayanin niyang ma-in love sa isang 20-year-old.

"Pero noong shooting, I realized na puwede pala. Puwede pa rin pala ma-in love sa isang younger guy," sabi niya.

"Pero noong dalaga pa ako, sinasabi ko na I don't want to fall for a man younger than me.

"Kaya pag may nanliligaw sa akin na mas bata sa akin, like five years younger, inaayawan ko. Ayoko sa bata.

"Tapos I fell in love with a guy who is eight years younger than me," pahayag ni Rita, na ang tinutukoy ay ang kanyang mister na si Direk FM Reyes.


AWARD-WINNING SCRIPT. Nanalo ang script ng Magdamag ng 2nd Prize sa Dulang Pampelikula ng 60th Palanca Awards for Literature. Malamang mag-expect ang audience na kung gaano kaganda ang script ay ganoon din kaganda ang movie dahil na rin sa napabalitang matinding acting ng dalawang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap naman na kami ang magsabi na we did well," sabi ni Rita. "Siyempre, mas maganda kung ang audience ang magsabi na nagustuhan nila ang acting namin sa movie.

"So far, when the movie was shown at CCP [Cultural Center of the Philippines] and in UP [University of the Philippines], we got very good feedback."

Given a chance, willing kaya si Rita to be photographed in a sexy pose sa isang men's magazine?

"May dalawang offer na akong natanggap dati.

"May offer [ulit] pero parang hindi ko pa kinakaya. Parang bigla akong naging tweetums uli.

"Kasi that time, feeling ko, kamamatay lang ng baby ko tapos parang di naman appropriate. Ewan ko kung darating ako sa puntong gano'n," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN