Iza Calzado goes sexy for TV show The Beauty Queen

For her new TV show, Iza Calzado wore a two-piece swimsuit as a contestant in a beauty pageant. "Parang na-disorient ako ng konti nang sabihin nila na gagawa kami ng teaser at ito ang mga two-piece swimsuits ang suot namin. Kinabahan talaga ako kasi I never wear those kinds of swimsuits. Okay lang ako sa one-piece pero yung parang bikini na, parang, 'Oh, my God!'"


Hindi pa raw nakikita ni Iza Calzado ang teaser ng bago niyang GMA-7 series na The Beauty Queen. Nakipagsabayan kasi sa kaseksihan nina Katrina Halili at Maggie Wilson si Iza at pare-pareho silang nakasuot ng two-piece swimsuit habang rumarampa sa stage.

Sobra nga raw kinabahan si Iza dahil first time nga niyang magsuot ng ganung kaseksi na swimsuit. Hindi raw inakala ni Iza na ganun ang gagawin nilang teaser.

"Parang na-disorient ako ng konti nang sabihin nila na gagawa kami ng teaser at ito ang mga two-piece swimsuits ang suot namin. Kinabahan talaga ako kasi I never wear those kinds of swimsuits. Okay lang ako sa one-piece pero yung parang bikini na, parang, 'Oh, my God!'" sabay tawa ni Iza.

"Pero I am professional about it and I did what I had to. Ayokong sabihin nila na maarte ako, di ba? Kaya I got into my swimsuit at tinuro sa amin ang blocking at paglakad pababa ng stairs at sa stage.

"Maggie was very helpful at siya ang nagbigay sa akin ng mga tamang ways to walk in a swimsuit. Kailangan daw fierce ang attitude ko kapag gano'n ang mga suot ko. Alam niya kasi na kinakabahan ako and she boost my confidence by saying, 'Kaya mo 'yan girl! You're very sexy!'"

GAINING CONFIDENCE. Inamin nga ni Iza na hindi siya sexy and she is far from having a perfect body.

"Honestly speaking, my body still needs more work. Hindi pa ako masyadong confident because may mga flaws pa ako.

"But I've been taking care of my body for quite some time now. I've lost a considerable amount of weight already. Lumiit na ang dress size ko, kaya for me, improvement na iyon and it makes me feel good.

"Pero alam nyo naman, we need to constantly improve. Hindi natatapos sa pag-lose mo ng timbang. Tuluy-tuloy lang tayo dapat. Kaya I've been doing a lot of sports lately. I've been running, taking up pilates and I took up pole dancing a few times.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just don't want to lose weight but I want to be flexible as well. Kaya nakakatulong din yung may mga dance numbers ako sa Party Pilipinas kasi gumagalaw ang lahat ng parte ng katawan ko."

Hindi naman daw obsessed si Iza sa pagpapayat kundi pinapanatili lang niya ang magandang porma ng katawan niya ngayon.

"Many people said nga na baka magkaroon na ako ng eating disorder sa sobrang obsessed ko nang magpapayat. Naku, wala akong eating disorder. I still eat pero in portions naman. May sinusunod akong diet because I'm into sports kasi. So far, wala akong problema sa pagkain ko.

"Many think kasi na porke't I was a fat kid noon, heto na ang pinaka-revenge ko na maging sexy. Yes, I was over 200 pounds noon but I use that as my inspiration. Hindi ako nahihiya sa katawan ko noon.

"I want to send out a message to other kids who have weight problems as well, na kung kaya ko, kaya rin nila. Determination and concentration lang yan. And of course, lots of support from the people you love and loves you back whatever body type you are in."

HAPPY BOYFRIEND. Happy naman daw ang boyfriend niyang si Atticus King sa gagawin niya sa The Beauty Queen. Nakita na raw nito ang teaser at natuwa ito sa nakita niyang improvement kay Iza.

"Siya pa ang nagsabi sa akin na I look okay and I don't have to worry," tawa pa ni Iza. "I know na he's just being a good and supportive boyfriend. Isa siya sa mga critics ko and I know na he's just being nice to me!

"Pero seriously, isa nga si Atticus sa nag-inspire sa akin to take care of my body. As you can see, Atticus has a great physique. Kasi nga he worked hard for it. Kaya kung ano ang nakita niya sa akin ngayon, he has something to do with it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REUNITED WITH DIREK JOEL. Natutuwa nga si Iza at reunited siya with Direk Joel Lamangan sa The Beauty Queen. Sa una kasing TV series ni Iza na Kung Mawawala Ka ay si Direk Joel ang kanyang director. Ngayon lang daw ulit sila magkakasama sa isang TV series. Pero sa movies ay ilang beses na silang nagkatrabaho tulad sa Sabel, Desperadas 1 and 2, Fuchsia at Dukot kunsaan nanalo si Iza ng Best Actress award sa Golden Screen Awards.

"Natuwa nga ako when they said na si Direk Joel ang magdidirek. Imagine, he was my first director sa unang TV series ko. Wala pa akong experience pa sa pag-arte noon except from doing a TV commercial. But Direk Joel was so patient with me at marami akong natutunan sa kanya talaga. Kung anuman ang narating ko ngayon bilang isang artista, utang na loob ko 'yan kay Direk Joel."

WHITE HOUSE. Bukod sa bagong TV show na magpi-premiere na ngayong October, may bagong movie rin si Iza na October din ipalalabas. Ito ay ang bagong horror movie ng Regal Entertainment na White House kunsaan gaganap si Iza bilang isang mapaghiganting Black Lady.

Sa White House naman ay muli niyang makakatrabaho ang director na si Topel Lee na ilang beses na niyang nakasama sa mga pelikulang Ouija, Shake, Rattle & Roll 8 at Sundo. Sa TV ay naging director niya ito sa Obra at Kaya Kong Abuting ang Langit.

"It's so nice to work with Direk Topel kasi he has fresh ideas and he works very fast. Marami siyang bagong pinapakita parati every time I work with him. Kaya itong White House, marami silang makikitang bago rito. Hindi siya yung typical na horror film, kasi may kakaibang twist ito. It will definitely be one of the scariest movie na mapapanood ninyo."

Kasama ni Iza sa White House cast sina Gabby Concepcion, Lovi Poe, Joem Bascon, Mo Twister, Maricar Reyes, Sarah Lahbati, Jarius Aquino, Richard Quan, Angel Jacob and Janus del Prado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa October 20 ang showing nito at magkakaroon ng premiere night on October 19 sa SM Megamall.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN