LJ Reyes and Paulo Avelino still adjusting to new role as first-time parents

"Ginagawa rin naming lahat para ibigay ang lahat ng kailangan ng baby namin. Para kapag lumaki siya, lumaki siyang masaya, lumaking mabuting tao, at malusog," says Paulo Avelino about being parents to his and LJ Reyes's son, Ethan Akio.


Dalawang buwan pagkatapos niyang magsilang sa New York ay bumalik na ng Pilipinas si LJ Reyes noong Huwebes ng madaling-araw, September 30. Siyempre, kasamang dumating ni LJ ang anak nila ni Paulo Avelino na si Ethan Akio.

Noong mga unang linggo pa lamang daw ng September sana planong umuwi ni LJ. Pero kinailangan pa niyang ayusin lahat ng papers ng bata, pati na ang kalusugan nito, bago ibiyahe papuntang Pilipinas.

Last Saturday, October 2, ay sabay na humarap nang live sina LJ at Paulo sa isang interview with Joey de Leon sa Startalk.

Ayon kay LJ, talagang inilihim niya ang pagdating nilang mag-ina.

"Kokonti lang po talaga ang nakakaalam na darating ako. Kasi po, gusto ko munang ibigay kay Pao yung moment na makita niya muna ang baby," paliwanag niya.

FIRST MEETING. Tinanong ni Joey si Paulo kung ano ang naging pakiramdam niya nang nakita at nahawakan niya ang kanyang anak sa kauna-unahang pagkakataon.

Dapat kasi ay susundan ni Paulo si LJ sa New York para nandun siya pag nanganak ang kasintahan, pero na-deny ang kanyang application for a U.S. visa.

"Sobrang overwhelming yung feeling na, nandoon na, nasa kamay mo na. Ang liit-liit ng baby, nag-i-smile siya sa 'yo, kinakausap ka," nakangiting sabi ng young actor.

Isinilang ni LJ si Ethan Akio, o Aki, noong July 24, 2010.

Ikinuwento ni Joey na noong manganak daw si LJ at guest nila si Paulo ay nakita nila itong umiiyak. Kaya tinanong ni Joey si LJ kung umiyak bang muli si Paulo nang makita at mahawakan na ang kanilang anak.

"Eto, ewan ko lang po kung aaminin niya... Nasa bahay na kami, nagpapahinga kami ni Aki, ginano'n niya ako [hinawakan sa buhok]. Sabi sa akin, 'A, basta, huwag na lang!' Pagtingin niya sa akin, parang naluluha-luha na naman siya," medyo natatawang kuwento ni LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIRST FLIGHT. Kumusta naman si Aki sa unang biyahe nito?

"Sobrang behave nga po niya," sabi ni LJ. "Umiiyak lang siya kapag nagugutom siya or kailangan kong palitan ang diaper niya.

"Yun nga pong mga flight attendant, sabi sa akin, 'Ang behave naman ng baby mo.' Pati yung mga kasama ko sa plane."

First time din na live na ipinakita nina LJ at Paulo ang kanilang anak sa telebisyon. Tulog na tulog si Aki habang karga ito ni LJ.

Tingin daw ni Joey ay 50-50 ang nakuhang features ni Aki sa kanyang mga magulang.

Pero ayon kay LJ, "Tingin ko po, siya [Paulo]. Kasi, more on siya, e. Yung mata po, puwedeng sa akin pa, pero yung pababa na, sa kanya na."

BACK TO SHOWBIZ. Ngayong nakauwi na si LJ, may plano ba siyang bumalik sa showbiz?

"Opo, meron naman po. Gustung-gusto ko naman po ang ginagawa ko. Kaso, siyempre, kailangan ko pa pong alagaan si Aki," sagot ng StarStruck Season 2 First Princess.

Ano naman ang plano ni Paulo sa kanilang dalawa ni LJ?

"Siguro po, sa aming dalawa, aalagaan po muna naming mabuti si Aki," sagot ng young actor.

May message din si Paulo para sa kanyang anak: "Aki, don't worry, I'm gonna take care of you until you grow up. I'll try to help in any way I can. And I'll always be here by your side."

FIRST-TIME PARENTS. Kahapon, October 3, ay may taped interview rin ang Showbiz Central kina Paulo at LJ. Dito ay binahagi ng dalawang StarStruck alumni ang kanilang nararamdaman bilang mga bagong magulang.

Ayon kay LJ, "Kasi hanggang ngayon naman, kahit two months na siya, pag tinitingnan ko siya, 'Anak ba talaga kita?' Ganun, medyo surreal pa ang feeling.

"Pero masaya, masaya na together kami, ganyan. Tapos, lalo na kapag nandiyan si Pau, sobrang daldal niya [Aki], sobrang daldal talaga niya. Nagpapa-bibo sa daddy niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Paulo, "Sa ngayon, medyo kararating lang kasi nila nina LJ kaya medyo nag-a-adjust pa rin ako. Pero eventually, mape-perfect ko na rin na magpalit ng diaper...

"Ang pag-aalaga sa baby, kailangan na maski may yaya kumbaga... Pero most of the time, ako yung nagkukusa.

"Pero 'yon, kadalasan hindi ko nagagawa nang tama. Kaya ending, siya [LJ] rin yung gumigising kumbaga."

BAPTISM. Pinaghahandaan na rin nina Paulo at LJ ang binyag ni Aki na gaganapin sa first birthday nito.

Ilan daw sa mga kukunin nilang mga ninong at ninang ay sina Say Alonzo, Chariz Solomon, Chynna Ortaleza, Ryza Cenon, Chris Cayzer, Aljur Abrenica, Jan Manual, at Mart Escudero.

May mga madadagdag pa raw na mga pangalan sa listahan, marahil ay dahil na rin sa dami ng kanilang mga kaibigan.

Upang matupad ang kanilang mga plano para kay Aki, lalo raw magsusumikap si Paulo upang itaguyod ang kanilang pamilya.

Aniya, "Ginagawa rin naming lahat para ibigay ang lahat ng kailangan ng baby namin. Para kapag lumaki siya, lumaki siyang masaya, lumaking mabuting tao at malusog."

LOVE FOR EACH OTHER. Dahil sa pagdating ni Aki sa kanilang buhay, lalo pa raw umusbong ang pagmamahal at respeto nina Paulo at LJ sa isa't isa.

Ano ang mga napansin nilang pagbabago sa isa't isa?

Paulo: "Mas nag-mature in a way na parang mas naging lady—lady-like."

LJ: "Kahit naman nung wala pa kami dito, nung nasa States pa lang kami, nakita ko kung paano siya nag-work hard. Not just for himself but also for us.

"Gusto niyang pinagtatrabahuhan niya nang maayos, and I could see na gusto niya, gagawin niya by his hard work, all by himself, at hindi yung dahil aasa siya sa ibang tao. Doon ako bilib sa kanya."

Ano naman ang mensahe nila para sa isa't isa?

LJ: "Thank you for being the most fit dad to Aki and a very caring father to him. Marami pa tayong adjustment na gagawin. Sana maging happy tayo all throughout and mahal na mahal ka namin ni Aki."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paulo: "Alam kong magiging mabuti ka pang ina sa mga darating na araw at taon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN