Luigi Revilla, son of Sen. Bong Revilla, enters showbiz

Luigi Revilla follows in the footsteps of his father, actor and Senator Bong Revilla. Luigi is in the cast of the upcoming GMA-7 afternoon soap Koreana.


Pumasok na rin sa showbiz ang isa sa mga panganay na anak ni Sen. Bong Revilla na si Luigi Revilla.

Kasama si Luigi sa bagong afternoon series ng GMA-7, Koreana, na tinatampukan nina Kris Bernal, Steven Silva, at Rocco Nacino.

LUIGI'S MOTHER. Sa presscon ng Koreana kagabi, October 5, ay natawa na lang si Luigi dahil sa pauli-ulit na tanong sa kanya ng reporters kung sino ang nanay niya.

Alam naman kasi ng lahat na ang asawa ni Sen. Bong ay si Lani Mercado, na ngayon ay isa nang congresswoman, at anim ang anak nila: sina Bryan, Jolo, Inah, Gianna, Loudette, at Ram.

"Lovely Guzman po," sagot ni Luigi.

Nang tanungin kung model ba ang kanyang ina, ito ang sagot ng binata: "Hindi, non-showbiz, housewife... Siya lang ang nag-aalaga sa amin."

Sa paggu-Google ng PEP, napag-alaman namin na ang ina ni Luigi ay Political Science graduate sa University of the Philippines at anak ng may malaking katungkulan sa Bureau of Internal Revenue noong araw.

Mabuti at pinayagan siyang mag-artista ng mommy niya?

"Pumayag siya kasi kaga-graduate ko lang ng high school. Noon ko pa gustong mag-artista, pero ngayon lang ako pinayagan," tugon ng 18-year-old newcomer.

LIKE FATHER, LIKE SON. Ano naman ang sabi ng ama niyang si Bong Revilla sa pag-aartista niya?

"Okey lang sa kanya. Basta 'wag ko lang daw pababayaan ang pag-aaral ko," aniya.

Kumukuha si Luigi ngayon ng kursong Enterpreneur sa Endurun Colleges sa The Fort, Taguig City.

Mula noon pa ay alam daw niyang si Senator Bong ang tatay niya.

Gusto rin ba niyang pumasok sa pulitika tulad ng kanyang ama?

"Masyado pang maaga... Actually noon, gusto ko talagang sumali sa mga SK [Sangguniang Kabataan], pero hindi ko alam kung saan.

"Kasi, sa condo ako nakatira. Hindi ko pa alam kung paano tatakbo, lalo't school-bahay ako," sabi ni Luigi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ang relasyon niya sa kanyang stepmother na si Cong. Lani Mercado?

"Mabait naman po siya sa akin. Tuwing nagpupunta ako dun, tuwing Linggo, mabait talaga siya. 'Tita Lani' ang tawag ko sa kanya," sabi niya.

Sa mga kapatid niya, kanino siya close?

"Sa lahat, kina Brian, Jolo, Inah, pati sa asawa niya [Vince del Rosario]. Pero si Ram yung lagi kong kasama. Nagre-wrestling kami nun. Laki na nga niya, ang tangkad!" kuwento ni Luigi.

Ano ang masasabi niya na ikinukumpara siya sa half-brother niyang si Jolo?

"Iba si Jolo, iba rin ako kaya dapat hindi kami i-compare. Magkapatid kami at parehas kami ng dugo, pero siyempre magkaiba ang personality namin," sagot ni Luigi.

May girlfriend na ba siya?

"Meron....mommy ko!" biro niya.

Nakailang girlfriends na siya?

"A...mana sa tatay!" natatawa niyang sambit.

Ang modelong si Georgina Wilson daw ang crush ni Luigi.

Sa mga artistang babae, sino ang mga crush niya?

"Sina Marian Rivera, si Rhian Ramos," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN