Jejomar Binay first to cast vote among presidential candidates

May 9, 2016
<p>VP Jejomar Binay on casting his vote as early as 6 a.m.: "Sa simula pa lang eh UNA na tayo sa lahat," reads VP Binay's Twitter post today, May 9.</p>

Ipinagmalaki ni United Nationalist Alliance (UNA) standard-bearer Vice President Jejomar Binay na nanguna siya sa pagboto ng maaga kumpara sa kanyang mga kalaban sa pagka-pangulo.

Base ito sa status ni VP Binay sa kanyang official Twitter account ngayong Lunes ng umaga, May 9.

Ayon sa live tweets ng @Inquirerdotnet, si Binay ang ikalimang botante na bumoto sa precinct 189 ng San Antonio High School sa Makati City.

Alas-sais pa lang ng umaga ay nakapila na si Binay sa kanyang election precinct.

Bandang 6:05 A.M. nagsimulang markahan ni Binay ang kanyang balota ng mga napiling kandidato at natapos sa loob lamang ng walong minuto.

Kasama ni VP Binay na bumoto ang kanyang anak na si dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>VP Jejomar Binay on casting his vote as early as 6 a.m.: "Sa simula pa lang eh UNA na tayo sa lahat," reads VP Binay's Twitter post today, May 9.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results