Yeng Constantino at 21: "Siguro naman may karapatan na akong umibig."

"Ang dami pa rin po talaga akong gustong ma-achieve kahit apat na taon na po ako sa industriya, pakiramdam ko po minsan. Pero grateful po ako, pakiramdam ko parang meron pa kong dapat ipakita at ilabas. Kasi, di ba, mai-inspire ka talaga, 'yong ibang artista katulad nila Ate Toni [Gonzaga], lahat nagagawa nila... Hindi ko naman mapilit 'yong acting kasi hindi naman ako gifted dun. Pero subukan ko din po, why not? Basta mag-workshop lang," singer-so


At 21 years old, ready na raw ang singer-songwriter na si Yeng Constantino na magkaroon ng lovelife.

Sinabi ito ng Pinoy Dream Academy Grand Star Dreamer kahapon, October 7, sa press launching niya at ni Vhong Navarro bilang image models ng Rough Rider Jeans (RRJ), na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN sa Quezon City.

"Open na po ako ngayon magpaligaw. Ngayon po kasi masasabi ko na responsable na po ako. Hindi katulad nung bata-bata ka pa na parang pakiramdam mo tama lahat ng nararamdaman mo, tuloy 'yong magulang mo sobrang protective, 'Anak, naku, mag-ingat ka, hindi pa iyan 'yan.' So, mas naiintindihan ko na po ngayon 'yon. E, ngayon po, 21 years old na ako, siguro naman may karapatan na akong umibig," nakangiting pahayag ni Yeng.

Aminado si Yeng na may ilang binatang nagpaparinig sa kanya subalit mas gusto niya na magsimula muna ang lahat sa pagkakaibigan. Minsan daw ay lumalabas siya just to hang out, kasama ang ilang male friends.

Mas preferred ba niya na from showbiz ang kanyang magiging future boyfriend o mas gusto niya na non-showbiz para hindi masyadong lapitin ng intriga?

Sagot ni Yeng: "Sa akin kahit ano po. Kasi hindi naman po porke't showbiz, tatatakan mo na, na majority ganito na, o lahat ganito na porke't may naranasan kang hindi maganda, o pag non-showbiz naman, lahat loyal, hindi rin.

"So, it depends sa person, and malalaman mo lang naman kung kaibigan mo talaga 'yong person, kasi pag friendship nag-start 'yong relationship walang pretensions. So, makikita mo na agad kung sino siya."

Isang bagay raw na sigurado, ayon kay Yeng, hindi niya itatago sa publiko kung sino man ang kanyang magiging kasintahan.

"Basta pag sigurado na, malalaman naman po natin 'yan. Sasabihin ko po talaga. Ayoko rin naman kasi na kung magkakaroon ka ng boyfriend, ayokong tinatago. Gusto ko maging happy siya. Kasi, di ba, mas masarap 'yong sinasabi mong, 'Uy, boyfriend ko 'to,'? At the same time siya rin as a person, masarap din sa pakiramdam para sa akin 'yong sasabihin niya girlfriend niya ako, ia-acknowledge niya ako sa ibang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE SCORE WITH TUTTI. Sa ngayon ay nali-link si Yeng kay Tutti Caringal—drummer ng bandang 6cyclemind at co-host niya sa ABS-CBN late night show na Music Uplate.

Marami kasi ang nakakapansin na madalas siyang biruin ni Tutti sa programa. Nitong nakaraang 23rd Awit Awards na idinaos sa Centerstage ng SM Mall of Asia, Pasay City, noong September 30 ay panay rin ang kantiyaw ni Tutti kay Yeng, na ikinatuwa naman ng mga manonood.

Subalit nilinaw ni Yeng na biruan lang lahat ang namamagitan sa kanila ni Tutti at hindi totoong may magandang pagtitinginan sa kanilang dalawa.

"Wala naman pong mga ganun. Yung mga nakikita nilang closeness sa amin ni Tutti, dahil sobrang barkada po talaga kami, nagtutuksuhan. Kasi nakakatawa lang din minsan si Tutti, kasi mahilig 'yon sa mga...hindi naman babaero. Hindi ko siya nilalaglag, mahilig siyang pumuna ng mga babae. So, mahilig akong tuksu-tuksuhin siya," paliwanag ni Yeng.

"So, ang ginagawa niya para pang-asar sa akin, tinutukso niya ako sa kanya. Pero masaya lang talaga kami sa show, and as much as possible, ayaw naming haluan ng kahit anong kulay kung ano man 'yong relasyon namin dahil baka magkaroon kami ng wall sa isa't isa."

May particular qualities ba siya na hinahanap sa isang lalaki para magustuhan niya?

"Gusto ko po 'yong funny, nakakatuwa, 'yong kaya akong patawanin and 'yong susuportahan po ang music ko," sagot ni Yeng.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN