Eat Bulaga! in Anaheim, California (Part 1): The highlights and sidelights

The Dabarkads opened the show with "Get Back," a song popularized by the Beatles in 1969.

(From left) Jimmy Santos, Vic Sotto, Pia Guanio, Joey de Leon, Pauleen Luna (partly hidden), Jose Manalo and the EB Babes were warmly greeted by the Pinoys who trooped to the Heritage Forum, described by Bossing (Vic's popular nickname) as "sosyal na sabungan."


Hiwa-hiwalay ang naging pag-alis ng Eat Bulaga! Dabarkads ng Pilipinas patungong Anaheim, Orange County, California para sa kanilang September 18 show doon.

Ang unang grupo, led by TAPE, Inc. (Television and Production Exponents, Inc., producer of Eat Bulaga!) president Tony Tuviera (o Mr. T), ay tumulak noong nakaraang Martes, September 14.

Kabilang sa grupong ito sina Joey de Leon, na hinihintay na ng kanyang asawang si Eileen na nauna na sa California; Anjo Yllana, Julia Clarete, Pauleen Luna, Jimmy Santos, Allan K., Phillip Lazaro, and Bulaga lady boss Malou Choa-Fagar, kasama ang ilang major members ng production staff ng show.

Cathay Pacific ang napiling eroplano ni Mr. T, natatakot kasi itong baka mag-strike na naman ang Philippine Airlines (PAL) at maapektuhan ang lakad ng grupo. May stopover dapat ng mga isa't kalahating oras sa Hong Kong ang Cathay flight ng first batch, pero dahil na-delay ang eroplano mula Hong Kong patungong Manila, ay delayed din ang Manila to Hong Kong flight ng grupo.

Pagdating sa Hong Kong ay wala nang pahi-pahinga pa at paspas agad ang grupo sa terminal, kung saan sila na lang ang hinihintay ng connecting flight to Los Angeles International Airport o LAX.

ARRIVALS. Mga alas diyes pasado na ng Martes din (September 14, LA time) nakalapag ang Cathay flight sa LAX at sa arrival area ay naghihintay na kay Joey de Leon ang misis niyang si Eileen na tila miss na miss ni Joey dahil ilang beses din siyang nahuli ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na panay ang yakap, kabig at halik sa asawa habang tulak-tulak ang kanyang mga bagahe.

Kasamang naghihintay with Ms. Eileen si Mrs. Madelaine Tuviera, misis naman ni Mr. T, na agad ding niyakap ni Mr. T pagkakita dito at magkaakbay pa silang naglakad papunta sa kanilang sasakyan.

Si Julia Clarete naman ay sinundo ng kanyang mommy na matagal nang nakabase sa California. Isang matunog na "Mom!" ang isinigaw ni Julia pagkakita dito at agad siyang tumakbo para yakapin ito. Sa airport din sila naghiwalay ng kanyang mommy dahil hindi na ito sumama sa grupo na tumungo naman sa kanilang hotel sa Anaheim, which is about 45 minutes drive from LA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging sina Mr. T at ang misis nito ay humiwalay na rin sa grupo dahil iba ang ruta nila. May bahay kasi sa Glendale si Mr. T at doon nila gustong tumira habang nasa Amerika. Bale pa ay si Ms. Eileen lang ang sumama sa grupo patungong Anaheim.

STRIPPER POLE IN LIMO BUS. Aliw na aliw ang grupo pagsakay na pagsakay sa black limo bus na pinagsundo sa kanila. Ang limo bus, isa lamang sa pag-aari ng Pinoy businessman na si Felix Santillan, ay may mala-disco na ambiance sa loob. May laser lights ito, dancing pole, lighted floor, mini bar, at sound system na compatible sa iPod, kung kaya't kung hindi mo type ang "house" music ay puwede mong isalang ang laman ng iyong iPod.

Paikot ang ayos ng mga upuan kaya maluwag ang gitna na tamang-tama sa kuwentuhan at sayawan. Pakwelang nagsampol ng pole-dancing si Allan K, na tila hindi nauubusan ng energy basta't makapagpatawa lang.

Matapos ang initial shock ng grupo sa kakaibang limo bus ay nag-decide ang lahat na mag-stopover pa sandali sa In-N-Out Burger, isang sikat na burger joint sa Amerika na minsan ding kin-rave ni Judy Ann Santos noong naglilihi palang ito sa kanyang forthcoming baby na si Lucho. May malapit kasing branch nito sa airport kaya nag-decide ang grupo, sa paimbita na rin ng Anaheim producer ng show na si Ernan Ebreo, na mag-late night snack, tutal, pawang di nila nagustuhan ang pagkain sa eroplano during the 14-hour flight from Hong Kong.

Matapos noon ay dumiretso na sa Anaheim ang grupo at pasado alas dose na noong makarating sa Knott's Berry Farm Resort Hotel along Crescent Avenue sa Buena Park, Anaheim.

Kinabukasan ay may kanya-kanya nang lakad ang ilan sa Dabarkads. Hindi na namin nasilayan sa hotel ang mag-asawang Joey at Eileen at nabalitaan naming umalis din si Pia at nakipagkita sa ilang mga kaibigang taga-California. Si Julia ay pinasyal ng kanyang uncle sa Downtown Disney na katabi lang ng Disneyland. Hinatid siya ng tiyuhin na naka-BMW sa hotel right after.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Pauleen din ay may kinatagpong mga pinsan, habang si Anjo ay ipinag-drive sa shopping-an ng kayang tiyuhin na galing pa ng San Francisco. Even si Malou Fagar ay nakipagkita sa kanyang tiyahin na isang sikat na caterer doon. Kliyente nito ang asawa ni Atty. Mike Garfinkel na siyang tumutulong sa Pinoy celebrities, gaya ni Charice Pempengco, sa kanilang mga legal documents sa Amerika.

However, aware ang lahat na by six in the evening ay dapat nag-iipon-ipon na ulit sila sa lobby ng hotel para sa nakatakdang dinner with Mr. T.

CRABS AND OCTOPI. Nakagawian na ni Mr. T na mag-treat ng dinners tuwing nasa abroad ang Dabarkads at sinisiguro niya na kakaiba at bongga ang bawat dinner nila sa anumang lugar. Ang first-night dinner (September 15, Wednesday) ay naganap sa Pacific Fish restaurant na nasa The Pier, isang oceanfront dining and entertainment hub sa Redondo Beach, California.

Para makarating dito ay kailangang mag-drive nang may halos isang oras mula Anaheim kaya naman alas-sais ang call time ng grupo para magkita-kita sa hotel lobby. Sulit naman ang biyahe dahil ang pambato pala ng Pacific Fish ay ang kanilang freshly-boiled Dungeness crabs. Kay Pia Guanio namin nalaman ang tawag sa malahiganteng crabs na isinerb that night.

Apat na tables ang na-occupy ng grupo at pinagtabi-tabi ang mga ito kaya naging dalawang long table. Binigyan muna ng mga plastic disposable aprons ang bawat isa at tig-iisang gavel na pampukpok sa mga sipit ng alimango.

Bago dumating ang crabs ay may mga appetizers muna gaya ng squid rings, tuna sashimi salad, at baby octopi na tila ini-steam lang. Hindi masyadong patok sa tropa ang mga baby octopi kung kaya't imbes na kainin ay napakinabangan ito sa picture-taking. Si Pauleen Luna at Pia Guanio ay ginawa pang tila action figures ang mga ito at pinag-usap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaprito naman ni Joey ang mga baby octopi ng table nila dahil mas okay daw kainin kapag ganoon. Karamihan kasi ay nalalansahan sa exotic dish na ito. However, hindi pa rin gaanong napansin ito lalo na nang dumating na ang main course na crabs.

Matapos ang masaganang dinner ay nagyosi break naman sa labas ng restaurant ang mga smoking members ng tropa. Pampaalis suya at ginaw—papuntang fall na kasi ang weather kung kaya't mala-Baguio sa lamig ang klima lalo na sa early morning at gabi. Ang iba naman ay nag-picture-taking sa may wharf kung saan maraming nga Amerikanong namimingwit pa kahit gabi. Popular hobby sa Amerika ang line fishing.

Mga alas onse na ng gabi nang makabalik sa hotel ang tropa at inabutan na nila doon ang mga kadarating lang na pitong members ng EB Babes na sina Molly Baylon, Rose Ann Boleche, Maricon Mangampo, Mergene Maranan, Stephanie Tan, Saida Nolan and Ria Duenog, na pawang mga first-timers sa Amerika.

Agad silang pinagpahinga ng kanilang Ma'am Malou Fagar para ready na sila for the next day's activity.

COMEDY NIGHTCAP. However, by showbiz standard ay maaga pa ang mga oras na 'yon at simula pa lang ng aksyon. Hindi inalintana ang jetlag, nag-decide na mag-nightcap inuman ang ilan sa grupo, kabilang na si Allan K., Phillip Lazaro, Pia Guanio, Julia Clarete at Malou Fagar sa hotel. Pero dahil alas diyes pa lang ay sarado na ang bar ng hotel na Amber Waves ay nagpaalam na lang sila kung puwedeng uminom na lang sa lobby, na pinayagan naman ng Kanong manager. Ibinaba na lang nila ang mga beer, tequila at mojito na nabili na earlier pa on that day.

Naging kuwela ang gabi at nagmistulang comedy bar ang lobby nang magsimula nang magpatawa ng mga komedyanteng sina Allan K. at Phillip Lazaro. Noong una ay kung anu-ano lang ang topic nila hanggang sa maging impromptu acting contest cum audition ito. Nagtagisan ng wit ang dalawa na para hindi matalo ay umabot pa si Allan K. sa literal na pagpapatulo ng luha. Literal din na gumugulong sa kakatawa ang mga kainuman nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maya-maya pa ay gibberish na kung magsalita si Phillip, samantalang si Allan K. ay bigla na lang natulog sa isang sofa sa lobby. Hindi kasi palainom si Allan pero that night ay nasa mood siya, pero madaling "tinamaan."

Gising naman ang wisyo nito dahil nang marinig niya ang birong plano ng grupo na iwanan na lang siya sa lobby ay nagsalita ito ng, "Gising ako, noh!"

Bago naghiwa-hiwalay ay ipinaalala ni Malou Fagar na 11 a.m. the next day ang call time sa lobby para sa meet-and-greet ng tropa sa iba't ibang Pinoy communities sa California.

MICHAEL V GETS DEPLANED. The next morning of September 16, Thursday ay ready na ang tropa for the meet-and-greet, except for Joey de Leon and Vic Sotto na parating pa lang that night.

Nagkaroon muna ng tension dahil na-late ang limo service ng tropa kaya alas dose na nang makaalis ng hotel ang grupo. On the way to Carson, nakatanggap ng tawag si Malou Fagar mula kay Michael V. o Bitoy.

Noong maaga pa ng Miyerkules (California time) ay worried na si Malou na baka hindi makaalis ng Pilipinas si Michael V. gawa ng may sore eyes ang isang anak nito at maging si Bitoy ay kagagaling lang mula sa nasabing sakit.

Sa tawag ni Bitoy na iyon na-cofirm ni Malou na hindi na nga makakarating si Bitoy na supposedly ay parating na dapat ng gabing iyon sa LA.

"Na-deplane daw si Bitoy," paliwanag ni Malou matapos ibaba ang telepono." Na-quarantine daw sila, 'tapos pinayagan naman ng doctor. Pero noong nasa plane na sila, pinababa raw sila. Ayaw daw silang payagan ng doctor daw ng PAL."

Hinayang na hinayang daw si Bitoy dahil first time pa naman niyang makakasama sa out-of-the-country show ng Bulaga. Maraming kasing commitments si Bitoy sa Pilipinas kaya hindi siya basta-basta nakakaalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal plinano ang trip niyang ito lalo pa't kasama niya ang buong pamilya, ang asawang si Carol at ang apat nilang anak. Aasikasuhin din sana ni Bitoy sa biyaheng ito ang turnover sa kanya ng kanyang nabiling bahay at lupa sa Corona, California, na one-hour drive lang mula sa Anaheim.

Bagama't nag-iiyak ang mga anak ni Bitoy na pawang looking forward sa pamamasyal doon, ay walang magawa si Bitoy kundi i-rebook na lamang ang flight. Ni hindi yata niya mare-refund ang kanilang mga tickets na isa pang nakahihinayang. Sayang din at hindi masasaksihan nang live ng mga taga-Anaheim ang pag-a-à la Lady Gaga ni Bitoy na mahusay pa naman niyang nai-impersonate.

At that point, alam na rin ng buong grupo na kinansel na ni Sen. Tito Sotto ang kanyang flight. Sabay sana silang luluwas ni Bossing Vic, pero na-dengue ang panganay nitong apo na si Romino, anak ng panganay niyang anak na si Apple. Pero may pasubali pa rin ang senador na baka makaalis ng Pilipinas sa Friday at makarating sa Anaheim just in time for the show, to fulfill his commitment.

MEET-AND-GREET. Back to the meet-and-greet, ang first stop ng grupo ay ang Nita's Restaurant sa Carson City, kung saan ay doon pala nakatira ang karamihan sa mga Pinoy sa California. Sikat doon ang Nita's dahil Pinoy home cooking ang menu dito gaya ng pinakbet, pork barbecue, fried chicken, sisig, fried tilapia at iba pa. Meron din silang buko at melon juice, habang sa labas ng restaurant ay may isang babae naman na nagtitinda ng prutas at gulay, gaya ng malunggay, gamit ang likod ng kanyang van.

Puno ng mga Pinoy ang loob ng restaurant kaya naman pinagkaguluhan agad ang mga artista. Nakiusap lang ang mga kasama ng grupong tagaroon na paupuin muna at pakainin ang mga bisita na talaga namang by that time ay gutom na gutom na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila hindi gaanong organized ang portion na ito ng promo dahil pagdating doon ay hindi pa nakahanda ang table ng grupo kaya naman ang ibang hindi na mapigilan ang gutom, kagaya ni Jimmy Santos, ay agad nang nakipila sa mga customers para kumuha ng pagkain. Nagsunuran naman ang iba sa kanya, gaya ng EB Babes.

Tila nahiya naman ang may-ari ng establishment at sinabihan silang gumawa na lang ng sariling pila at uunahin sila, na ikinagalit naman ng ilang "Americanized Pinoy" dahil bakit daw mauuna pa ang mga ito habang nakapila sila. Na-pacify naman agad ang sitwasyon na hindi naman dapat nangyari kung agad nilang na-prepare ang pagkain ng ine-expect pa naman nilang bisita.

Matapos kumain at energized na ay masaya namang nagpaunlak ng picture-taking ang mga EB hosts at EB Babes. Hindi gaanong nagtagal ang tropa dito dahil ang next stop, ang Jollibee sa Seafood City sa West Covina, ay bibiyahihin na naman ng isang oras.

Past three in the afternoon na nang makarating ang grupo sa Jollibee. Marami nang Pinoy na naghihintay at lalo itong dumami nang malaman nilang nandoon na ang tropa. Pinoy na Pinoy din ang ambiance dito at sa buong Seafood Plaza, kung saan tabi-tabi talaga ang mga Pinoy establishments at may monumento pa ni Jose Rizal. Pag nandito ka, iisipin mong nasa Farmers Plaza ka lang sa Cubao, Quezon City.

Isang oras lang ang inilaan ng grupo sa pakikipag-mingle sa mga Pinoy sa West Covina dahil by six in the evening ay bibiyahe na naman ang grupo papunta naman sa The Grove na nasa may Fairfax sa Los Angeles, na may isang oras o mahigit pang biyahe mula Anaheim.

Ang The Grove ay isang sikat na shopping and dining Center sa LA kung saan namamasyal kung minsan si Manny at Jinkee Pacquiao kapag nasa LA sila. Malapit kasi ito sa Hancock Park, kung saan nandoon ang bahay nila. Maihahalintulad sa Rockwell or Greenbelt ang lugar na ito kung saan ay marami rin palang namamasyal na Pinoy sa gabi kung kaya't hindi pa rin nakaiwas ang mga artista sa mga request ng picture-taking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BRAZILIAN DINNER. Sa The Grove kinatagpo ng grupo si Mr. And Mrs. T na magti-treat na naman ng dinner. Napili ni Mr. T ang Pampas Grill. Churrasco o Brazilian-style barbecue ang mga pagkain dito at may iba't ibang side dishes at desserts na pagpipilian.

Ang konsepto ng restaurant ay por-kilo self-service buffet. Lagay ka lang nang lagay ng pagkain sa plato mo at pagkatapos ay titimbangin at saka naman lalabas ang corresponding presyo. At dahil malaking grupo ang EB Dabarkads ay nagtayo si M. T ng isang tagabayad para sa grupo sa dulo ng pilahan.

Kung ano ang hapaw ng plato ni Jimmy Santos ay siya namang gaan ng plato ng mga EB Babes na tila lahat ay on a diet. Speaking of EB Babes, pagkakita ng mga ito sa boss nilang si Mr. T ay agad nilang niyakap ito sabay sabing: "Sir, thank you po for the opportunity." At sinagot naman sila ni Mr. T ng: "Wala 'yon, sige na, kain na. Pumila na kayo."

Tatay ng grupo ng si Mr. T at talaga namang hindi ito umuupo hangga't hindi nakakakuha ng pagkain ang lahat ng mga Dakarkads. Gina-guide pa niya ang karamihan sa mga ito kung saan sila te-table pagkakuha ng pagkain. "Nandoon sa itaas ang table natin, sa dulo. Akyat na kayo." Sa mga simpleng gestures na ganito makikita kung paanong pamilya talaga kung magturingan ang buong Dabarkads.

Samantala, matapos ang dinner ay humiwalay naman sa grupo si Pia Guanio para bumalik na sa Anaheim. Parating kasi ng gabing iyon si Vic Sotto—kasama nina Jose Manalo, Wally Bayola at Ruby Rodgriguez—at kailangan niya itong asikasuhin.

Kasama ni Pia na bumalik sa hotel sa Anaheim sina Joey de Leon, Eileen at Jio, ang bunsong anak nina Joey at Eileen na nag-aaral sa New York at pumunta sa Anaheim para mabisita sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, the rest of the Dabarkads and EB Babes proceeded to Cerritos, isang lugar na naman sa California kung saan maraming Pinoy.

Ang last stop kasi for the meet-and-greet ay ang Musikahan Sa Lutong Bahay Restaurant & Karaoke, kung saan ay marami na namang Pinoy na naghihintay para magpa-picture sa mga taga-Dabarkads. By this time, medyo tinatamaan na ng antok ang karamihan sa grupo pero sige pa rin sa kakangiti para sa ikaliligaya ng mga Pinoy doon.

Pasado ala-una na ng madaling-araw nang makabalik sa hotel sa Anaheim ang grupo at doon ay nakasalubong na nila sa lobby ang kadarating lang na sina Wally at Jose.

MGA EKSENANG EB BABES AND MORE. The next day, Friday in California at Sabado dito sa Pilipinas, ay may kanya-kanya na namang lakad ang Dabarkads.

Mga bandang alas-onse ay nakasalubong ng PEP si Vic Sotto sa lobby na dumating the previous night. Maaga pala silang gumising ni Pia para i-meet ang ilang kamag-anak ni Pia na nakabase na doon. Hinatid sila ng mga ito sa hotel. Tila dumaan sila sa isang convenience store dahil may bitbit na supot si Bossing. Nakipagtsikahan muna sa lobby sina Bossing at Pia pero nang tila mapansin ni Bossing na wala pang balak pumanhik ni Pia ay nagpaalam itong mauuna na siya at siya na ang magpapanhik ng mga pinamili nila.

Hapon pa ang nakatakdang rehearsals ng grupo sa Heritage Hotel kaya libre ang oras sa umaga. Hindi naman sinayang ng mga US first-timers na EB Babes ang chance at agad na nag-shopping kahit sa tabi-tabi lang. Nakuntento na muna sila sa Wal-Mart, na parang SM sa atin dahil halos kada kanto ay meron nito. May branch kasi nito na malapit sa hotel.

Ang kanang-kamay ni Mr. T na si Josie Tolentino ay sinabitan ng EB Babes nang malaman ng mga itong magwo-Wal-Mart ito. Tawa nang tawa si Josie nang ikuwento sa PEP na sa isang oras daw nilang paglilibot ay halos maubos na ang pocket money ng mga dancers na excited na namili agad ng pasalubong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Grabe, ang dami na agad nilang binili!" kuwento ni Josie. "Sabi ko, maghinay-hinay kayo, Wal-Mart pa lang ito."

Nang biruin namin ang isa sa kanila about it ay nangatwiran ito na, "Wala na po kasing time... gusto nga po sana naming mag-outlet, e."

Outlet ang tawag sa malalaking shopping centers kung saan inilalagak ng mga branded establishments ang mga out-of-season na nilang paninda at ibinebenta sa mas mababang presyo. Marami nito sa California, kaso, malalayo ito sa hotel ng Dakarkads sa Anaheim.

Friday pa lang ay torn na ang EB Babes kung ang libreng oras nila ng Linggo before the flight back to Manila ay igugugol ba nila sa Disneyland o mag-a-outlet ba sila. Target nila ang outlet ng Victoria Secrets. "Mura po kasi kumpara sa atin talaga." By Sunday, nalaman ng PEP na mas pinili ng EB Babes ang mag-shopping kaysa ma-meet in person si Mickey Mouse.

In fairness, sikat na doon ang EB Babes lalo na si Saida na kabilang kasi sa regular segment ng Bulaga na "Pinoy Henyo" sa role na stewardess na laging may baon ng kung anu-anong pagkain. Araw-araw sa Bulaga ay tinatanong siya ni Vic at Joey kung ang baon ba niya'y malinis or "Or it clean?" at nahahasa naman ang wit ni Saida sa kasasagot nito. Kaya naman maging sa California ay binabato siya ng mga Pinoy ng tanong na, "Is it clean?" kapag nakakaharap na siya, na sinasagot naman ni Saida ng either "Yes" o simpleng ngiti.

Napansin lang namin na maraming Pinoy na bumubulong na "ang liliit pala nila," kapag nakikita na sila in person.

Pagkatapos ng rehearsals at dinner noong Friday ng gabi ay tila walang kapaguran ang EB Babes at nagyaya na namang lumabas kahit daw sa Walgreens lang. Ang non-pro boxer na si Jose Desembrana, na isa sa mga nagda-drive para sa Dabarkads doon, ang pinakiusapan nilang mag-drive para sa kanila. At bilang pagsunod sa protocol ay nagpaalam naman si Jose kay Malou Fagar kung papayagan ba nitong lumabas pa ng gabi ang mga EB Babes. Pinayagan naman sila at sumama ang PEP sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpasok sa Walgreens ay tila sila mga batang hindi malaman kung ano ang uunahin. May isang pumunta agad sa ice cream section at agad na nilantakan ang ice cream, may isang namakyaw ng nail colors, may nagbusisi ng mga makeup, namili ng chocolates at iba pa.

During the show noong Sabado, halatang may sariling pala na rin sila lalo na nga si Saida. May mga gumawa pa ng banners for them at isa dito ay ganito ang nakasulat: "Saida, pa-kiss!"

(CLICK HERE for Part 2)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN