Direk Wenn Deramas says he advised Toni Gonzaga to admit: "Yes, I'm hurting; yes, may away kami ni Mariel."

It was Wenn, who directs Toni in the ABS-CBN comedy-fantasy Kokey@Ako, who told her to admit her rift with Mariel Rodriguez: "Kasi yun ang totoo...kung nagpakatotoo ka, di ka nagmalabis sa kapwa mo, at wala kang ginawang masama, wala kang dapat ikatakot."


Sa presscon ng Kokey@Ako noong September 15, sinabi ni Toni Gonzaga na isa si Direk Wenn Deramas sa napagsabihan niya ng saloobin tungkol sa lumalalim na tampuhan nila ng kaibigang si Mariel Rodriguez.

Close ang TV host-actress sa direktor ng kanyang pinagbibidahang teleserye, at ayon pa rin kay Toni, si Direk Wenn ang isa sa nagbigay ng lakas ng loob sa kanya upang aminin sa publiko ang tungkol sa kanila ni Mariel.

Sa presscon ng Petrang Kabayo noong September 21—ng pelikulang ipapalabas na sa October 13—nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Wenn at kinumpirma niya ang kanyang mga naging abiso kay Toni.

"Kami kasi ni Toni, we talk a lot. Sa mga isyu na lumalabas, lagi kong sinasabi sa kanya is, 'Dun ka lang sa totoo, wag kang matakot na sabihin sa tao na, "Yes, I'm hurting; yes, may away kami ni Mariel," kasi yun ang totoo," panimula ng direktor.

"'At the end of the day kasi, wala kang ibang puwedeng sisihin kungdi ang sarili mo kasi di ka nagpakatotoo. Pero kung nagpakatotoo ka, di ka nagmalabis sa kapwa mo, at wala kang ginawang masama, wala kang dapat ikatakot.'"

Aminado si Direk Wenn na mas malapit siya kay Toni kaysa kay Mariel, pero ikinalungkot pa rin niya ang naging tampuhan ng dalawa, lalo't alam niya na malalim ang naging pagkakaibigan ng mga ito.

"Siyempre, unfair, kasi di pa kami humahantong ni Mariel sa ganung klaseng friendship. Ano pa lang kami, text-text, hi, hello, bati-bati.

"Kami ni Celestine [Toni] ay iba. Mahal na mahal ko yun dahil nakakita ako uli ng isang kaibigan.

"Parang si Judy Ann Santos 'yan sa akin, na after ng trabaho kaibigan mo pa rin. Hindi man kami magkatrabaho—text, magkikita, magkukuwentuhan, magsasabihan ng loob. At saka hindi showbiz.

"Kami ni Mariel, magkaibigan kami, magkaibigan kami ni Robin. Mas magkaibigan kami ni Robin, nagmamahalan kami niyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nalulungkot ako sa nangyayari kasi masyadong magkaibigan sila ni Toni at masyado siyang nasaktan. Sabi ko nga kay Toni, maaayos at maaayos 'yan in time. Wag nilang madaliin, wag nilang puwersahin, maaayos din yan."

VICE GANDA. Bilang direktor ng Petrang Kabayo, agad rin siyang tinanong ng PEP kung hindi ba nagkaroon ng problema sa pagitan nila ni Vice Ganda lalo't open ang komedyante sa pagsasabing mayabang siya kahit noon pa.

"Alam mo si Vice, sinasabi lang niya na mayabang siya, na malaki ang ulo niya. Pero kung makikilala ninyo lang ang tunay na siya, malalaman ninyong mali!

"Kasi ako, di ako tutulong kung alam kong impakta ang tutulungan ko.

"Ako kasi nakilala ko si Vice na hindi pa siya sikat. Ako ang kauna-unahang direktor niya sa TV, yung Kokey. Ako ang kauna-unahang direktor niya [sa pelikula], sa Apat Dapat [Apat Dapat, Dapat Apat: Friends 4 Lyf and Death, 2006].

"Nakita ko siya, yung totoong siya.

"Ako, masasabi ko na bumait si Vice ngayon. Habang sumisikat siya, bumababa ang loob niya, kaya masarap siyang tulungan.

"Ang ganda ng epekto sa isang tao ng ganitong pagsikat."

KOKEY @ AKO. Ang Kokey@Ako ay pinagbibidahan nina Toni, Vhong Navarro, Melai Contiveros, at Jason Francisco.

Kahit na may aliens ang istorya, kuwentong may-puso pa rin daw ito.

"Oo naman, kasi ang istorya nito," sabi ni Direk Wenn, "isang batang kinuhanan ng mga magulang. Di lang ng nanay, di lang ng tatay, kinuha at nawala ang memorya ng lahat, dahil nga sa tragic na nangyari na pagkuha ng mga aliens sa magulang niya.

"Journey ito ng isang bata, played by Toni, na bakit nangyari sa kanya ito, ng isang prinsesang bata, may-ari ng isang network ang lola niya, at sikat na scientist ang tatay niya. Talagang sobrang yaman na bata na umabot sa kalye natutulog."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN