Joem Bascon on his love for Meryll Soriano: "I can sacrifice a lot para sa relasyon namin."

Meryll (inset) is going to a London fashion school in 2011, and Joem is looking to Skype, Facebook, video chatting, text messaging and other cyber tools to help them keep in touch. But if these are not enough to fill the void, he'll follow her there. "Ganyan ko siya kamahal," said one of the stars of White House, a Regal horror offering.


Higit na isang taon na ang relasyon nina Joem Bascon at Meryll Soriano simula noong magkatrabaho sila sa TV series ng ABS-CBN na I Love Betty La Fea. Ayon kay Joem ay tahimik at maayos ang kanilang pagsasama kaya wala pa raw silang nae-encounter na matinding problema.

Marahil dahil daw ito sa nagkakaintindihan sila ni Meryll. Pasensyosong tao raw kasi si Joem at kapag alam niyang medyo stressed out o mainit na ang ulo ni Meryll ay hindi niya ito sinasabayan. Kapag cool na raw ang lahat, doon lang daw niya ito kakausapin.

"Basically, gano'n naman talaga. Kapag may isang mainit ang ulo sa inyo, hindi mo dapat sinasabayan ng init din ng ulo. Kailangan may isang cool sa inyo. Alam ko na kasi ang ugali ni Meme. Aware ako sa mga kilos niya. Gano'n din siya sa akin," diin ni Joem.

LIKE A SECOND FATHER. Pero bihira raw mangyari ang mag-clash silang dalawa. Most of the time ay maganda ang nagaganap sa relasyon nila. Lalo't kapag nandiyan ang anak ni Meryll na si Elijah, who just turned three years old noong nakaraang August.

Ayon kay Joem, para na siyang pangalawang ama ni Elijah dahil nasasaksihan niya ang mga bagong ginagawa nito. Pero hindi naman daw niya inaagawan ng papel ang tunay na ama ni Elijah na si Bernard Palanca.

"Si Bernard pa rin ang tunay na ama ni Elijah. I just like to think na I'm his second father," ngiti ni Joem.

"Siguro dahil mas nakakasama ko nang madalas si Elijah kaya feeling ko anak ko na siya. Pero siyempre, nandiyan pa naman ang biological father niya. I can't be his replacement. Mananatiling Tito Joem lang ako ni Elijah."

MERYLL'S LONDON DREAM. Suportado ni Joem ang desisyon ni Meryll na magpunta at mag-aral sa London sa 2011. Matagal na kasing pangarap ni Meryll ang makapag-aral sa isang fashion school sa London. Three months lang daw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakapasa naman na si Meme sa fashion school na iyon and she's just fixing her papers. Isa-submit pa niya roon and she'll wait for a final confirmation kung kelan siya pupunta talaga doon.

"Excited nga siya kasi for so many years ay naka-set ang utak niya na mag-aral sa school na 'yon sa London. Happy ako na natupad na ang wish niyang 'yan and I am happily supporting her sa dream niyang 'yan."

Pero kahit na tatlong buwan lang na mawawala si Meryll, "For me, parang three years na iyon!" Sabay tawa ni Joem.

"Kami kasi ni Meme, bihira kaming hindi magkita talaga. Kahit na may trabaho kami, we still manage to see each other. Kaya I can't imagine na tatlong buwan siyang mawawala. Parang ang haba ng panahon na iyon for me.

"Pero nandyan naman ang Skype. Meron din naman video chat, may Facebook, may texting at kung anu-ano pa. Endless ang possibilities ng communication, di ba? But it's still different kung nandito siya sa tabi mo."

Ang pinakamatindi ngang gagawin ni Joem ay ang sundan si Meryll sa London kung maramdaman niyang sobra na siyang nalulungkot dahil hindi niya kasama ito.

"I can drop everything just to be with her. Ganyan ko siya kamahal. I can sacrifice a lot para sa relasyon namin," seryosong sagot ni Joem.

HAUNTED HOUSE. Kasama si Joem sa pelikulang White House ng Regal Entertainment kunsaan isa siya sa mga contestants ng isang reality show na kinunan sa isang kilalang haunted house.

Ang role ni Joem ay isang contestant ng mga bikini contest na parating natatalo at ang easy way na naisipan niyang magkaroon ng pera ay sumali sa reality show na ang premyo ay isang milyong piso. Pero hindi alam ng mga contestant ang mga panganib na mangyayari sa kanila.

Sa TV naman ay nasa high-rating Noah series siya ng ABS-CBN. Ginagawa rin niya ngayon ang Agimat series na Bianong Bulag kunsaan bida si Jason Abalos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN