Vhong Navarro keen on distancing himself from Toni-Mariel rift

Comedian Vhong Navarro hopes that the misunderstanding between his good friend Toni Gonzaga and fellow Kapamilya star Mariel Rodriguez will be resolved, for old time's sake.


Hindi nakaiwas ang komedyanteng si Vhong Navarro sa mga tanong kaugnay sa alitan na namamagitan sa dating magkaibigan na sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez.

Matatandaang nagsimula ang away ng dalawang dating magkaibigan nang lumabas ang balitang diumano'y may mga sinasabing hindi maganda si Mariel tungkol kay Toni, at sa ibang tao niya ito ipinaparating.

Mismong si Toni ang nagsabi, "Alam na nilang lahat 'yon, alam na ng mga taong involved. And this is not coming from one person, this is coming from different sources... Basta alam ko kung saan ako lulugar sa isang bagay at alam ko kung paano ako trumato ng mga taong pinahahalagahan ko sa buhay ko."

Ang seryosong pahayag ni Toni ay ginawa sa press conference ng Kokey@Ako noong September 15. (CLICK HERE to read related article.)

Pinabulaanan naman ni Mariel ang isyu nang humarap ito sa September 26 episode ng The Buzz: "Toni is my friend. I love Toni. So, with everything that's been said, gusto kong maalala 'yong friendship namin ni Toni for how it was. It was a good friendship. We loved each other. Kaya nakikiusap ako, sana huwag palakihin kasi pinapahalagahan ko ang mga kaibigan ko." (CLICK HERE to read related article.)

NOT TAKING SIDES. Hindi kaila sa marami na matalik na magkaibigan sina Vhong at Toni. Nagsimula ang friendship ng dalawa sa defunct comedy-news program ng Studio 23, Wazzup Wazzup.

Taong 2005 naman nang muling magtambal sina Vhong at Toni sa pamamagitan ng comedy-horror film na D'Anothers. Nasundan pa ito ng romantic-comedy movie, My Only U (2008).

Ngayon ay napapanood sina Toni at Vhong sa comedy-primetime series ng ABS-CBN na Kokey@Ako.

Kagabi, October 7, sa press launching nina Vhong at Yeng Constantino bilang bagong endorsers ng Rough Rider Jeans, na ginanap sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound, sinabi ni Vhong na hangga't maaari, ayaw niyang makisali sa gulo ng dating magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas maganda na wala na lang akong kampihan kasi sarili nilang away 'yon," paliwanag ni Vhong. "Ayoko makialam, pero advice ko bilang kaibigan ay sana magkaayos na lang sila."

Hindi naman daw nagtatanong si Vhong kay Toni tungkol sa isyu kapag magkasama sila sa taping, dahil hangga't maaari raw ay gusto niyang ilayo ang isip ng kaibigan sa mga personal na problema nito.

"Pagdating sa set ng Kokey, ayoko na masyadong marami siyang iniisip, and gusto ko mag-concentrate na lang kami sa trabaho," ani Vhong.

Incidentally, sangkot din sa usapin ang co-host ni Vhong sa Showtime na si Anne Curtis. Lumabas kasi sa isang ulat na si Anne diumano ang nagsumbong kay Toni tungkol sa hindi magagandang sinabi ni Mariel laban sa kanya.

"Actually, wala kaming time na pag-usapan 'yang mga ganyang bagay, kasi pag nagkikita kami ni Anne, mismong show na," sabi ni Vhong.

Muling natanong si Vhong kung naapektuhan ba ang friendship nila ni Anne nang sabihin niya on national TV (September 19 sa "Abunda Challenge" ng The Buzz) na mas mahal niya si Toni kaysa kay Anne.

"Sinabi ko naman 'yon dahil, siyempre, mas una kong nakilala si Toni, mas matagal kong nakasama si Toni, at sinabi ko 'yon bilang isang kaibigan. At the same time, I'm promoting Kokey@Ako, so iba 'yon.

"Iba naman 'yong pagpipili kasi, siyempre, ang hirap din naman kung magwu-walkout ka, at the same time nandun pa si Toni, nanonood. Kumbaga, ayoko namang mangyari 'yong ganun," sagot ni Vhong.

"Mahal ko si Toni at mahal ko si Anne. 'Tsaka asaran lang naman 'yon na biruan pero wala namang personalan kasi kami ni Anne, okey na okey naman kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN