Director Rico Gutierrez upset that girlfriend and model Michelle Paloma got hurt trying to stop argument between Ryan Fariñas and another model

Nagsumbong kay Direk Rico Gutierrez si Michelle Paloma (main picture) na sinuntok daw siya ni Ryan Fariñas (inset) sa ulo. Nangyari raw ito nang subukang awatin ni Michelle ang away nina Ryan at ang modelong si JC. Anak si Ryan ng namayapang aktres na si Maria Theresa Carlson at ni Congressman Rodolfo Fariñas ng District 1 ng Ilocos Norte.


Masama ang loob ng direktor na si Rico Gutierrez nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon dahil apektado siya ng umano'y pananakit ni Ryan "Rye" Fariñas kay Michelle Bea Paloma.

Si Michelle ay girlfriend ni Rico, na direktor ng mga malalaking TV shows sa GMA-7 gaya ng Showbiz Central, Party Pilipinas, at Kap's Amazing Stories.

Isang print ad/TV commercial model naman si Michelle, na nakilala bilang "The Independent Model" nang maging contestant siya noong 2008 sa show na The Debutante ng QTV11(Q11).

Sa kabilang dako, anak si Ryan ng namayapang aktres na si Maria Theresa Carlson at ni Congressman Rodolfo Fariñas ng District 1 ng Ilocos Norte.

Ayon kay Direk Rico, kasalukuyang nasa Bangkok, Thailand, si Michelle para sa isang modeling project. Kaninang madaling-araw, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang girlfriend. Umiiyak ito.

Ang sumbong ni Michelle kay Rico ay sinuntok daw siya ni Ryan Fariñas sa ulo. Sinusubukan raw niyang awatin ang pag-aaway ni Rye at ng kanilang kaibigan si JC nang suntukin siya.

Barkada ni Michelle si JC na nagmo-model din sa Southeast Asia.

Nagtatalo sina Ryan at JC, sabi ni Michelle, at tinangka ng huli na pumagitna sa argumento upang matapos ito. Noon daw siya sinuntok sa ulo ni Ryan.

"I want Ryan to apologize to Michelle. Michelle is still crying, kaninang umaga pa. According to the lawyer, I cannot file charges here because it happened in Thailand, so Michelle should file charges there, " pahayag ni Rico sa PEP.

Sinubukan ng PEP na kunin ang panig ni Ryan nang tatlong beses sa pamamagitan ng text messages sa kanyang telepono sa Thailand (2:51 p.m., 5:50 p.m., at 7:06 p.m.), pero hindi siya sumagot.

Nagpadala rin ang PEP ng text message kay Michelle (5:48 p.m.) para sa kumpletong detalye ng pangyayari. At press time, wala pang sagot ang girlfriend ni Rico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa report naman ng GMA Weekend News ngayong gabi, nagpahayag ng pagkagulat si Congressman Fariñas dahil hindi raw ito makapaniwalang mananakit ng babae ang kanyang anak.

Si Congressman Fariñas ang nagbigay sa GMA News ng contact number ni Ryan sa Bangkok, pero hindi rin sinagot ni Ryan ang mga tawag sa kanya ng network. Bukas ang PEP sa anumang pahayag ni Ryan tungkol sa insidente na naganap kaninang madaling-araw sa Bangkok.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN