Vaness del Moral says playing villain needs more versatility than playing victim

"Kapag kontrabida kasi, maraming twists ang nagagawa sa karakter. Hindi katulad pag bida ka, ikaw yung...iiyak ka lang, api-apihan ka talaga. Tapos pag kontrabida ka, ikaw talaga yung mang-aapi. Kahit ano kailangan mong gawin," says young character actress Vaness del Moral.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Vaness del Moral noong Biyernes, September 17, sa 17th floor ng GMA Network Center.

May kinalaman ang interview sa pagtatapos ngayong linggo ng Sine Novela Presents Basahang Ginto, kung saan gumaganap si Vaness bilang ang kontrabidang si Sylvia.

Si Sylvia ang nagpapahirap sa buhay nina Orang (Carla Abellana) at Danny (Geoff Eigenmann).

VILLAIN ROLES. Gusto ni Vaness na sa susunod niyang project ay kontrabida ulit siya.

"Yes! Gusto ko, gusto ko po," sambit ng StarStruck 3 alumna.

Gusto rin naman niyang maging bida kung mabibigyan ng pagkakataon. "Puwede kung bida, pero masarap magkontrabida, e," ani Vaness.

Paliwanag niya, "Kapag kontrabida kasi, maraming twists ang nagagawa sa karakter. Hindi katulad pag bida ka, ikaw yung...iiyak ka lang, api-apihan ka talaga.

"Tapos pag kontrabida ka, ikaw talaga yung mang-aapi. Kahit ano kailangan mong gawin."

TRANSFERRING TO ANOTHER NETWORK. Hiningi ng PEP ang palagay ni Vaness sa balitang ang ka-batch niya sa StarStruck Season 3 na si Arci Muñoz ay umalis na ng GMA-7 at lumipat na ng TV5.

"Kung saan siya masaya, dun siya.'Tsaka masaya naman ako sa nangyayari sa kanya ngayon, e," sagot niya.

Ngunit si Vaness mismo ay masaya raw sa Kapuso network. Kahit daw wala siyang existing contract ay hindi siya nawawalan ng projects.

Bukod sa Basahang Ginto, napanood din si Vaness sa mga sumusunod na programa ng GMA-7: Gumapang Ka Sa Lusak, Ikaw Sana, Adik Sa 'Yo, Saan Darating ang Umaga, Dyesebel, ESP, Zaido, Impostora, Muli, at iba pa.

Natapos ang kontrata ni Vaness sa GMA Artist Center noong April 2010. Pero mananatili raw siyang Kapuso.

"Pag-uusapan pa po ulit namin ni Ma'am Ida [Henares, head ng GMA Artist Center] kasi hindi pa po ako ulit pumipirma. Pero dito lang ako, hindi ako aalis," sabi niya.

Wala pa rin siyang kasunod na project kapag natapos na ang Basahang Ginto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa po. So far, ang ginagawa ko lang na madalas, yung Startalk TX, dun ako palagi," sabi niya, na ang tinutukoy ay ang showbiz talk show ng GMA-7 tuwing Sabado.

THE BOYFRIEND. Kinumusta rin ng PEP kay Vaness ang boyfriend niyang si Biboy Ramirez.

"Ngayon po, nagpo-focus siya sa photography," banggit niya.

Kaka-celebrate lang nina Vaness at Biboy ng kanilang first anniversary bilang magkasintahan noong September 6. Sa bahay lang daw ni Biboy sila nag-celebrate kasama ang kanilang mga kaibigan.

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

"Hindi pa," sagot ng 22-year-old actress.

Kahit biruan?

"Minsan kapag nagbibiruan, pero yung seryoso, hindi pa."

Pero kung sakali, sa simbahan daw ang gusto ni Vaness na kasalan, ayaw niya sa beach.

THE EX-GIRLFRIEND. Ex-girlfriend ni Biboy ay ang ka-batch din ni Vaness sa StarStruck 3 na si Jackie Rice. Friends ba sila ni Jackie?

"Hindi naman kami magkaaway, hindi kami magkagalit. Nagpapasinan naman kami pag nagkikita kami."

Hindi ba sila nagpaplastikan?

"Kailangan ba plastikan?" natatawa nitong sinabi.

Kailan sila huling nagkita ni Jackie?

"Nung ginawa namin yung sa fireworks-fireworks chorva ng GMA. Ngumiti siya, e, di ngumiti rin ako."

Hindi raw sila nagtsikahan.

"At least pag nagkikita kami, hindi yung nagtataasan kami ng kilay," ngiti niya.

Kapag pinagsama sila ni Jackie sa isang project, okay lang kay Vaness.

"Bakit hindi? Trabaho yun, e. At least pareho kaming may income."

Kung ang project ay isang love triangle, pero si Jackie ang gaganap na girlfriend ni Biboy at siya ang mang-aagaw?

"Bakit hindi? Let's see."

Tototohanin niya ang pang-aapi kay Jackie?

"Ay, hindi naman kailangang totohanin! Hindi naman puwedeng ganun. Walang personalan. Trabaho, bakit pepersonalin?" sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN