Tween Hearts star Louise delos Reyes dreams of becoming a policewoman

"Kapag nagkakasama kami, ang pinag-uusapan nila parati ay ang tungkol sa nangyayari sa police station, or ang mga nangyari sa pinuntahan nilang lugar. Kaya parang na-absorb ko po 'yon noong bata ako. Kaya feeling ko, cool ang maging isang pulis," says Louise delos Reyes about her father and brothers who are part of the police force.


Among the tween girls na nasa cast ng youth-oriented series na Reel Love Presents Tween Hearts ng GMA-7, pinakamarami nang naging exposure si Louise delos Reyes.

Louise is only 17 years old, pero more than 15 commercials na ang kanyang nagawa for major products.

Sumali at nanalo na rin siya sa ilang beauty contests, tulad ng Miss Lyceum of the Philippines University-Cavite 2010, Miss Teen Philippines International-Luzon 2007, Miss Jag Teen 2007, at Miss Teen Super Ferry 2007.

Nagbida na rin siya sa isang pelikula, ang indie film na Agaton and Mindy, kunsaan naging partner niya ang baguhang si Chase Vega.

Bago siya naging part ng cast ng Pilyang Kerubin at Tween Hearts, nakagawa na si Louise ng isang youth-oriented series sa TV5, Lip Gloss.

POLICEWOMAN. Sa dami ng naging exposure ni Louise sa showbiz, iisipin na pangarap niya talaga ang maging artista. Pero ayon sa kanya, ang una niyang ambisyon ay ang maging isang pulis.

"Opo, totoo po 'yon, maging pulis ang gusto ko!" nakangiting sabi ni Louise nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Tween Hearts last September 20 sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Paliwanag niya, "Kasi ang father ko ay pulis, tapos yung mga kuya ko, mga pulis din sila.

"Kapag nagkakasama kami, ang pinag-uusapan nila parati ay ang tungkol sa nangyayari sa police station, or ang mga nangyari sa pinuntahan nilang lugar. Kaya parang na-absorb ko po 'yon noong bata ako. Kaya feeling ko, cool ang maging isang pulis."

Pati nga ang favorite shows ni Louise ay kakaiba rin. Kung yung ibang tweens ay paboritong panoorin ang gaya ng Gossip Girl, High School Musical, at Hannah Montana, si Louise naman ay mga crime-drama series ang mas type niyang palabas.

"Favorite ko pong panoorin ang CSI, NCIS, Cold Case, Bones... Basta yung may kinalaman sa mga crime investigation. Mas nae-excite akong panoorin ang mga 'yon kesa sa mga teen shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi nga ng parents ko, parang ang weird ko raw kasi ang favorite shows ko ay mga pang-matatanda na. Bakit daw hindi mga shows na pang-teenagers ang panoorin ko.

"Sabi ko, mas marami akong natututunan sa mga gusto kong panoorin. Nakaka-relate din ako sa mga kuwentuhan nila daddy at ng mga kuya ko."

Nasa second year college na nga si Louise taking up Foreign Service sa Lyceum of the Philippines sa Cavite. Pero balak daw niyang mag-iba ng kurso, tulad ng Criminology.

Pero dahil sa naging busy na siya sa kanyang showbiz career, tatapusin na lang daw niya ang kurso na sinimulan niya.

"Baka mahirapan po akong magsimula ulit. Baka raw hindi ma-credit ang ilang subjects na na-take up ko na. So, tatapusin ko na lang po. Ngayon ay binabalanse ko ang time ko between school and work.

"Mabuti naman po at okey sa schedule ko. Hindi naman natatamaan ang mga school days ko. Parating after classes and weekends naman ang tapings namin," saad niya.

LOVE TEAM. Sa Tween Hearts ay gumaganap si Louise bilang si Luisa, isang wannabe popular girl na mai-in love sa campus heartthrob at student leader na si Derek (played by newcomer Derrick Monasterio).

Kuwento ni Louise sa PEP tungkol sa kanyang kapareha, mahiyain si Derrick nang una silang magkakilala. Pero pagkatapos daw ng kanilang workshop under their director, Ms. Gina Alajar, ay naging mas open na ito sa kanila.

"Okey lang naman na mahiya sa simula. Gano'n din naman ako. Pero eventually, kailangan maging open ka na para mas maayos ang pag-arte mo or ang pakikisama mo sa ibang artista.

"Nakuwento nga ni Derrick na kaya siya minsan nahihiya dahil daw sa height niya [5'10"]. Masyado raw siyang matangkad compared sa ibang guys sa show. Para raw siyang si Frankenstein.

"Sabi ko naman sa kanya, huwag siyang mahiya kundi maging confident siya. Bukod sa matangkad siya, guwapo pa siya kaya there's nothing to be shy about. Kaya doon na siya naging mas kampante. Nabawasan ang pagiging mahiyain niya noong mag-taping na kami," sabi ni Louise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood ang Tween Hearts tuwing Linggo ng hapon pagkatapos ng Party Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN