Vice Ganda stars in remake of Petrang Kabayo

"Kaya ko na ba talagang magdala ng solong pelikula?" Vice Ganda asks himself. "Sabi ni Direk Wenn [Deramas, his director in the movie], 'Wala nang ibang panahon na puwede mong gawin ito kundi ngayon na.' E, napakalaki ng tiwala ko sa kanya at sa manager kong si Ogie, kaya go lang nang go!"


May launching movie na ang komedyanteng si Vice Ganda, ang remake ng Petrang Kabayo mula sa Viva Films. Ito ang pelikulang pinagbidahan noong '80s ni Roderick Paulate.

Siyempre pa, happy si Vice sa malaking chance na ibinigay sa kanya ng Viva para magbida na sa isang pelikula.

"Sobrang saya!" sambit niya. "Yun lang naman natural ang nararamdaman mo, maging masaya sa lahat ng mga biyayang ito. Unti-unti kong ninanamnam.

"Hindi talaga nagsi-sink pa sa akin nang buong-buo na tapos na, magsu-showing na. Natatawa lang ako, masaya, kinakabahan. Pero mas namumutawi yung saya kesa kaba."

Nakausap ng PEP (Philiippine Enterainment Portal) si Vice sa presscon ng Petrang Kabayo na ginanap kagabi, September 21, sa City Best restaurant sa Tomas Morato , Quezon City.

Nung unang ialok sa kanya ang Petrang Kabayo, ano ang una niyang naramdaman? Natanong ba niya sa sarili kung kaya na ba talaga niyang magdala ng solong pelikula?

"Nung itinawag sa akin ni Direk Wenn [Deramas, direktor ng Petrang Kabayo] 'yan, kasalukuyang nasa Showtime ako, nagdya-judge ako. Nawala ako sa sarili! As in, nawala talaga ako sa wisyo.

"As in hindi ko na napapanood yung mga nagpi-perform. Hindi na ako makapagsalita nang maayos. Hindi na ako makapagpatawa. Nataranta ako.

"It took time para ako makapag-isip at mag-usap kami ni Ogie [Diaz,manager ni Vice] nang masinsinan na, 'Tama ba itong gagawin ko? Tatanggapin ko ba ito? Ikakaganda ko ba ito o ikapapahamak?' Kasi hindi ko alam kung tama ba talaga o panahon na ba talaga?

"Pero sabi ni Direk Wenn, 'Wala nang ibang panahon na puwede mong gawin ito kundi ngayon na.' E, napakalaki ng tiwala ko sa kanya at kay Ogie kaya go lang nang go!"

Pinanood niya ba ang original na Petrang Kabayo bago niya ginawa ang remake nito?

"Opo," sagot niya. "Nakakatawa nga yung pelikua at napaka-simbolismo kumbaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung itinawag sa akin na tuloy na yung Petrang Kabayo at kumpirmadong gagawin ko na ito, nasa Puerto Galera ako. And that time, nanonood ako ng Petrang Kabayo sa Cinema One. Kaya napanood ko siya. Ang ganda ng original, sobrang ganda!"

Ang Petrang Kabayo ng Regal Films ay ipinalabas noong 1988. Nagkaroon ito ng sequel noong 1990, pero ang Viva Films na ang nag-produce nito. Parehong si Roderick Paulate ang nagbida rito.

CRUSH ON JON AVILA. Very vocal si Vice sa pagsasabing crush niya si Jon Avila. Pero bakit hindi niya ni-request na isama ito sa Petrang Kabayo para nakakasama niya ang actor?

"Hindi ko crush si Jon Avila, mahal ko siya. Siya ang dahilan ng pagtibok ng puso ko. Charot!" natatawang sabi ni Vice.

Pero pag-amin niya, "Ni-request ko siya. Kaya lang hindi umubra yung schedule niya sa shooting."

Dahil sa kasikatang tinatamasa ni Vice ngayon, maraming nagsasabi na nagbago na siya at lumaki na raw ang kanyang ulo. Anong masasabi niya rito?

"Noon pa, bago pa ako mag-artista, malaki na ang ulo ko. Kaya nagtaka ako ngayon lang nababalita. Lumaki na nang husto ito, pasabog na nga siya ngayon!" natatawang sagot niya.

"Ako kasi, may paniniwala ako na hindi lumalaki ang ulo ng isang tao. Kung anong ugali ko ngayon na nakikita ninyo, yun siguro talaga ang totoong ugali ko na hindi ninyo lang alam noon. Kaya nung nadiskubre ninyo, feeling ninyo, lumaki.

"Ito talaga ako. Ever since, mayabang na ako. Mas mayabang nga ako noon kesa ngayon, e. Kasi ngayon, mas conscious ako sa ikinikilos ko. Mas iniisip ko yung sinasabi ko dahil maaaring... Naku, pag sinabi ko na naman, sasabihin ng iba, sa akin, ganyan, ganyan. Kaya feeling ko, mas mabait ako ngayon kesa dati."

May movie, may endorsement at may TV show si Vice. Hindi ba siya natatakot na ma-overexpose na siya ngayon at baka pagsawaan na siya ng mga tao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron din naman akong fear na ma-overexpose" pag-amin ni Vice. "Pero nasa sa akin na rin yun na kung paano... kung paano namin ni Ogie [yung manager niya] kakalkulahin yung exposure."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN