Joseph Bitangcol regrets decision to leave ABS-CBN

"Kung papatol ako sa gano'n, sana dati pa. Kasi no'ng nag-uumpisa pa lang ako, ang dami nang indecent proposal, e. 'Saka mada-down ba ako ng ganito kung lumapit ako sa bading?" says Joseph Bitangcol about persistent rumors that he has a gay benefactor.


Nalantad sa publiko ang pinagdaanang hirap ni Joseph Bitangcol nang magkasakit at maospital ang kanyang ama. Sa interview ng young actor sa October 3 episode ng Paparazzi, inamin niya na iginapang niya sa mga kaibigan ang pangungutang ng pera para lang matustusan ang pagpapagamot sa kanyang ama.

Sa istoryang ito, lalong luminaw na sadsad na ang showbiz career ni Joseph kaya kinailangan na niyang humingi ng saklolo sa kanyang mga kakilala at kaibigan sa industriya.


Sa exclusive interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Joseph matapos ang guesting niya sa nasabing showbiz talk show ng TV5, tinanong namin siya kung ano ang nangyari sa career niya sa GMA-7, na nilipatan niya nang umalis siya sa ABS-CBN.

"Wala, e. Kasi wala akong makuhang project na maayos, e," sabi ni Joseph, na produkto ng Star Circle Quest ng Kapamilya network.

Patuloy niya, "Si Direk Manny ang manager ko no'ng nagpunta na ako ng GMA-7, matapos akong umalis sa ABS. E, walang gaanong project na...hindi niya ako mabigyan ng maayos na project sa GMA... Ewan ko. Siguro talagang wala lang project para sa akin."

Hindi kaya namimili siya ng projects kaya mahirap siyang bigyan ng trabaho?

"A, hindi," mabilis na tanggi ni Joseph. "Lahat nga ng ibinibigay sa akin, kahit bit roles, kinukuha ko na, e, para magkaroon. Wala naman ako sa posisyon para mamili, e."

WRONG DECISION. Noong nasa bakuran pa ng ABS-CBN si Joseph ay itinambal siya sa Koreanang si Sandara Park, na naging kasintahan niya sa totoong buhay. Pero nang umalis ng Pilipinas si Sandara at bumalik sa Korea upang subukan ang showbiz doon, tila naiwan din ang career ni Joseph.

"Parang gano'n," pagsang-ayon ng young actor. "Pero ang nainis talaga ako, yun nga, yung miscommunication sa management.

"Bago ako umalis sa ABS-CBN, may pinag-uusapan na pala sila, may plano pala sila dapat. And hindi sila aware na may kausap na pala ako sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gano'n ang nangyari, miscommunication. Parang may plano pa sila dapat sa akin. E, dahil sa miscommunication, huli na, kasi nga nakapagpaalam na ako."

Pinagsisihan niya ba ang naging desisyon niyang lumipat ng network?

"Siyempre," sagot ni Joseph.

Gusto niya bang bumalik sa ABS-CBN?

"Puwede siguro kapag may nakuha na akong bagong manager. Puwede rin naman akong lumapit sa kanila para magpa-handle uli kung may makakausap ako or makokontak ako.

"Kasi no'ng nagsi-search naman ako kung sino ang possible manager na puwedeng makatulong sa akin, mailap yung iba. Parang ang hirap lapitan, e," saad niya.

NOT CHOOSY. Nang muli naming itanong kay Joseph kung bakit nahihirapan siyang makakuha ng magandang project at kung nahihirapan ba ang mga nagha-handle ng kanyang career, naramdaman namin ang pagkayamot niya.

"Bakit gano'n? Bakit may natatanong kang gano'n? Gano'n ba yung dumarating sa iyo?" tanong niya.

Ipinaliwanag ng writer na ito tila imposible kasing mahirapang hawakan siya ng isang mahusay na manager, kaya puwedeng isiping baka mapili siya sa roles.

"Paano nga akong magiging mapili, ginawa ko nga yung Walang Kawala," sagot ni Joseph.

Tinutukoy niya ang gay-themed indie film na ginawa nila ni Polo Ravales.

Hindi niya ba naisip na dahil baka nagiging mapili siya sa projects kaya nahihirapan siyang ikuha ng projects?

"Hindi, never akong naging mapili," diin ni Joseph. "Naging mapili lang ako lately kasi puro sexy ang ibinigay. Ayoko na. Hindi nga ako kumportableng gawin talaga.

"Yung dati, parang to the last minute na mag-uumpisa na yung Walang Kawala, parang ayoko pa. Miniting nila ako para gawin na.

"Nakumbinsi ako na, 'Ganito lang ito, maayos naman... Si Polo kilala mo naman. Sige, sige. Baka nga magka-award.' Yun ang habol ko, actually."

May pagsisisi ba siyang naramdaman matapos niyang gawin ang Walang Kawala at hindi nangyari ang inaasahan niyang mangyayari sa career niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, yun lang. Hindi ko masyadong napag-aralan yung role. Hindi ako kumportable sa mga gagawin, e. So, ang tingin ko, ang pangit ng outcome ng movie.

"Pero lahat, yung writer, yung direktor [Joel Lamangan], magaling. Pero yung sa part ko, parang nakukulangan ako. So, bakit ko pa uulitin kung hindi ako kumportable uli?" paliwanag niya.

GAY BENEFACTOR? Dahil sa pinagdadaanan ngayon ni Joseph, iniisip pa rin ng iba na baka may gay benefactor siya na tumulong para sa pagpapagamot ng kanyang ama.

Hindi ba siya napipikon na hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos-tapos ang pagli-link sa kanya sa sinasabing gay benefactor niya?

"Okey lang naman. Kaso, yung mga paulit-ulit na, nasabi ko naman sa inyo. Bahala na kayo kung ano ang alam ninyo. Kanya-kanya lang naman 'yan ng pananaw.

"E, di ba, sabi ko na nga, kung papatol ako sa gano'n, sana dati pa. Kasi no'ng nag-uumpisa pa lang ako, ang dami nang indecent proposal, e. 'Saka mada-down ba ako ng ganito kung lumapit ako sa bading?" katuwiran niya.

Ano yung indecent proposal na inalok sa kanya?

"Yung mga common. Yung mga condo, gusto mo ng sasakyan... Tapos meron diyan na puwedeng makatulong sa career ko na puwede akong ipasok sa show, puwede akong pasikatin.

"Hindi ko nga ginawa dahil hindi naman ako para sa gano'n, e. E, di sana ngayon, hindi ako nawalan ng project," sabi ni Joseph.

Noon bang nangailangan siya ng pera ay hindi siya lumapit sa mga kaibigan niyang bading?

"Hindi, hindi," sagot niya. "May mga close akong bading. Pero hanggang gano'n lang.

"Ang hirap kasi no'ng iba, e, may mga bumabanat na lalapitan mo, ang gusto naman, lalandiin ka muna. E, huwag na lang.

"So, parang may mga barkada ako na kahit non-showbiz na tumulong sa akin, nahiraman ko," kuwento niya.

KEANNA REEVES. Napangiti naman si Joseph nang matanong namin siya tungkol sa rebelasyon sa sexy comedienne na si Keanna Reeves na naging malapit ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi ni Joseph na nagkaroon sila ng relasyon ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition winner.

"Hindi, naging close lang talaga kami. Nabigyan lang ng malisya ng iba na baka nga may nangyari na kasi ang dalas niyang magyaya kahit sa set, e. Sa set ng taping. Parang, 'Tara, labas tayo!'" napapangiting sabi ni Joseph.

Hindi naman itinanggi ni Joseph na nagpupunta sa bahay nila si Keanna at nagtitinda pa ito ng barbecue.

"Oo nga, lagi siyang nandoon. E, natutuwa nga ako sa kanya, e. Sila ni Mommy, close sila sa isa't isa. Pinagkakaguluhan din siya sa amin, ng mga tricycle driver. Hanggang doon lang."

May hatid na saya kay Joseph ang mga narinig niya mula sa amin na galing sa mga salita ni Keanna na minahal siya nito.

Kung may isang kaibigan daw si Keanna na gusto niyang magtagal sa buhay niya, yun ay si Joseph. "Marespeto at mabait" ang description niya sa young actor.

"Talaga? Astig, a!" bulalas ni Joseph. "Oo naman, minahal ko rin siya.

"Close na ano lang... 'Saka iba siya pag close kayo. Akala mo puro kalokohan lang siya. Pero pag nagseryoso siya, marami kang matututunan sa kanya."

Bakit hindi sila nakatuluyan ni Keanna?

"Hindi naman na...hindi naman paabutin pa sa gano'n. Close lang talaga," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN