Raymond Bagatsing says chasing his Hollywood dream allowed him to find himself

After four years in the United States, Raymond Bagatsing's first public appearance was graced by the presence of his girlfriend, Mexican-American singer-composer Ilka Cortes (left). Asked if they're marrying soon, the twice-married, twice-divorced actor said: "The fact na dinala ko siya rito is one big step. Yung iharap ko sa inyo. Kasi, after ni Lara [Fabregas, ex-wife], wala na akong hinarap sa inyo na kahit sino. Kung ano-ano pang tsismis na lumalabas na kesyo naglaladlad daw


Nagulat kami nang makita namin si Raymond Bagatsing sa taping ng Paparazzi kahapon, September 25, sa Visual Lights Studio sa Makati. Wala kasing balita na nasa bansa na pala ang award-winning actor.

Ilang taon din siyang namalagi sa Amerika at naging kontrobersyal nang malamang nagpakasal siya sa 60-year-old U.S.-based Filipino columnist na si Cora Pastrana.

Hindi pa rin nauubusan ng sorpresa si Raymond. Laking gulat uli namin nang ipakilala niyang girlfriend ang kasama niya sa taping ng Paparazzi, nasiIlka Cortes, isang Mexican-American.

MARRIED FOR LOVE. Kaya ang tanong namin sa kanya, what happened to his marriage with Cora?

"Past is past," nakangiti naman niyang sabi. "Wala na, tapos na."

Diretso na naming sinabi sa kanya na nang mabalitaan ang pagpapakasal niya kay Cora, nagdulot ito ng iba't ibang ispekulasyon at komento. Karamihan ay nagsasabing baka "marriage of convenience" lang ang nangyari sa kanila ng kolumnista.

"Yun ang tingin nila...," ang sagot ni Raymond.

Pero para sa kanya, "You marry people because of love.

"Of course!" tahasan pa niyang sinabi. "Why would you marry someone if it's not because of love?"

Marami kasing kumuwestiyon kung talagang posible raw bang na-in love siya sa isang babaeng doble ang edad sa kanya?

"Posible, posible! Sabi ko nga, e, age doesn't matter. If you don't mind, then it doesn't matter."

Ayon kay Raymond, na isang green-card holder na mula Disyembre 2009, nag-divorce sila ni Cora less than a year after their wedding. Pero maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay.

"Good friends... we're good friends," sabi nga niya.

Isang buwan na pala siya sa bansa pero hindi raw muna siya nagpapaka-visible sa showbiz.

"Siyempre kasi, uunahin ko ang pamilya ko. Four years kaming hindi nagkita, so, hindi ko inuna ang showbiz, hindi ko inuna ang interview. Na-miss ko ang Pilipinas, na-miss ko ang pagda-drive sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko lang talagang makasama ang pamilya ko, father ko, lalo na at nagkakaedad na."

ILKA CORTES. Tungkol kay Ilka, "Isa siyang singer-composer. Nakabenta na siya ng... Kasi when I went to L.A., nagkita kami ro'n, nagkatulungan kami. Na-meet ko siya sa isang studio na pag-aari ng best friend niya.

"I was trying to make a deal with them to promote me in Hollywood. Tumutulong siya ro'n. Nagkatulungan kami. Dahil nagtugma...kasi ang kultura nila, iisa sa kultura natin."

Magtu-two years na rin daw ang relasyon nila ni Ilka. Nauna raw siyang umuwi ng Pilipinas, at magtu-two weeks pa lang ang girlfriend sa bansa. Pero babalik din daw ito ng U.S. anytime soon.

"Meron siyang mga songs na naisulat doon para sa mga international artists. Hindi natin kilala, pero doon kilala sa Amerika."

May plano na ba silang magpakasal?

Nangiti ito sabay sabi nang, "'Yan ang depende... Kasi, kapag sinabi ko, mape-preempt na if ever one day you do choose to propose. Siyempre, lahat ng relationship gusto mong mapunta sa maganda, pero, tinatantiya mo palagi. 'Okay ba kami ngayon? Bakit kahapon?'

"Then, kung one day, wow, may maramdaman ka that, 'I want to be with her for the rest of my life,' the fact na dinala ko siya rito is one big step. Yung iharap ko sa inyo.

"Kasi, after ni Lara [Fabregas, ex-wife], wala na akong hinarap sa inyo na kahit sino. Kung ano-ano pang tsismis na lumalabas na kesyo naglaladlad daw ako," natatawa niyang sabi.

Since si Raymond na rin ang nagbanggit, bakit nga natsismis siyang gay? In fact, may lumabas na sa Amerika daw ay nagdadamit siya ng pambabae.

"E, siguro, dahil sa rami kong napanalunang award dahil sa bading ako. And also because... siyempre, nag-ballet pa ako.

"Weird ang choices as an actor. But then, my choices are one of the hardest but in a very machismo culture, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAKING PEACE WITH LARA. May communication pa ba sila ni Lara?

"Well, we're friends in Facebook. Noong nandoon ako, actually, I have so much time to concentrate. So, when I got there, wala naman akong trabaho.

"Paminsan-minsan kumakanta 'ko. Nagtuturo ako ng acting. But, siyempre, napag-isip-isip ko yung mga karanasan ko sa Pilipinas."

Bukod sa pagiging singer at acting coach ay certified yoga instructor na din daw siya.

"Kapag nandito ako, busy-busy, taping-taping. Pasok sa character, you get into the character, yung ganoon. Puro art.

"Pagdating ko ro'n, contemplation. Iniisip ko lang, naglalakad kang mag-isa kasi hindi mo magawa rito. Hindi ka makapaglakad mag-isa. Naisip ko yung past ko. Naisip ko si Lara.

"So, nag-e-mail ako sa kanya. Sabi ko, 'Alam mo, napag-isip-isip ko... alam ko na alam mo that I'm very apologetic. Both of us are, na hindi natuloy yung marriage natin.

"But we both knew the consequence because we only knew each other for two weeks before we decided to get married.

"But the thing is, nevertheless, 'eto ang mga pagkakamali ko, gusto kong aminin. 'Eto, mali ako rito, mali ako rito... kung meron pa 'kong walang nabanggit diyan, please tell me at ia-admit ko. But I only wish the best for you and [that] everything goes well.'

"And she told me, 'I would not change anything that happened to us and I'm thankful for it.'"

Dugtong pa ni Raymond, "I heard pa, I don't know kung totoo, pero I heard, nagpa-interview pa siya rito at tinanong siya, 'Ano ba nangyari kay Raymond Bagatsing?'

"At sabi niya, which is, natuwa naman ako, 'Raymond is a smart man. He knows what he is doing. Hindi siya gagawa ng isang desisyon na...hindi naman siya basta-basta mababaliw lang dahil nasa Amerika siya.'

"'May mga taong nahihirapan. Ang Amerika, nakakabaliw, kasi hindi siya masayang lugar. Ang mga tao, hindi close. Ang mga tao, palaging nangingilatis ng katalinuhan mo, they look down on you. Kasi, ang mga Amerikano, ganoon, e. Mas magana ang isip kesa sa puso.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIS HOLLYWOOD DREAM. May mga projects na raw na naka-line up para sa kanya pero hindi pa niya masabi at makumpirma ang mga ito.

Aniya, "May offer, may mga nagpapa-reserve na ng October. Hindi ko na babanggitin kung anong channel. Dapat meron na, pero hindi lang natuloy. Ako naman, wala naman akong ano, kahit anong channel...

"Na-miss ko rin ang Philippine showbiz. Siyempre, puro English ang audition mo ro'n. E, dito, na-miss ko ang salita ng Tagalog."

Ano ang mga pinagkaabalahan niya sa loob ng apat na taong nasa Amerika siya?

"Well, noong una kasi, gusto kong magpahinga. Gusto ko lang mapag-isa. Bago 'ko umalis, marami na ang humihikayat sa akin na pumasok ng politics. Kasi, ang pamilya ko nasa politics.

"Sabi ko, 'Kung magsisilbi ako, kailangan ko munang makilala ang sarili ko nang husto.' Kailangan kong mawala do'n sa lugar na kilala 'ko ng tao. Kailangan kong maghirap ulit. Mag-umpisa.

"Sabi ko, 'Tamang-tama,' nabuksan kasi ang opportunity sa Hollywood dahil sa Hollywood Dream [reality TV program]. Noong ginawa ko yung Hollywood Dream, nagpunta 'ko sa Amerika at nag-audition ako para sa mga director.

"E, sabi nila palagi sa amin, 'Si Raymond Bagatsing magaling. Kaya lang, ang kaya niya lang gawin e maghirap din siya tulad ng ibang artista rito, mag-umpisa ulit kung gusto niyang mapansin.' Natsa-challenge ako ro'n kasi maganda ang feedback sa akin.

"Ang sabi ko, 'Sige, habang nandoon ako, mawawala ako sa showbiz. Mawawala ako sa comfort zone ko.'

"Mag-uumpisa ulit ako as a nobody, di ba? Doon, mararanasan ko ulit yung makilala ang sarili ko. Hindi yung Raymond Bagatsing na nirerespeto. May pangalang Bagatsing.

"Doon, natuto kang maglaba, lahat... mas tumibay ang pag-iisip mo. Imagine mo, naranasan mo na ang magandang buhay, babalik ka ulit sa ganoon? Yun ang magandang paghasa ng pag-iisip, pagtitibay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN